19/09/2026
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat!
Sa pangunguna po ng inyong lingkod at ng buong Sangguniang Barangay, matagumpay po na naipamahagi ng Barangay East Poblacion ngayong ika-19 ng Setyembre 2026, ang β±20,000.00 Educational Assistance sa bawat isa sa limang (5) SCPF Scholars, na may kabuuang halagang β±100,000.00, sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program na isinakatuparan mula sa pondong inilaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang educational assistance na ito ay dagdag na suporta at inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.
MGA NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE:
1. ANDREA FAYEITH DONAYRE
2. JESSA MARY ANNE U.PADUA
3. MA.CZARINA V. ROSETE
4. JENNYFER B. MOLINA
5. BEA VALERIE M. BARCELO
Nawaβy gamitin ninyo ang biyayang ito bilang inspirasyon upang lalo pang magsikap at magtagumpay sapagkat ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng inyong mga pamilya at ng ating buong komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kinauukulan at sa bawat isa na naging bahagi ng programang ito.
Mabuhay ang Bawat Barangay Makikinabang Program!