Municipal Government of Paniqui

Municipal Government of Paniqui Municipality of Paniqui

07/09/2026

📢 PAALALA SA MGA KUMUHA NG TDC

Sa lahat po ng hindi pa nakapag-claim ng kanilang TDC Certificate at Medical Certificate, maaari na po itong i-claim sa PIO/IT Office, na matatagpuan sa 2nd Floor, tabi ng Mayor’s Office ng Municipal Government of Paniqui.

📍 PIO/IT Office – 2nd Floor
(Tabi ng Mayor’s Office)

Maraming salamat po! đź’ś


TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA OFFICE OF THE PRESIDENT đź’śLubos na nagpapasalamat ang Municipal Government of Paniqui sa Offic...
07/09/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA OFFICE OF THE PRESIDENT đź’ś

Lubos na nagpapasalamat ang Municipal Government of Paniqui sa Office of the President, sa pamamagitan ng Office of the Presidential Assistant for Northern Luzon (OPANL) sa pangunguna ni Assistant Secretary Ana Carmela V. Remigio, sa paghatid ng relief assistance para sa humigit-kumulang 700 nating kababayan na naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan noong Setyembre 2.

Malaking tulong ang inyong agarang pagtugon at malasakit sa ating mga pamilyang pansamantalang nananatili sa Sitio Bacao Evacuation Center.

Maraming salamat din sa Presidential Management Staff (PMS), MDRRMO, PSWDO, BFP, PNP, at sa lahat ng volunteers na naging katuwang sa maayos at ligtas na pamamahagi ng relief goods.

Ang inyong pakikiisa ay malaking sandigan ng ating mga Paniqueño sa panahon ng pangangailangan. 💜

ISANG ARAW NG PANGANGALAGA PARA SA ATING MGA LINGKOD-BAYAN đź’śHandog ni Mayor Kat Roxas para sa ating mga empleyado ang Me...
07/09/2026

ISANG ARAW NG PANGANGALAGA PARA SA ATING MGA LINGKOD-BAYAN đź’ś

Handog ni Mayor Kat Roxas para sa ating mga empleyado ang Medical and Dental Mission bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga kawani na araw-araw na katuwang sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Mahalaga rin kay Mayor Kat na maalagaan ang kalusugan ng ating mga empleyado, dahil sila ang kasama niya sa paghahatid ng maagap, mahusay, at makataong serbisyo sa bawat Paniqueño.

đź—“ September 8, 2026 (Tuesday)
⏰ 8:00 A.M.
📍 Eduardo Cojuangco Gymnasium
📝 Limitado lamang sa 50 pasyente ang Blood Chemistry/Blood Extraction. Prayoridad ang Senior Citizens at mga may underlying health conditions o comorbidities.

LIBRENG SERBISYO:
✔️ Medical Check-up
✔️ Dental Check-up
✔️ Laboratory Services
✔️ Libreng Gamot

Para kay Mayor Kat, ang pag-aalaga sa mga lingkod-bayan ay bahagi rin ng pag-aalaga sa buong komunidad. Kapag malusog at maayos ang ating mga kawani, mas handa silang maglingkod nang buong puso para sa ating mga kababayan. đź’ś

Magandang araw, mga kailian sa Paniqui! Patuloy ang paglapit natin ng libreng serbisyong pangkalusugan sa inyong mga bar...
07/09/2026

Magandang araw, mga kailian sa Paniqui! Patuloy ang paglapit natin ng libreng serbisyong pangkalusugan sa inyong mga barangay ngayong buwan, gaya ng detalye sa nakalakip na ehrshbh.png.

Medical, Dental, & Blood Extraction Schedule:
Setyembre 17: Brgy. Dapdap
Setyembre 24: Brgy. Salomague
Setyembre 29: Brgy. Cayanga

Mahalagang Paalala:
Mangyari po lamang na magdala ng Xerox copy ng ID ng pasyente upang maka-avail ng ating mga serbisyo.

Ang programang ito ay taos-pusong inihahatid sa inyo ng Municipal Government of Paniqui, katuwang ang Paniqui General Hospital at Rural Health Unit Paniqui. Magkita-kita po tayo at patuloy nating pangalagaan ang inyong kalusugan!

Maligayang kaarawan, Hon. Rommel David! 🎉 Nawa’y maging puno ng saya, pagpapala, mabuting kalusugan, at tagumpay ang iyo...
07/09/2026

Maligayang kaarawan, Hon. Rommel David! 🎉 Nawa’y maging puno ng saya, pagpapala, mabuting kalusugan, at tagumpay ang iyong espesyal na araw.

Pagbati mula sa Municipal Government of Paniqui! đź’ś

FLAG CEREMONY | PUSO, DANGAL AT GALING PARA SA BAYANSa ginanap na Flag Ceremony ngayong Lunes, na pinangunahan ng Human ...
07/09/2026

FLAG CEREMONY | PUSO, DANGAL AT GALING PARA SA BAYAN

Sa ginanap na Flag Ceremony ngayong Lunes, na pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Pamahalaang Bayan ng Paniqui, binigyang-pansin din ang mahalagang pagdiriwang ngayong buwan ng Setyembre—ang 126th Anniversary Celebration ng Civil Service Commission (CSC), na may temang:

“Puso, Dangal at Galing para sa Bayan.”

Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Mayora Kat Roxas sa lahat ng indibidwal, tanggapan, organisasyon at volunteers na walang pagod na tumugon at tumulong sa ating mga kababayang Paniqueño na naapektuhan ng kalamidad at kasalukuyang nasa mga evacuation centers.

Kabilang sa kanyang kinilala ang:

MDRRMO • BFP Paniqui • PNP Paniqui • BJMP Paniqui • Rural Health Unit • DOH • Paniqui General Hospital Staff • DELTACOM • Guardians • Paniqui Engineering Office • MSWDO • Mayor’s Office Staff

At higit sa lahat, ang mga volunteers, pribadong indibidwal, civic groups, organisasyon at mga grupo na kusang naglaan ng oras, lakas, pagkain, relief goods at iba pang tulong para sa ating mga kababayan.

Sa panahon ng kalamidad, muling pinatunayan ng Paniqui na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa posisyon o katungkulan.

Ito ay nasusukat sa pusong handang tumulong, dangal na hindi naghihintay ng kapalit, at galing na ginagamit para sa kapakanan ng bayan.

🤝 Ito ang Puso. Ito ang Dangal. Ito ang Galing.

At higit sa lahat, ito ang Paniqueng marunong mag-Bayanihan.

Maraming salamat sa inyong lahat na naging bahagi ng pagtugon at pagtulong sa ating mga kababayang Paniqueño. Sa bawat kamay na nag-abot ng tulong, bawat oras na inilaan, at bawat pusong nagmalasakit—kayo ay bahagi ng kwento ng ating bayan.

Puso, Dangal at Galing para sa Bayan.

BAGONG KAGAMITAN, MAS MABILIS NA SERBISYO PARA SA MGA PANIQUEÑO!Ngayong umaga ng Lunes ay isinagawa ang blessing ng mga ...
07/09/2026

BAGONG KAGAMITAN, MAS MABILIS NA SERBISYO PARA SA MGA PANIQUEÑO!

Ngayong umaga ng Lunes ay isinagawa ang blessing ng mga bagong kagamitang pangserbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Paniqui—kabilang ang dalawang dump truck, isang rescue vehicle, at isang buldozer.

Ang mga kagamitang ito ay malaking dagdag-lakas sa kakayahan ng ating pamahalaang bayan na tumugon sa pangangailangan ng mga Paniqueño, lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency situations.

Makakatulong din ang mga ito upang maging mas mabilis at mas maayos ang pangongolekta ng basura, mapanatili ang kalinisan ng ating mga kalsada at komunidad, at maisagawa ang iba pang kinakailangang operasyon ng bayan nang mas episyente.

Ang pagkakaroon ng mga bagong kagamitang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kakayahan ng lokal na pamahalaan at pagbutihin ang serbisyong direktang nararamdaman ng bawat Paniqueño.

Naging posible ang mga ito sa pangunguna ni Mayor Kat Roxas, kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng Paniqui, na patuloy na nagsusulong ng isang pamahalaang handa, mabilis kumilos, at tunay na nakatuon sa serbisyo.

Dahil ang bawat bagong kagamitan ay hindi lamang dagdag na ari-arian ng bayan—ito ay dagdag na kakayahan para mas mabilis na makatulong sa bawat Paniqueño.

Maligayang Kaarawan, Eugene Raxy Galanga! 🎉🎂Ang buong Municipal Government of Paniqui ay bumabati sa ating Municipal Soc...
06/09/2026

Maligayang Kaarawan, Eugene Raxy Galanga! 🎉🎂

Ang buong Municipal Government of Paniqui ay bumabati sa ating Municipal Social Welfare and Development Officer ng isang masaya at makabuluhang kaarawan!

Maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo, malasakit, at dedikasyon para sa kapakanan ng ating mga Paniqueño. Nawa’y maging puno ng pagpapala, saya, at mabuting kalusugan ang inyong espesyal na araw.

Happy Birthday, Sir Eugene! đź’ś

RELIEF GOODS DISTRIBUTION SA MGA BARANGAYPatuloy ang pag-abot ng tulong ng LGU Paniqui sa ating mga kababayang naapektuh...
04/09/2026

RELIEF GOODS DISTRIBUTION SA MGA BARANGAY

Patuloy ang pag-abot ng tulong ng LGU Paniqui sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha. Isinagawa ang relief goods distribution sa Barangays Basio, San Isidro, Apulid, Canan, Matalapitap, Coral, Samput, at Salomague.

Maraming salamat sa MSWDO, BFP, at PNP sa walang-sawang pagtulong at pakikiisa sa bawat relief goods distribution. Malaking bahagi ng inyong oras, pagod at serbisyo ang naibibigay para matiyak na makararating ang tulong sa ating mga Paniqueño. 💜

Address

Gomez Street
Paniqui
2307

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Paniqui posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Paniqui:

Shortcuts

Share