01/08/2026
𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧, 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐃𝐨𝐧 𝐆𝐚𝐥𝐨! 💙🏀🏐
Ang 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗗𝗼𝗻 𝗚𝗮𝗹𝗼 ay nagkaloob ng mga sapatos sa ating mga manlalaro bilang suporta sa kanilang paghahanda para sa nalalapit na 𝗣𝗮𝗿𝗮ñ𝗮𝗾𝘂𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲, na lalahukan ng iba't ibang barangay sa buong Lungsod ng Parañaque.
Nawa'y magsilbi itong inspirasyon at dagdag-kumpiyansa sa bawat atletang magbibigay ng husay, disiplina, at puso sa pagdadala ng karangalan sa ating barangay.