27/08/2026
Ngayong araw nagsagawa ng house-to-house monitoring ang ating mga kawani upang malaman at maitala ang bilang ng mga alagang a*o sa bawat tahanan. Kasabay nito, pinaalalahanan ang lahat ng pet owners na maging responsableng may-ari sa pamamagitan ng wastong pagbabantay at pagtali sa kanilang mga alaga.
Layunin nito na maiwasan ang mga aksidente, kagat, pagala-galang a*o, at mga reklamong maaaring idulot ng hindi maayos na pag-aalaga at pagkontrol sa ating mga alagang hayop.
Nakikiusap po kami sa lahat ng pet owners na makipagtulungan at sundin ang umiiral na ordinansa para sa kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng ating barangay.
Maraming salamat po sa kooperasyon!