BFP R3 Paniqui Fire Station

BFP R3 Paniqui Fire Station Official Page of Paniqui Fire Station
Province of Tarlac

Daily Fire Safety Tip:In case of FIRE and/or EMERGENCIES call:911 / 045-491-0362 / 0923-135-7153
04/09/2026

Daily Fire Safety Tip:
In case of FIRE and/or EMERGENCIES call:
911 / 045-491-0362 / 0923-135-7153



03/09/2026
03/09/2026
01/09/2026
PANIQUI FIRE STATION, NAKIISA SA PAGHATID NG TULONG SA MGA EVACUEES NG ADUASSa pangunguna ni SFO4 Jaycee C Cruz, Officer...
01/09/2026

PANIQUI FIRE STATION, NAKIISA SA PAGHATID NG TULONG SA MGA EVACUEES NG ADUAS

Sa pangunguna ni SFO4 Jaycee C Cruz, Officer-in-Charge, Paniqui Fire Station, katuwang ang pamahalaang lokal sa pangunguna ni Hon. Kat Roxas, Municipal Mayor, at sa pakikiisa ng mga Local of NGO's matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng relief goods at spare clothes para sa mga residenteng naapektuhan ng masamang panahon dulot ng Hanging Habagat.

Isinagawa ang relief operation para sa mga evacuees mula sa Aduas na pansamantalang nanunuluyan sa Balaoang National High School. Layunin ng aktibidad na matugunan ang ilan sa kanilang pangunahing pangangailangan habang sila ay nasa evacuation center at patuloy na hinihintay ang pagbuti ng kalagayan ng panahon.

Bukod sa pamamahagi ng pagkain at damit, naging pagkakataon din ang aktibidad upang maipaabot sa mga evacuees ang suporta, malasakit, at pagdamay ng pamahalaan at ng buong komunidad sa panahon ng kanilang pagsubok.

Ang Paniqui Fire Station ay patuloy na nakikiisa sa mga hakbangin para sa disaster response, humanitarian assistance, at community service, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, mga pribadong grupo, at mga responsableng mamamayan, mas napapadali ang paghahatid ng tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Bayanihan at malasakit ang tunay na lakas ng isang komunidad.

BFP R3 Tarlac Provincial Office
Municipal Government of Paniqui
Paniqui Information Office

Address

Carriedo Street, Poblacion Sur, Tarlac
Paniqui
2307

Telephone

+639231357153

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFP R3 Paniqui Fire Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFP R3 Paniqui Fire Station:

Shortcuts

Share