Barangay San Isidro

Barangay San Isidro Unity is not equal to being, but is the unifying principle of being" – Marsilio Ficino

30/08/2026

🚧 PAALALA SA MGA MOTORISTA | LIMITASYON SA PAGTAWID SA BARANGOBONG BRIDGE

Ipinapaalala sa lahat ng motorista na may ipinatutupad na vehicle weight limitation sa Barangobong Bridge, na bahagi ng Paniqui–Camiling–Wawa Road sa Barangay Rang-ayan. Tanging mga sasakyang may gross vehicle weight (GVW) na hindi lalampas sa 6 tonelada ang pinapayagang tumawid.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa itinakdang limitasyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga medium trucks, heavy trucks at trailers na 6 tonelada pataas. Iisang lane lamang ang gagamitin sa pagtawid at ang mga motorista ay dapat magpatupad ng maximum speed na 20 KPH habang nasa tulay.

Para sa kaligtasan ng lahat, makiisa at sundin ang mga alituntunin sa pagtawid. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. 💜

29/08/2026

STATE OF CALAMITY | PANIQUEÑO MUNA, SERBISYO MUNA.

Ngayong Agosto 29, 2026, malinaw ang mensahe ng Pamahalaang Bayan ng Paniqui sa pangunguna ni Mayor Kat Roxas: Sa panahon ng kalamidad, ang kapakanan ng bawat Paniqueño ang ating pangunahing prayoridad.

Sa pamamagitan ng Resolution No. 084, Series of 2026, at sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), idineklara ang Municipality of Paniqui sa ilalim ng State of Calamity bilang tugon sa epekto ng pagbaha dulot ng Habagat.

Kasabay nito ang panawagan sa ating mga Barangay Officials na gamitin nang responsable, transparent, at naaayon sa batas ang mga pondong nakalaan para sa pagtugon sa kalamidad at tiyaking ang tulong ay makarating sa mga pamilyang tunay na nangangailangan.

Hindi ito panahon ng pamumulitika.Hindi ito panahon ng pansariling interes.Ito ay panahon ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyo.

Magtulungan tayo. Mag-coordinate tayo. Puntahan at pakinggan natin ang ating mga kababayang nangangailangan.

Dahil sa panahon ng sakuna, walang kulay ng politika—iisa ang ating tungkulin: ang magsilbi sa Paniqueño.

UNAHIN ANG TAO. PROTEKTAHAN ANG BAWAT PAMILYA. WALANG IWANAN.

SERBISYO MUNA. MALASAKIT MUNA. PANIQUEÑO MUNA.

29/08/2026
We are truly grateful and humbled to be recognized as one of the Best Barangays by the DILG Central Luzon. 🙏This recogni...
27/08/2026

We are truly grateful and humbled to be recognized as one of the Best Barangays by the DILG Central Luzon. 🙏
This recognition is not only for the barangay officials and staff, Also this achievement is not ours alone but for the whole community of our beloved Bayan ng Paniqui, Tarlac.
We were also grateful to Sir LGOO VI Engr. Robert C. Diola, MLGOO of Municipal Government of Paniqui,for the guidance, for helping us along the way and for all the encouragement.Thank you for your continued support, cooperation, and trust.

We will remain humble and committed to serving our people and working together for a better Barangay. ❤️


27/08/2026
Maraming Salamat po sa ating butihing Ina ng Bayang Paniqui Hon. Mayor Kat Roxas , sa pa-FEEDING sa mga apektadong pamil...
25/08/2026

Maraming Salamat po sa ating butihing Ina ng Bayang Paniqui Hon. Mayor Kat Roxas , sa pa-FEEDING sa mga apektadong pamilya ng habagat,sa Evacuation Center, sa mga estudyante ng SIES, Gayundin sa Sitio Balsa. Ang buong Sangguniang Barangay,sa pangunguna ng aming Punong Barangay Hon. Rose Marie Acosta Melchor ay lubos na NAGPAPASALAMAT sa inyong pagmamahal sa aming mga ka-barangay.

God bless U po aming Mayora, at sa bise mayor Vice Mayor Jake Roxas at ng iyong mga konsehal at konsehala.
Mabuhay po kau!!!🙏🏻 🫶🏻🤍

Maraming Salamat po sa LGBTQ Community Paniqui, sa pa-FEEDING sa mga apektadong pamilya Outside Evacuation Center (Sitio...
25/08/2026

Maraming Salamat po sa LGBTQ Community Paniqui, sa pa-FEEDING sa mga apektadong pamilya Outside Evacuation Center (Sitio Balsa/Prk. 6-7). Ang buong Sangguniang Barangay,sa pangunguna ng aming Punong Barangay Hon. Rose Marie Acosta Melchor ay lubos na NAGPAPASALAMAT sa inyong pagkalinga sa aming mga ka-barangay.
God bless Ur organisation 🙏🏻 and more power🫶🏻🤍

24/08/2026

PABATID KA-BARANGAY 📢 ..mula po sa ating Punong Barangay Hon. Rose Marie Acosta Melchor at ng buong Sangguniang Barangay Member.

MAGANDANG TANGHALI KA-BARANGAY!!!

PAKITALI PO SANA/ O PAKI-KULONG SA MGA KULUNGAN ANG INYONG MGA ALAGANG A*O, PUSA AT MGA KAMBING. ITO PO AY UPANG...

- MAIWASAN ANG PAKALAT-KALAT NA MGA ALAGANG HAYOP SA KALYE,
- UPANG MAIWASAN ANG PAGDUMI/PAGTAE NG INYONG MGA ALAGANG HAYOP SA KALYE,
- UPANG MAIWASAN ANG MAKAPERWISYO SA MGA REAIDENTE,
- HIGIT SA LAHAT, UPANG MAIWASAN ANG INSIDENTE NG PAGKAGAT NG MGA A*O, PUSA SA MGA NASASAKUPANG RESIDENTE.

Hinihingi po Namin ang inyong MALAWAK NA PANG-UNAWA. Nawa po ay MAGTULUNGAN PO TAUNG LAHAT NA MGA RESIDENTE PARA SA IKALILINIS AT KALIGTASAN NG BAWAT ISA. HINDI LAMANG MGA BARANGAY OPISYALES ANG MAY RESPONSIBILIDAD SA IKABUBUTI NG BARANGAY, BAGKUS TAUNG LAHAT NA NANINIRAHAN D2 SA ATING Barangay San Isidro.

Lingguhang Clean-Up Drive ng Barangay 💚8/23/26PUROK 4, led by Hon. Josephine Calosing Caberto Ang kalinisan ay responsib...
23/08/2026

Lingguhang Clean-Up Drive ng Barangay 💚
8/23/26

PUROK 4, led by Hon. Josephine Calosing Caberto

Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Tuloy-tuloy nating pangalagaan ang ating kapaligiran para sa mas malusog at mas maunlad na komunidad.
Sa pakikupagtulungan ng mga Purok 4 residents... MARAMING SALAMAT PO!


Address

Paniqui

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Isidro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share