Sumbong Sumbong kay Bonggang BongBong

Sumbong Sumbong kay Bonggang BongBong Sumbong Sumbong kay Bonggang Bonggang Bongbong - Ibubuko ang mga fake news

Eto na nga! Dahil tag ulan na nakahanap na naman ng issue itong kampon ni Batugan! Nag siste kinokondena ang pamunuan pa...
04/08/2026

Eto na nga! Dahil tag ulan na nakahanap na naman ng issue itong kampon ni Batugan! Nag siste kinokondena ang pamunuan patungkol sa nagaganap na pagbaha sa ilang bahagi ng Moonwalk! Hellooooooo! Nananaginip ba kayo? Bakit ngayon todo kuda kayo at batikos tungkol sa pagbaha? Samantalang nung panahon ninyo na halos o lagpas isang dekada na sa tuwing umuulan ng malakas o may bagyo ay talagang bumabaha pero wala naman kayo nagawa para pigilan yan! Inutil ba kayo nung panahon na yun?

Para sa kaalaman ng lahat Ang Barangay Moonwalk ay itinatag noong 1978. Ibig sabihin, luma na ang drainage lines at hindi na kaya sa dami ng buildings, commercial establishments at kabahayan.

Pangalawa, ang LGU ang may pananagutan sa maintenance ng mga yan at ang Barangay ay tumutulong lamang sa paglilinis.

Upang ma-monitor ang taas ng tubig baha, nilagyan ng Barangay ng monitoring level. Ito ay nagbabadya kung kailangan ng lumikas ang mga tao at pansamantalang lumipat sa safe na lugar o sa evacuation center

Kaya mga hunghang! Hindi lang Barangay Moonwalk ang meron niyan! Halos lahat na ng may binabahang area hindi lamang sa Metro Manila kundi pati narin sa mga probinsiya! Bago bumatikos mag isip isip muna!

Team    x Team  Sama sama para sa tuloy tuloy na pagbabago at pag angat ng   Paniguradong nginig ang tuhod ng mga desper...
03/08/2026

Team x Team

Sama sama para sa tuloy tuloy na pagbabago at pag angat ng

Paniguradong nginig ang tuhod ng mga desperadong utot na may igit!

DEMAND LETTER! GINAGAMIT PANG HARASS KONTRA SA MALAYANG PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN AT KATOTOHANAN!Nitong mga nakaraang ara...
03/08/2026

DEMAND LETTER! GINAGAMIT PANG HARASS KONTRA SA MALAYANG PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN AT KATOTOHANAN!

Nitong mga nakaraang araw ay may mga nakatanggap ng Demand Letter mula sa isang babae na diumano ay representante ng kanyang asawang nangangarap maging kapitan! Itago nalang natin sa pangalang "BATUGAN".

Etooo na nga ang siste gustong busalan nitong grupo ni batugan ang ilan sa mga residente ng moonwalk na nagsasalita ng mga saloobin nila at totoong nasaksihan noong panahon na nakaupo pa bilang kagawad itong si Batugan. At huwag ka matindi ang mga demand! Masyadong DEMANDING! dapat hindi Demand Letter ang ipinadala nyo kundi DEMANDING LETTER! Akalain mo triggered ang mga puwet nyo at nag uusok na ang ilong nyo sa galit dahil unti unti na kayong nabubuko sa mga totoong layunin ninyo at hangarin! na wala naman talaga kayong nagawa sa halos o higit isang dekada ninyong nakaupo bilang kagawad ng Barangay Moonwlk na kung saan sandamakmak na demand pa ang hinihingi nyo at panggigipit na ginawa nyo sa dating kapitan para kayo kumita! lang!

BALAT SIBUYAS ang labas nitong mga ito at halatang wrong move bakit? May mga comment kung saan wala namang pinangalanan ang isang tao sa post na ginawa ni The Who pero kumislot at napaigtad sa kinauupuan nag mga apektado! Obvious na obvious tuloy na sia ang nasa likod ng paglitaw ng page na The Who? Barangay Moonwalk Chapter kung saan nag layunin ay sirain at ibagsak ang kasalukuyang administrasyon ng sa barangay at iangat ang kanilang pangalan para pabangohin sa moonwalk na akala mo ay ang lilinis!

Unti unti na po lumalabas ang totoong motibo at kulay nila at ayaw nila ng malayang pagpapahayag at gusto nila patahimikin ang mga nagbubuko ng totoo nilang ginawa!

Abangan natin ang susunod na kabanata sa ginagawang panghaharass ng kampo ni Batugan sa ilang mga nagcocomment sa posts ni The Who!

01/08/2026

Word of the Week: DEMAND LETTER
😂🤣

01/08/2026

May umaray! umaray ang pikon! So ano na? Senyales na ba yan ng pag amin na kayo ang nasa likod? Hmm Abangan!

25/07/2026

Uy! Si Hey! Hey! Pin Post! Blue na ang utot?

Eto na nganiii!!!Dahil wala na siyang maibatong issue at dahil may bagyo na pumasok sa PAR, heto na naman si The Who at ...
09/07/2026

Eto na nganiii!!!

Dahil wala na siyang maibatong issue at dahil may bagyo na pumasok sa PAR, heto na naman si The Who at umeeksena na kesyo hinahanap ang budget ng BDRRM

Ayon sa kanyang post nasa kalahati na daw ng taon pero wala daw siyang nakikitang disaster relief at kung ano ano pa? Teka lang may delubyo na bang naganap para ilabas mo yung mga sinasabi mong disaster relief etc? Nagsimula na bang tumama ang Super Typhoon para gusto mo i display sa madlang people ang mga disaster relief at iba pa? Paanong absent? Kaya nga nagkaroon ng meeting ang BDRRM para mapag usapan ang gagawing paghahanda at pagkilos ng BDRRM kung sakaling tumama man ang bagyo at bilang BDRRM CHAIRWOMAN dapat lang na pangunahan ng Punong Barangay ang pagpupulong.

Para sa kaalaman ng lahat ang DRRM BUDGET di lang yan tungkol sa disaster relief kasama diyan ang maintenance ng mga Emergency Vehicles gaya ng Patient Transport Vehicles at Fire Trucks kaya paano mo nasasabing di mo nararamdaman ang paggalaw sa budget ng DRRM? napaghahalataan talaga na gumagawa ka lang ng issue para mapag usapan! Epal!

Nung panahon ni Batugan di naman siya naramdaman sa mga delubyong naganap lalo na sa bagyo! Kailan yan nakitang lumusong sa baha? Nakakatawa ka talaga The Who!

Oooooppppsss! Ay! Napost! Teka mamaya na yung actual picture ng mugshot Clue: Masamang masama ang loob nya dahil sa CARA...
07/07/2026

Oooooppppsss! Ay! Napost! Teka mamaya na yung actual picture ng mugshot

Clue: Masamang masama ang loob nya dahil sa CARA Y CRUZ

Bakit kaya tahimik si The Who sa mga ganito? Akala ko ba galit sya sa mga epal?Balita ko rin tablado sila?
07/07/2026

Bakit kaya tahimik si The Who sa mga ganito? Akala ko ba galit sya sa mga epal?

Balita ko rin tablado sila?

Isa na namang Bonggang bongga na katangahan ang ginawa ng kampo ni Batugan sa pamamagitan ng alipores niyang si The Who!...
20/06/2026

Isa na namang Bonggang bongga na katangahan ang ginawa ng kampo ni Batugan sa pamamagitan ng alipores niyang si The Who! Akalain mo ba naman na pati ang magandang layunin na FUEL SUBSIDY na para sa mga masisipag natin na TRICYCLE DRIVER'S at OPERATORS ay batikusin pa? Kesyo kung kailan daw nagkaroon ng PEACE AGREEMENT saka nagpa fuel subsidy! Kung di ba naman sandamakmak na bobo kayo diyan mataas parin ang presyo ng fuel at patungkol sa pera baka nakakalimutan nyo na nagbigay na ang DSWD sa pamamagitan ng CITY GOVERNMENT ng 5K ayuda para sa mga TRICYCLE DRIVERS, TNVS, MC TAXI RIDERS etc. Imbes na matuwa kayo dahil malaking tulong yan para sa mga magigiting na naghahanapbuhay ay minasama pa ng mga loko lokong mapaglaro ang isip!

Ayan akala nyo makabubuti sa inyo ang pagbatikos nyo sa fuel subsidy! Ayon nakasama pa dahil nagalit na sa inyo ang mga tricycle drivers at operators!

Kung kayo ang tatanungin! Papayag ba kayong maging kapitan ang walang malasakit at puso na taong yan na kinokondena ang magandang layunin na makakatulong sa kapwa?

Address

Parañaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sumbong Sumbong kay Bonggang BongBong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category