Local Housing Development Office Parañaque City

Local Housing Development Office Parañaque City This is the dedicated page for local housing issues, concerns and all other matters related thereto.

Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga isyu , saloobin at iba pang bagay na may kaugnayan sa pa-bahay.

29/08/2026
MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR EDWIN L. OLIVAREZ AT MA’AM JANET OLIVAREZ! 💚🎂Taos-puso po ang pagbati ng Local Housing Develo...
21/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, MAYOR EDWIN L. OLIVAREZ AT MA’AM JANET OLIVAREZ! 💚🎂

Taos-puso po ang pagbati ng Local Housing Development Office – Parañaque City sa ating minamahal na Mayor Edwin L. Olivarez at Ma’am Janet Olivarez! 🥳🎉

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at lakas upang patuloy na makapaglingkod at maging inspirasyon sa ating mga kababayan. 🙏✨

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod para sa ating minamahal na lungsod ng Parañaque. 💚

Happy Birthday, Mayor Edwin & Ma’am Janet! 🥳🎉






💚

17/08/2026

99 pamilya ng Aloe Vera Neighborhood Association, Inc. tumanggap ng mga payment booklet mula City Government of Parañaque!

Ipinamahagi na ng City Government of Paranaque ang mga payment booklet sa 99 pamilya ng Aloe Vera Neighborhood Association, Inc. ng Barangay Don Bosco kamakailan.

Ang bawat pamilyang nakatanggap ng booklet ay mga benepisyaryo ng socialized housing project ng lungsod.

Ang mga booklet ay para mamonitor ang kanilang pagbabayad sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Pagkatapos nila makumpleto ang kanilang bayad, sila naman ay gagawaran ng Transfer Certificate of Title na siyang katibayan na ang lupa ay kanila na.

Isa sa layunin ng City Government ang matulungan ang bawat Parañaqueño na magkaroon ng sariling lupa upang matiyak ang tirahan at kalagayan ng kanilang mga pamilya.

Makakaasa po kayo na patuloy nating papalawakin at madagdagan ang mga oportunidad na pabahay at isulong ang mga komunidad na may ligtas at tiyak na kinabukasan para sa bawat Parañaqueño!

Muli, isang pagbati sa Aloe Vera Neighborhood Association, Inc.!

‎
‎
‎

Isang matagumpay at makabuluhang gawain ang isinagawa para sa mga benepisyaryo ng Aloe Vera Homeowners Association mula ...
13/08/2026

Isang matagumpay at makabuluhang gawain ang isinagawa para sa mga benepisyaryo ng Aloe Vera Homeowners Association mula sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City. Ito ay bahagi ng programang lupang pabahay ng lungsod ng Parañaque.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating butihing City Mayor Edwin L. Olivarez, sa pamamagitan ng Local Housing Development Office sa pamumuno ng aming OIC Karl Algae Mendoza, katuwang ang tanggapan ng Urban Mission and Development Office na nirepresenta ng kanilang Assistant OIC Marlon Balbastro, at Barangay Don Bosco sa pamumuno ng ating Barangay Captain Mar Jimenez.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, mahigit 100 pamilya ang natulungan at nabigyan ng kaukulang booklet/passbook bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti, mapadali, at mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod sa ating mga residente.

Maraming salamat sa ating mga kasamahan, sa mga opisyal ng Aloe Vera Homeowners Association sa pamumuno ni President Nida Sablad, at sa lahat ng residente sa kanilang pakikiisa at aktibong pakikilahok.



Address

Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Housing Development Office Parañaque City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Local Housing Development Office Parañaque City:

Shortcuts

Share