Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario, Government Organization, Sitio Central, Brgy. Santo Rosario, Paombong.

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€Magandang araw, mga minamahal na kabarangay!Halina't ating ipakita ang ating malasakit sa kalusugan at kapaligir...
24/07/2026

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€

Magandang araw, mga minamahal na kabarangay!
Halina't ating ipakita ang ating malasakit sa kalusugan at kapaligiran sa pamamagitan ng ating pakikiisa sa programang "๐–๐„ ๐–๐š๐ฅ๐ค : ๐–๐š๐ฅ๐ค ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐–๐š๐ฅ๐ค ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐„๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ" na gaganapin sa ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š.
Ito ay magmumula sa bungad Sitio Calizon patungong Kap Tol Jun Marcos at Kuya Mac Marcos Pavilion sa Sitio Ibayo.

Magkakaroon din ng ๐…๐ซ๐ž๐ž ๐™๐ฎ๐ฆ๐›๐š (๐™๐ฎ๐ฆ๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ) pagkatapos ng isang masayang paglalakad upang lalo pang mapalakas ang ating pangangatawan at maitaguyod ang isang malusog na pamumuhay.

Tayo na't makilahok para sa malusog na pangangatawan at sa maganda at malinis na kapaligiran. Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan at maging bahagi ng makabuluhang gawaing ito.

Kita-kits, ROSARIANS!

BOY/GIRL OFFICIAL (BGO) 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญPAANYAYA SA MGA KABATAANBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 na gag...
18/07/2026

BOY/GIRL OFFICIAL (BGO) 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

PAANYAYA SA MGA KABATAAN

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 na gaganapin sa Agosto 10โ€“14, 2026, ang Sangguniang Kabataan ay nag-aanyaya sa lahat ng kwalipikadong kabataan na maging bahagi ng Boy/Girl Official (BGO) Program.

Layunin ng programang ito na bigyan ang mga kabataan ng pagkakataong maranasan at maunawaan ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal ng Barangay at Pamahalaang Bayan. Sa pamamagitan nito, higit nilang mapalalalim ang kanilang kaalaman sa mabuting pamamahala, pamumuno, at makabuluhang paglilingkod sa komunidad.

Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magpadala ng mensahe kay SK Chairperson Maebelane Joy Robles o sa alinman sa mga SK Kagawad upang makapagpalista. Matapos makumpleto ang kinakailangang bilang ng mga kalahok, agad na iaanunsyo ang iskedyul ng botohan at iba pang kaugnay na impormasyon.

PAALALA:

โœ…Ang programa ay may kaukulang Memorandum mula sa Department of Education (DepEd) para sa mga kalahok na mag-aaral.

โœ…Ang Municipality of Paombong, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO), ay magbibigay ng Excuse Letter para sa mga estudyanteng kalahok.

โœ…Ang Parent's Consent Form ay ipagkakaloob ng Sangguniang Kabataan at kinakailangang mapirmahan ng magulang o legal na tagapag-alaga bago pahintulutang makilahok sa programa.

๐Ÿ“Œ Inaanyayahan ang lahat ng kabataang may puso sa pamumuno at paglilingkod na makiisa sa programang ito. Sama-sama nating paigtingin ang partisipasyon ng kabataan sa mabuting pamamahala at pagpapaunlad ng ating pamayanan.

๏ฟฝ

1ST KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026 ๐ŸŽ Gusto mo bang manalo ng drawer, electric fan, double burner, at marami pang ib...
12/07/2026

1ST KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026

๐ŸŽ Gusto mo bang manalo ng drawer, electric fan, double burner, at marami pang iba? Huwag palampasin ang pagkakataong ito!

๐Ÿ“ Punta na mamaya, 5:30 PM, sa Santo Rosario Whole Court at makiisa sa 1st Katipunan ng Kabataan Assembly ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario.

๐Ÿ‘ฅ Ang assembly na ito ay para sa lahat ng kabataang may edad 15โ€“30 taong gulang.

Tampok sa programa:

โœ… Pag-uulat ng Accomplishment Report at Financial Report ng Sangguniang Kabataan.
๐ŸŽ’ Pamimigay ng School Kits para sa 200 Junior High School, Senior High School, at College students.
๐ŸŽ“ Pagkakaloob ng โ‚ฑ1,000 Financial Assistance sa mga kabataang nagtapos ng kolehiyo ngayong taon.
๐ŸŽ Exciting raffle na may maraming papremyo!

๐Ÿฝ๏ธ FREE MEAL para sa unang 200 participants!

Ang Katipunan ng Kabataan Assembly ay hindi lamang pagtitipon, ito ay pagkakataon para marinig ang boses ng kabataan, malaman ang mga proyekto ng SK, at makibahagi sa mga programang inihanda para sa ating komunidad.

Dalhin ang inyong mga kaibigan at huwag kalimutang magparehistro nang maaga para hindi mahuli sa mga sorpresa at raffle prizes!

Kita-kits mamaya! Sama-sama nating ipakita ang pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng kabataan ng Brgy. Santo Rosario.

๐Ÿ“ข โ‚ฑ 1,000 FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA MGA KABATAANG NAGSIPAGTAPOS NG KOLEHIYO SA TAONG 2025-2026 ๐Ÿ“šAng Sangguniang Kabat...
07/07/2026

๐Ÿ“ข โ‚ฑ 1,000 FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA MGA KABATAANG NAGSIPAGTAPOS NG KOLEHIYO SA TAONG 2025-2026 ๐Ÿ“š

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santo Rosario ay maglalaan ng 50 slots para sa tulong pinansyal sa mga nakapagtapos o magtatapos ng kolehiyo para sa Academic Year 2025-2026

Ang 50 graduating student na makakapag palista sa Sks at makakapunta sa July 12,2026 ang siyang makakakuha ng financial assistance.
________________________________________
โœ… Mga Kwalipikasyon:

โ€ข Botante ng Barangay Santo Rosario
โ€ข Makakadalo sa Katipunan ng Kabataan Assembly sa Hulyo 12,2026
โ€ข May dalang photocopy ng School ID at Certificate of Registration (COR) para sa 2nd Semester A.Y. 2025-2026
________________________________________
๐Ÿ“„ Format ng Isusumiteng Dokumento sa July 12,2026
๐Ÿ“˜ Page 1: Personal Information
โ€ข Name:
โ€ข Age:
โ€ข Sitio:
โ€ข School:
โ€ข Year Level:
โœ”๏ธ Isama ang photocopy ng School ID
โœ”๏ธ Lagyan ng tatlong (3) pirma sa ibaba ng ID copy bilang patunay ng authenticity
________________________________________
๐Ÿ“˜ Page 2: Certificate of Registration (COR)
โ€ข Dapat ay para sa 2nd Semester, A.Y. 2025โ€“2026
________________________________________

๐Ÿ“… Deadline ng pagpaparegister : July 10,2026
Para sa karagdagang tanong, makipag-ugnayan lamang sa opisyal na page ng SK Santo Rosario o direktang lumapit sa mga SK .



SCHOOL KIT DISTRIBUTION PARA SA MGA KABATAANG MAG-AARAL NG BARANGAY SANTO ROSARIO ๐Ÿ“šAng Sangguniang Kabataan ng Barangay ...
07/07/2026

SCHOOL KIT DISTRIBUTION PARA SA MGA KABATAANG MAG-AARAL NG BARANGAY SANTO ROSARIO ๐Ÿ“š

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santo Rosario ay mamamahagi ng 50 School Kits para sa mga kwalipikadong kabataang mag-aaral ng:

โœ…50 Junior High School
โœ…50 Senior High School
โœ…50 Kolehiyo
โœ…ALS (Alternative Learning System)

โณ First Come, First Served!

Ang unang limampung (50) kwalipikadong kabataan na makakapagpalista sa mga Sks at makakadalo sa mismong araw ng pamamahagi ang mabibigyan ng School Kit.
โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”
โœ… Mga Kwalipikasyon:๏ฟฝโ€ข Residente o botante ng Barangay Santo Rosario๏ฟฝโ€ข Makakadalo sa Katipunan ng Kabataan Assembly sa Hulyo 12, 2026๏ฟฝโ€ข May photocopy ng School ID at Certificate of Registration (COR) para sa School Year 2026โ€“2027
โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”
๐Ÿ“„ Mga Dokumentong Isusumite sa Hulyo 12,2026

๐Ÿ“˜ Page 1 โ€“ Personal Information๏ฟฝโ€ข Pangalan๏ฟฝโ€ข Edad๏ฟฝโ€ข Sitio๏ฟฝโ€ข Paaralan๏ฟฝโ€ข Year Level
โœ”๏ธ Isama ang photocopy ng School ID.๏ฟฝโœ”๏ธ Lagyan ng tatlong (3) pirma sa ibaba ng photocopy ng School ID bilang pagpapatunay ng authenticity.

๐Ÿ“˜ Page 2 โ€“ Certificate of Registration (COR)๏ฟฝโ€ข Para sa School Year 2026โ€“2027
โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”
๐Ÿ“… Deadline ng Registration: Hulyo 10, 2026

Sa maliit na paraang ito, hangad ng inyong Sangguniang Kabataan na makatulong sa paghahanda ng ating mga kabataan para sa panibagong taon ng pag-aaral. Patuloy nating suportahan at itaguyod ang edukasyon sa ating barangay.

๏ฟฝ ๏ฟฝ

Pride Month: Bingo Night ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆMatagumpay na naisakatuparan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Rosario ang pagdiriwa...
07/07/2026

Pride Month: Bingo Night ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Matagumpay na naisakatuparan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Rosario ang pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng isang masaya at makulay na Bingo Night kasama ang ating mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ang programang ito ay isang simpleng paraan ng pagpapakita ng ating suporta, pagmamahal, at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating komunidad. Layunin nitong palakasin ang diwa ng pagkakaisa, pagtanggap, at paggalang sa bawat isa anuman ang kasarian o pagkakakilanlan.

Naging mas masaya ang gabi dahil sa mga papremyong inihanda para sa mga kalahok. Ilan sa mga masuwerteng nanalo ay nakatanggap ng drawer box, electric fan, double burner, cash prizes, at marami pang iba. Tunay na naging puno ng saya, tawanan, at pagkakaibigan ang buong programa.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Sto. Rosario, sa pangunguna ni ABC Kap. Tol Jun Marcos, sa kanyang ipinagkaloob na 10 sako ng tig-5 kilo ng bigas na naging dagdag na papremyo para sa ating mga kalahok.

Maraming salamat din sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Nawa'y patuloy nating isulong ang isang komunidad na may pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap sa bawat isa.

Happy Pride! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐Ÿ’–

Brigada Eskwela 2026 Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela, ang Sangguniang Kabataan ay nagbigay ng electric fan at mga of...
07/07/2026

Brigada Eskwela 2026

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela, ang Sangguniang Kabataan ay nagbigay ng electric fan at mga office supplies sa Santo Rosario Elementary School upang makatulong sa pangangailangan ng paaralan at maging mas maayos ang kapaligiran para sa mga g**o at mag-aaral.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating bagong Principal, Sir Von Ocampo, sa mainit na pagtanggap at pakikiisa sa layunin ng programang ito.

Patuloy na magsisilbi ang Sangguniang Kabataan at makikipagtulungan sa mga programang naglalayong mapabuti ang edukasyon at kapakanan ng ating Brgy.

Sama-sama para sa mas maayos at mas matagumpay na paaralan! ๐Ÿ’™๐Ÿ“–โœจ

๐Ÿ€๐Ÿ† Inter-Color Basketball League 2026๏ฟฝChampionship & Awarding CeremonyIsang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa ...
07/07/2026

๐Ÿ€๐Ÿ† Inter-Color Basketball League 2026๏ฟฝChampionship & Awarding Ceremony

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating Inter-Color Basketball League 2026. Maraming salamat sa lahat ng mga manlalaro, team managers, coaches, opisyal at nakibahagi mula sa unang araw hanggang sa huling laro at awarding ceremony.

Lubos ding nagpapasalamat ang Sangguniang Kabataan sa mga kabataang naglaan ng kanilang oras at serbisyo upang maging matagumpay ang ating paliga. Espesyal na pasasalamat kina Ron Mendoza, Aniel Calara, Jude Calara, at lalo na kay Jared Calara sa kanyang walang sawang suporta at patuloy na pagtulong sa mga programa ng Sangguniang Kabataan.

Patuloy nating isulong ang pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa sports para sa kabataan ng ating barangay.

Congratulations sa ating lahat! ๐Ÿ€๐ŸŽ‰

INTER- COLOR BASKETBALL LEAGUE CHAMPIONSHIP GAME ๐Ÿ€
07/07/2026

INTER- COLOR BASKETBALL LEAGUE CHAMPIONSHIP GAME ๐Ÿ€

๐Ÿ† Inter-Brgy Volleyball League 2026 ๐ŸIsang taos-pusong pagbati sa ating Men's at Women's Volleyball Teams sa kanilang ka...
07/07/2026

๐Ÿ† Inter-Brgy Volleyball League 2026 ๐Ÿ

Isang taos-pusong pagbati sa ating Men's at Women's Volleyball Teams sa kanilang kahanga-hangang tagumpay sa Inter-Brgy Volleyball League!

๐Ÿฅ‡ Women's Volleyball Team โ€“ Champion (1st Place)

๐Ÿฅˆ Men's Volleyball Team โ€“ 2nd Place

Ang inyong mga tagumpay ay bunga ng sipag, disiplina, tiyaga, dedikasyon, at mahusay na pagtutulungan ng bawat miyembro ng koponan.

Ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, at determinasyon sa bawat laban. Kayo ay tunay na inspirasyon sa ating Brgy.

Lubos naming pinasasalamatan si Coach Mar Benedictos sa kanyang dedikasyon at mahusay na paggabay sa ating mga manlalaro. Gayundin, taos-puso ang aming pasasalamat kay Assistant Coach SK Kagawad Mardi Dionisio sa kanyang walang sawang suporta, pagsasanay, at paghikayat sa buong koponan.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni ABC Kapitan Jun Marcos, sa patuloy na pagsuporta at pagpapalakas ng mga programang pampalakasan sa ating barangay.

Muli, congratulations sa ating Men's at Women's Volleyball Teams! Patuloy nating ipagmalaki ang ating barangay at magsikap para sa mas marami pang tagumpay sa mga darating na palaro. ๐Ÿ’™๐Ÿ๐ŸŽ‰

Address

Sitio Central, Brgy. Santo Rosario
Paombong
3001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share