Barangay San Dionisio

Barangay San Dionisio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Dionisio, Public & Government Service, Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque.

Bawat sako ng bigas ay simbolo ng malasakit at pagkakaisaNgayong araw, Agosto 6, 2026, matagumpay na naipamahagi ang ika...
06/08/2026

Bawat sako ng bigas ay simbolo ng malasakit at pagkakaisa

Ngayong araw, Agosto 6, 2026, matagumpay na naipamahagi ang ikatlong tranche ng 10 kilong libreng bigas para sa ating mga kababayan na kabilang sa vulnerable sector.

Sa pangunguna ng ating lokal na pamahalaan, patuloy na naihahatid ang mga programang nagbibigay-ginhawa at suporta sa mga pamilyang higit na nangangailangan. Isang patunay ito ng sama-samang pagkilos upang matiyak na walang maiiwan sa serbisyong nararapat para sa bawat Parañaqueño.

Follow our official page para sa iba pang mga programa at serbisyong handog ng ating Pamahalaang Lungsod ng Parañaque.

OPISYAL NA ABISO SA SUSPENSYONDahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Bagyong Maymay at Habagat, at sa rekomendasyon...
05/08/2026

OPISYAL NA ABISO SA SUSPENSYON

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Bagyong Maymay at Habagat, at sa rekomendasyon ng NDRRMC, walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan pati na rin ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026, sa National Capital Region at iba pang apektadong probinsya.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Official Gazette: https://www.officialgazette.gov.ph/5V8uZY

Para sa mga emergency, maari po kayong tumawag sa ating Barangay Hotline:
𝗖𝗲𝗹𝗹𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿:
𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁: 0962-465-8755 / 0962-465-8759
𝗚𝗹𝗼𝗯𝗲: 0927-370-4851 / 0927-370-4852

𝗧𝗲𝗹𝗲𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿:
[02] 87-334-558 / [02] 87-353-663
LOCAL:
101 (RADIO/CCTV ROOM)
112 (WOMEN'S DESK)
110 (PEACE AND ORDER)

05/08/2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at ang klase sa lahat ng antas sa National Capital Region, kabilang ang Lungsod ng Parañaque, sa August 6, 2026, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon.



MAHALAGANG ABISO: SUSPENSYON NG MGA KLASESuspendido ang klase sa lahat ng antas ng paaralan (pampubliko at pribado), sa ...
05/08/2026

MAHALAGANG ABISO: SUSPENSYON NG MGA KLASE

Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng paaralan (pampubliko at pribado), sa Lungsod ng Parañaque, bukas, Agosto 6, 2026 dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Maymay.

Para sa mga emergency, maari po kayong tumawag sa ating Barangay Hotline:
𝗖𝗲𝗹𝗹𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿:
𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁: 0962-465-8755 / 0962-465-8759
𝗚𝗹𝗼𝗯𝗲: 0927-370-4851 / 0927-370-4852

𝗧𝗲𝗹𝗲𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿:
[02] 87-334-558 / [02] 87-353-663
LOCAL:
101 (RADIO/CCTV ROOM)
112 (WOMEN'S DESK)
110 (PEACE AND ORDER)

WEATHER ADVISORY | YELLOW WARNING SA METRO MANILA 🌧️⚠️Batay sa PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 2, nananatiling nakataa...
05/08/2026

WEATHER ADVISORY | YELLOW WARNING SA METRO MANILA 🌧️⚠️

Batay sa PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 2, nananatiling nakataas ang Yellow Warning Level sa Metro Manila dahil sa epekto ng Habagat (Southwest Monsoon) at Bagyong MAYMAY.

🗓️ Issued: 11:00 AM | August 5, 2026 (Wednesday)

⚠️ Posibleng Epekto:
• Posibleng pagbaha sa mga flood-prone at mabababang lugar.
• Inaasahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga susunod na oras.

📢 Follow our page at patuloy na subaybayan ang mga susunod na abiso mula sa PAGASA at sa inyong lokal na pamahalaan.

ADVISORY | Walang Pasok ngayong Hapon!Ipinaaalam sa lahat na suspendido ang afternoon classes ngayong August 5, 2026 (We...
05/08/2026

ADVISORY | Walang Pasok ngayong Hapon!

Ipinaaalam sa lahat na suspendido ang afternoon classes ngayong August 5, 2026 (Wednesday) para sa lahat ng antas, sa public at private schools.

✅ Planuhin ang inyong mga gawain at manatiling alerto sa mga susunod pang anunsyo.

📅 Ready na ba ang travel plans mo? Dalawang LONG WEEKENDS ang naghihintay ngayong Agosto!Narito ang mga petsang dapat ta...
04/08/2026

📅 Ready na ba ang travel plans mo? Dalawang LONG WEEKENDS ang naghihintay ngayong Agosto!

Narito ang mga petsang dapat tandaan ngayong August 2026:

📍 August 21 (Friday) – Ninoy Aquino Day (Special Non-Working Holiday)
📍 August 22–23 (Saturday–Sunday) – Weekend

At isa pang long weekend:
📍 August 29–30 (Saturday–Sunday) – Weekend
📍 August 31 (Monday) – National Heroes Day (Regular Holiday)

Planuhin na ang inyong bakasyon, family bonding, o simpleng pahinga. Tandaan din na maging ligtas at responsable sa inyong mga biyahe.

👉 I-share ang post na ito para updated din ang inyong pamilya at mga kaibigan!

04/08/2026

🚨 MAGPAREHISTRO NA PARA SA HELP CARD! 🚨

Handa ka na bang magkaroon ng mas mabilis at mas maayos na access sa ayuda at iba pang serbisyong pangkomunidad? 💳✨

Bukas na ang HELP CARD Registration para sa mga mamamayang:
✔️ 18 taong gulang pataas
✔️ PWDs
✔️ Senior Citizens
✔️ Solo Parents

📌 DALHIN ANG MGA SUMUSUNOD NA REQUIREMENTS:
• Valid ID
• Sectoral ID (kung mayroon)
• Valid GCash/Maya details
• Valid email address (1 email = 1 registrant)
• Precinct Number

📍 MGA MAAARING MAGTUNGO SA BARANGAY:
• San Dionisio
• San Isidro
• Sto. Niño
• La Huerta

🕘 Monday–Friday | 9:00 AM – 4:00 PM
📍 Barangay Session Hall

📍 Paalala na magsisismula ang ating hELp Card Registration sa Lunes Mayo 25, 2026

📧 Paalala: Siguraduhing kumpleto ang requirements para sa mas mabilis na proseso ng inyong pagrehistro.

✅ Follow our page for more updates!


PAALALA, SAN DIONISIO!📢 Ipinababatid po sa lahat na walang Mobile Pharmacy ngayong araw August 4, 2026 (Martes). Hinihil...
04/08/2026

PAALALA, SAN DIONISIO!

📢 Ipinababatid po sa lahat na walang Mobile Pharmacy ngayong araw August 4, 2026 (Martes).

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at inaanyayahan kayong abangan ang susunod na schedule ng serbisyo.

👉 Follow or page for more updates!

WEATHER ALERT | Ulan ang inaasahan sa Metro Manila!Dahil sa epekto ng Tropical Depression "Luis" at pinalalakas na Habag...
03/08/2026

WEATHER ALERT | Ulan ang inaasahan sa Metro Manila!

Dahil sa epekto ng Tropical Depression "Luis" at pinalalakas na Habagat, inaasahan ang pag-ulan sa Metro Manila na maaaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar, madulas na kalsada, at mabigat na daloy ng trapiko.

💚 Ang kaligtasan ng bawat residente ang ating prayoridad. Ugaliing mag-ingat sa pagbiyahe, iwasan ang mga lugar na may panganib ng pagbaha, at maging handa sa anumang pagbabago ng lagay ng panahon.

📢 Patuloy na subaybayan ang ating page para sa mga opisyal na advisories at updates.

Address

Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Dionisio
Parañaque
1700

Telephone

+639776942165

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Dionisio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay San Dionisio:

Shortcuts

Share