Kgwd. John John Macaraeg

Kgwd. John John Macaraeg “MAY NAGAWA NA AT MARAMI PANG MAGAGAWA”

Mula po sa akin na inyong lingkod at sa aking pamilya, ang taos puso po naming pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong B...
25/12/2023

Mula po sa akin na inyong lingkod at sa aking pamilya, ang taos puso po naming pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Pagpalain nawa po tayo ng ating Poong Maykapal! 🙏❤️

12.20.23 | Senior Citizens’ Christmas PartySa ginanap po na Christmas Party ng ating mga Senior Citizens, tayo po ay nag...
20/12/2023

12.20.23 | Senior Citizens’ Christmas Party

Sa ginanap po na Christmas Party ng ating mga Senior Citizens, tayo po ay nagbigay ng kaunting papremyo bilang parangal sa mga pinaka-matandang kasapi ng Senior Citizens sa ating barangay.

Sila Lolo Eduardo Publico at Lola Rosalinda Molina na parehong 89 years old na dumalo kanina ay naabutan po natin ng tig- 1000 pesos. Si Lola Avelina Carlos naman po na 95 years old bagamat hindi nakadalo ay atin din pong aabutan ng 1000 pesos. Ito po ay bilang pamasko po natin sa kanila. Nawa po ay napasaya namin kayo sa munti naming mga regalo.

Muli, mula po sa akin at sa aking pamilya, Maligayang Pasko po! God bless us all! ♥️

12.20.23 | Senior Citizens’ Christmas PartyDumalo po tayo at nakiisa sa ginanap na Christmas Party ng mga Senior Citizen...
20/12/2023

12.20.23 | Senior Citizens’ Christmas Party

Dumalo po tayo at nakiisa sa ginanap na Christmas Party ng mga Senior Citizen dito sa ating barangay. Tayo po ay nakapagbahagi ng 100 pcs. of gift packs sa ating mga minamahal na Senior Citizens. Nawa po ay napasaya po namin kayo sa aming munting pamaskong-handog.

Mula po sa akin at aking pamilya, Maligayang Pasko po sa inyong lahat! God bless us all! ♥️

11.30.2023 | TULONG MEDIKALLIBRENG NEBULIZER  PARA SA BAWAT PUROK NG ATING BARANGAYMagandang gabi po sa ating lahat!Nari...
30/11/2023

11.30.2023 | TULONG MEDIKAL

LIBRENG NEBULIZER PARA SA BAWAT PUROK NG ATING BARANGAY

Magandang gabi po sa ating lahat!
Narito na po ang ipinangako nating pitong (7) Nebulizer para sa bawat purok na nasasakupan ng ating barangay.

Para sa ating mga kabarangay na nangangailangan po ng nebulizer, magsadya lamang po sa mga taong naka-lista sa ibaba:
Purok 1 & 2 - Mrs. Angel Puyawan
Purok 3 - Mrs. Nemalyn Carlos Lopez
Purok 4 & 5 - Kgwd. Macaraeg & Family (magtungo po dito sa aming bahay)
Purok 6 & 7 - Mrs. Gloria Macaraeg

Sa mga napili pong taga-pangalaga ng mga ito, paki-pickup na lamang po dito sa bahay ang mga nebulizer.
Mag-ingat po tayo palagi at laging alagaan ang ating pamilya at kalusugan!

11.30.2023 | TULONG MEDIKALLIBRENG LOSARTAN  PARA SA ATING MGA KABARANGAYMagandang gabi po sa ating lahat!Para sa ating ...
30/11/2023

11.30.2023 | TULONG MEDIKAL

LIBRENG LOSARTAN PARA SA ATING MGA KABARANGAY

Magandang gabi po sa ating lahat!
Para sa ating mga kabarangay na nangangailangan po ng maintenance para sa kanilang high blood pressure, magsadya lamang po dito sa aming bahay. Ang atin pong ipinamamahagi ay 30 pcs of losartan na good for 1 month kada tao, dalhin lamang po ang inyong reseta upang makasiguro po tayong naaayon ito sa prescription ng inyong doktor.
Pinapaalalahanan din po namin ang lahat na libre po ang mga gamot na ibinibigay po ng inyong lingkod.

Mag-ingat po tayo palagi at laging alagaan ang ating pamilya at kalusugan!

11.30.2023 | TULONG MEDIKALLIBRENG ASCORBIC ACID  PARA SA ATING MGA KABARANGAYMagandang gabi po sa ating lahat!Para sa a...
30/11/2023

11.30.2023 | TULONG MEDIKAL

LIBRENG ASCORBIC ACID PARA SA ATING MGA KABARANGAY

Magandang gabi po sa ating lahat!
Para sa ating mga kabarangay na nangangailangan po ng vitamins, magsadya lamang po dito sa aming bahay. Ang atin pong ipinamamahagi ay 30 pcs of vitamins na good for 1 month kada tao. Pinapaalalahanan din po namin ang lahat na libre po ang mga gamot na ibinibigay po ng inyong lingkod.

Mag-ingat po tayo palagi at laging alagaan ang ating pamilya at kalusugan!

DISCLAIMER: THIS MEDICINE IS NOT FOR SALE

11.13.2023 | 3rd Batch of Feeding Program for the month of November📍Purok 5📍Purok 6📍Purok 7Naisagawa na po natin ang ika...
19/11/2023

11.13.2023 | 3rd Batch of Feeding Program for the month of November

📍Purok 5
📍Purok 6
📍Purok 7

Naisagawa na po natin ang ikatlong batch ng ating feeding program ngayong buwan ng Nobyembre. Ito po ay naglalayon na matugunan ang programang pangkalusugan sa ating barangay.
Abangan pa po ninyo ang mga susunod pang batch ng ating feeding program sa ibang purok at area sa ating barangay.

11.10.2023 | Oath Taking CeremonyNanumpa na po ang inyong lingkod noong nakaraang linggo sa Eduardo Cojuangco Jr. Gymnas...
19/11/2023

11.10.2023 | Oath Taking Ceremony

Nanumpa na po ang inyong lingkod noong nakaraang linggo sa Eduardo Cojuangco Jr. Gymnasium na pinangunahan ng Sangguniang Bayan ng Paniqui. Ako po ay muling nagpapasalamat sa suporta at tiwala na ibinigay ninyo sa akin. Makakaasa po kayo sa isang tapat na serbisyo at tuloy-tuloy na pagtulong, Barangay Matalapitap!

𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐫𝐚𝐞𝐠
Brgy. Kagawad, 𝑀𝑎𝑡𝑎𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡𝑎𝑝 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑞𝑢𝑖, 𝑇𝑎𝑟𝑙𝑎𝑐

T-shirts para sa GPTA ng Cojuangco Elementary SchoolAgad po nating tinugunan ang request na T-shirts ng ating Parents-Te...
19/11/2023

T-shirts para sa GPTA ng Cojuangco Elementary School

Agad po nating tinugunan ang request na T-shirts ng ating Parents-Teachers Association ng Cojuangco Elementary School. Nakapag abot po tayo ng 18 White Shirts para sa kanilang uniform bilang officers ng kanilang paaralan.

Mula po sa inyong lingkod, maraming salamat po sa inyong serbisyo at pag-aalaga para sa ating mga estudyante!

11.04.2023 | 2nd Batch of Feeding Program for the month of November📍Purok 1 (Entrada)📍Purok 3📍Purok 4📍Purok 5Naisagawa n...
04/11/2023

11.04.2023 | 2nd Batch of Feeding Program for the month of November

📍Purok 1 (Entrada)
📍Purok 3
📍Purok 4
📍Purok 5

Naisagawa na po natin ang pangalawang batch ng ating feeding program ngayong buwan ng Nobyembre. Ito po ay naglalayon na matugunan ang programang pangkalusugan sa ating barangay.
Abangan pa po ninyo ang mga susunod pang batch ng ating feeding program sa ibang purok at area sa ating barangay.

Address

Purok 5 Sitio Caniogan Barangay Matalapitap
Paniqui
2307

Telephone

+639564463309

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kgwd. John John Macaraeg posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kgwd. John John Macaraeg:

Share

Category