29/12/2025
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! โต๏ธ๐
Sama-sama tayong magsagwan tungo sa isang masaya at makabuluhang pagtatapos ng taon sa Balangay: Gift Giving, KK Assembly & Year-End Party. Hudyat ito na malayo na ang ating nalakbay ngunit patuloy pa rin ang paglalayag sa bawat hamon. Kaya bilang pagdiriwang sa nagkakaisang tagumpay at pag-usad, gunitain natin ang bawat yugtong tunay na naghubog at nagpatatag sa taong 2025.
Ito ay isang pagtitipon kung saan tatalakayin ang mga nagawa ng Sangguniang Kabataan; naging paglalaan at paggasta ng pananalapi; at pagtalakay sa mga susunod na proyekto. Gayundin ang pagkilala sa mga bata at kabataan sa pamamagitan ng munting paghahandog. Pagkaraan nito, isasagawa ang Year-End Party na may palaro, papremyo, kantahan at kwentuhan. Kaya naman, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa December 30, ganap na 4:00 ng hapon sa Bubog na Munti Covered Court para sa isang gabi ng saya, samahan, at inspirasyon. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng mas matibay at nagkakaisang komunidad ng kabataan.
Kitakits! ๐ฅฐ
!