01/08/2026
VALIDATION ng mga Nakalistang Benepisyaryo ng DSWD UPLIFT Program
Ipinaaalam ng LGU Pantao Ragat, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na isasagawa na ang validation o pagpapatunay ng mga nakalistang benepisyaryo para sa DSWD UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport) Program.
Ang lahat ng mga nakalista ay hinihikayat na magtungo sa Municipal Hall ngayong darating na Lunes hanggang Miyerkules (August 3-5, 2026) at magdala ng mga valid ID (original at photocopy).
Paalala:
* Ang pagkakasama sa paunang listahan ay hindi pa nangangahulugang awtomatikong makatatanggap ng ayuda.
* Tanging ang mga benepisyaryong makapapasa sa validation at sumusunod sa mga alituntunin ng programa ang magiging kwalipikado sa payout.
* Hinihikayat ang lahat na makipagtulungan sa validation team at magbigay ng tama at kumpletong impormasyon.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) at sumailalim sa validation at deduplication ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa oras ng opisina.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa upang matiyak ang maayos, patas, at transparent na pagpapatupad ng DSWD UPLIFT Program.