Parañaque Livelihood Resource Management Office - PLRMO

Parañaque Livelihood Resource Management Office - PLRMO This is the official page of the Parañaque Livelihood Resource Management Office of the City Government of Parañaque

Pagtuturo ng CANDLE MAKING (traditional) sa mga street workers ng Bgy. Don Bosco kaugnay ng Gender & Development Program...
05/09/2026

Pagtuturo ng CANDLE MAKING (traditional) sa mga street workers ng Bgy. Don Bosco kaugnay ng Gender & Development Program ng PLRMO

Pagtuturo ng CHOCOLATE BAR MOLD para sa UNICA Women’s Group (United Nanay in Community Association) ng Bgy. Sunvalley
05/09/2026

Pagtuturo ng CHOCOLATE BAR MOLD para sa UNICA Women’s Group (United Nanay in Community Association) ng Bgy. Sunvalley

📣 Gusto mo bang maging SEWER/ DRESSMAKER ?Ngayon na ang inyong pagkakataong matuto. Ang Parañaque Livelihood Resource Ma...
31/08/2026

📣 Gusto mo bang maging SEWER/ DRESSMAKER ?

Ngayon na ang inyong pagkakataong matuto. Ang Parañaque Livelihood Resource Management Office (PLRMO) ay magbubukas muli ng panibagong batch ng kursong DRESSMAKING (leading to NC II)

Ang training program na ito ay naglalayon na magbigay kaalaman sa mga sumusunod :

✔️ Body Measurement
✔️ Pattern Making/ Drafting
✔️ High Speed Sewing Machine Operation

At matuto ng paggawa ng :

✅ Pants
✅ Skirt
✅ Blouse
✅ Polo
✅ Walking shorts
✅ Summer dress
✅ Filipiniana Bolero sleeves

🗓️ Training Duration : 275 training hours

🗒️ Training Schedule : Monday to Friday
8:00 am to 3:00 pm

📍 Training Site : PLRMO - PSTC
Parañaque Skills Training Center

📅 Target Start of Classes :
2nd week of September 2026

☑️ Mode of Delivery : Face-to-face

Sa mga interesado, personal na magtungo sa:

PARAÑAQUE LIVELIHOOD RESOURCE MANAGEMENT OFFICE (PLRMO)
📍 PLRMO Bldg., Simplicio Cruz Compound,
Bgy. San Isidro , Parañaque City
(back of S&R Sucat)
📞 88206528 | 88206877 | 88206527

Tara , ENROLL KA NA !!!

📣 Gusto mo bang maging ELECTRICIAN ?Ang Parañaque Livelihood Resource Management Office (PLRMO) ay magbubukas ng panibag...
31/08/2026

📣 Gusto mo bang maging ELECTRICIAN ?

Ang Parañaque Livelihood Resource Management Office (PLRMO) ay magbubukas ng panibagong batch ng
Training Program sa ELECTRICAL INSTALLATION & MAINTENANCE (leading to NC II).

Ang nabanggit na programa ay magbibigay kasanayan sa :

✔️Fire Alarm System
✔️CCTV Installation
✔️Door Access Control
✔️Normal Emergency Power

🗒️Training Duration : 240 training hours

🕰️ Training Schedules :
• SCHEDULE A
Monday - Tuesday | 7:00 am to 6:00 pm
Wednesday | 8:00 am to 12:00 nn
• SCHEDULE B
Thursday - Friday | 7:00 am to 6:00 pm
Wednesday | 1:00 pm to 5:00 pm

📅 Target Start of Classes :
2nd week of September 2026

📍 Training Site : PLRMO - PSTC
Parañaque Skills Training Center

☑️ Mode of Delivery: Face-to-face

Sa mga interesado, personal na magtungo :

PARAÑAQUE LIVELIHOOD RESOURCE MANAGEMENT OFFICE (PLRMO)
📍PLRMO Bldg., Simplicio Cruz Compound,
Bgy. San Isidro, Parañaque City
(back of S&R Sucat)
📞 88206528 | 88206877 | 88206527

Tara , ENROLL KA NA !!

25 Agosto 2026                   SAFE SPACES (RA 11313)             “ Respeto, Dignidad at Kaligtasan                   ...
29/08/2026

25 Agosto 2026
SAFE SPACES (RA 11313)
“ Respeto, Dignidad at Kaligtasan
Para sa Lahat “

Matagumpay na naisagawa ang Seminar ng SAFE SPACES ACT (RA 11313) para sa BATCH 2 ng Community Leaders at Partners ng PLRMO

• Bgy. San Antonio
• Bgy. Moonwalk
• Bgy. Sto. Niño
• Bgy. Tambo
• Bgy. San Dionisio
• Bgy. Don Bosco
• Bgy. Merville
• Bgy. Vitalez
• Bureau of Fire Protection (BFP)
• City Social Welfare Development Office
• F. Serrano Elementary School
• San Agustin Elementary School
• Fourth Estate Elementary School
• KAGABAY
• Our Lady of Peace Parish
• Parañaque Cooperative Development Office
• Person with Disability Affairs Office
• Parañaque City Nutrition Office
• Action for the Care & Development for
the Poor for the Philippines (ACAP)
• Solo Parent Federation of Bgy. Marcelo

Katuwang ang ating mga itinalagang resource speakers

• Dr. Frederick B. Padrilan
• Dr. Amelita F. Catugda
• Dr. Divina D. Barros

Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang upang palawakin ang kaalaman, kamalayan at sama-samang pagkilos tungo sa isang ligtas at mapagkalingang komunidad.

Sa bawa’t kalsada, pampublikong lugar, workplace, training institution at maging sa social media platform, walang sinuman ang dapat makaramdam na kailangan niyang tiisin ang pambabastos para lamang makagalaw nang malaya. Ang respeto ay hindi pribilehiyo, ito ay karapatan ng bawa’t isa.

Bilang mga community leaders at partners ng aming tanggapan, mayroon tayong mahalagang papel sa paghubog ng isang komunidad kung saan ang bawa’t boses ay naririnig, bawa’t tao ay nirerespeto, at bawa’t isa ay may lakas ng loob na magsalita at humingi ng tulong kapag kinakailangan.

Dahil ang tunay na SAFE SPACE ay hindi lamang lugar na walang harrassment. Ito ay isang komunidad na may malasakit, may pananagutan at may tapang na manindigan para sa tama.

Hindi tayo mananahimik sa pambabastos. Hindi natin hahayaang maging normal ang hindi tama. Sama-sama nating gawing ligtas ang bawa’t espasyo, makabuluhan ang bawa’t ugnayan at makatao ang bawa’t komunidad.

Let us continue to work together towards a safer, more respectful and more inclusive communities.

Magsimula tayo sa paggalang.
Magsimula tayo sa ating sarili.

SAFE SPACES BEGIN WITH RESPECT ,
RESPECT BEGINS WITH US

Pagtuturo ng SIOPAO, SIOMAI & KIKIAM MAKING para sa Sangguniang Kabataan (SK) ng Bgy. Tambo
29/08/2026

Pagtuturo ng SIOPAO, SIOMAI & KIKIAM MAKING para sa Sangguniang Kabataan (SK) ng Bgy. Tambo

Pagtuturo ng MEAT PROCESSING para sa mga kasambahay na inorganisa ng Parañaque Workers Affairs Office (PWAO) na ginanap ...
28/08/2026

Pagtuturo ng MEAT PROCESSING para sa mga kasambahay na inorganisa ng Parañaque Workers Affairs Office (PWAO) na ginanap sa barangay hall ng San Antonio

19 Agosto 2026 Matagumpay na naidaos ang Seminar sa SAFE SPACES ACT (RA 11313) para sa UNANG BATCH ng mga Community Lead...
22/08/2026

19 Agosto 2026

Matagumpay na naidaos ang Seminar sa SAFE SPACES ACT (RA 11313) para sa UNANG BATCH ng mga Community Leaders at mga Partners :

• Bgy. Baclaran
• Bgy. Don Galo
• Bgy. La Huerta
• Bgy. San Isidro
• Bgy. Marcelo Green
• Bgy. San Martin
• Bgy. Sunvalley
• Bgy. BF
• Baclaran Vendors Development Coop.
• BJMP (Male Dorm)
• BJMP (Female Dorm)
• Center for Children w/ Special Needs (CSN)
• KALIPI
• Bridge Builder Foundation
• Parañaque Elementary School - Central
• Parañaque National High School
• Muslim Women
• St. Andrew’s Cathedral
• St. Joseph Parish
• Jesus is Lord
• San Dionisio Credit Cooperative

Ang RA 11313 o Bawal Bastos Law ay batas na naglalayong protektahan ang bawa’t isa laban sa gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, on-line platforms, work places at training institutions.

Sa pamamagitan ng seminar na ito layunin nating mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng ating community leaders at partners tungkol sa kanilang mga karapatan, responsibilidad at higit sa lahat ang kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng ligtas at respetadong pamayanan.

Pagtuturo ng SOAP MAKING para sa grupo ng Persons with Disabilities (PWDs) na inorganisa ng Tanggapan ng PDAO ng ating l...
21/08/2026

Pagtuturo ng SOAP MAKING para sa grupo ng Persons with Disabilities (PWDs) na inorganisa ng Tanggapan ng PDAO ng ating lungsod

Address

PLRMO Bldg. , Simplicio Cruz Compound, Brgy. San Isidro
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63288206528

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parañaque Livelihood Resource Management Office - PLRMO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Parañaque Livelihood Resource Management Office - PLRMO:

Shortcuts

Share