20/07/2026
📢 ANUNSYO | 4-DAY WORK WEEK SA MUNICIPAL GOVERNMENT OF PANIQUI
📣 Paunawa sa ating mga kababayang Paniqueño:
Alinsunod sa pagpapatupad ng 4-Day Work Week sa Municipal Government of Paniqui, hinihikayat po ang lahat ng may planong magsagawa ng transaksyon sa Munisipyo na isaalang-alang ang bagong iskedyul ng operasyon upang maiwasan ang abala.
🗓️ July 20–23, 2026 (Lunes hanggang Huwebes)
🕢 7:30 AM – 12:00 NN
🕐 1:00 PM – 6:30 PM
Ang pagpapatupad ng 4-day work week ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang makatipid sa konsumo ng enerhiya at gasolina bilang tugon sa kasalukuyang pandaigdigang krisis sa suplay at presyo ng langis.
Patuloy namang bukas at handang maglingkod ang mga tanggapang nagbibigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan, pagtugon sa emerhensiya, at pampublikong kaligtasan ayon sa kanilang regular na iskedyul.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
Please be guided accordingly. 💜