CENRO Parañaque

CENRO Parañaque Mr. Bernardo N. Amurao
Officer-In-Charge
Contact No: 8826-61-47

The City Environment and Natural Resources Office (CENRO)

Responsible for managing the preservation and protection of natural resources and city environment, conduct research and development, management of coastal waters and rivers, mineral and land resources, enforcement of laws and ordinances, including formulation of policies, plans and programs on control, clearances, violations, rehabilitati

on and preservation. Coordinate with government agencies and non-government organizations in the implementation of measures to prevent and control land, air and water pollution.

📸 | 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 – 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐂𝐋𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga lu...
06/08/2026

📸 | 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 – 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐂𝐋𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga lugar na apektado ng pagbaha, nagsagawa ang CENRO Parañaque ng siphoning at declogging operation sa DASA, Barangay San Dionisio, Parañaque City upang alisin ang naipong tubig-baha at linisin ang mga bara sa drainage system.

Sa pamamagitan ng agarang operasyon, patuloy na isinusulong ng CENRO Parañaque ang mga hakbang upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa komunidad.


📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐎𝐍-𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Agosto 06, 2026 — Nagsagawa ang City Environment and Natural Resource...
06/08/2026

📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐎𝐍-𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Agosto 06, 2026 — Nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ng siphoning operation gamit ang CENRO Water Pump Truck sa Valley 2, Brgy. San Isidro upang alisin ang naipong tubig-baha habang isinasagawa ang rehabilitation ng drainage system sa lugar.

Layunin ng operasyon na mapabilis ang paghupa ng baha at mapanatiling ligtas ang pagdaan ng mga residente at motorista.

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐄𝐍𝐑𝐎: Iwasang magtapon ng basura sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.


📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐈𝐏𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐀𝐋Agosto 06, 2026 — Bilang tugon sa pagbaha dulot ng patul...
06/08/2026

📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐈𝐏𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐀𝐋

Agosto 06, 2026 — Bilang tugon sa pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ng pagtanggal ng mga naipong basura sa drainage system sa 4th Estate, Brgy. San Antonio upang mapabilis ang pagdaloy ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐄𝐍𝐑𝐎: Ang tamang pagtatapon ng basura ay susi sa malinis na daluyan ng tubig at pag-iwas sa pagbaha. Makiisa sa pagpapanatiling malinis at ligtas ang ating lungsod.


📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐌𝐎𝐏𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Kahit na nakararanas ng matinding pag-ulan dulot ng Bagyong Maymay, patuloy na n...
06/08/2026

📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐌𝐎𝐏𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Kahit na nakararanas ng matinding pag-ulan dulot ng Bagyong Maymay, patuloy na nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng mopping operation sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, mula Barangay San Dionisio hanggang Barangay San Isidro, bilang bahagi ng agarang pagtugon ng lungsod sa epekto ng masamang panahon.

Bilang bahagi ng disaster response ng lungsod, isinagawa ang operasyon upang alisin ang naipong putik, basura, at iba pang dumi na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan, na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista at iba pang gumagamit ng lansangan.

Sa ilalim ng direktiba ni Mayor "Kuya" Edwin L. Olivarez at sa pangunguna ni Ginoong Bernie Amurao, CENRO Officer-in-Charge, patuloy na nagsasagawa ang CENRO ng mga agarang hakbang upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Patuloy ang CENRO Parañaque sa pagpapatupad ng mga programang pangkalinisan at mabilis na pagtugon sa mga epekto ng masamang panahon bilang bahagi ng layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.


📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐇𝐀𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐃𝐎𝐍 𝐁𝐎𝐒𝐂𝐎𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga...
06/08/2026

📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐇𝐀𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐃𝐎𝐍 𝐁𝐎𝐒𝐂𝐎

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga epekto ng Bagyong Maymay, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ng hauling operation sa Egypt (Hoa) Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Isinagawa ang operasyon upang maalis ang mga naipong basura at iba pang debris na dulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha. Layunin nitong mapanatiling malinis ang komunidad, maiwasan ang pagbabara sa mga kanal at drainage system, at makatulong sa pagpapanumbalik ng normal na kalagayan sa apektadong lugar.

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ni Mayor “Kuya” Edwin L. Olivarez at sa pangunguna ni CENRO OIC Bernie N. Amurao, bilang bahagi ng patuloy na disaster response operations ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque.

Patuloy ang CENRO Parañaque sa agarang pagkilos upang mabawasan ang epekto ng kalamidad at matiyak ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan ng bawat komunidad.


📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐃𝐄𝐂𝐋𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Kahit sa kalagitnaan ng Bagyong Maymay, ipinagpatuloy ng City Environment and...
06/08/2026

📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐃𝐄𝐂𝐋𝐎𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Kahit sa kalagitnaan ng Bagyong Maymay, ipinagpatuloy ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ang regular nitong declogging operation sa Sta. Lucia Street, Valley 1 (malapit sa Gate ng Greenheights Village), Barangay San Antonio, Parañaque City.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng drainage system, inalis sa operasyon ang mga naipong basura at iba pang sagabal sa mga kanal upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pag-iwas sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig at sa pagbawas ng panganib ng pagbaha, lalo na sa panahon ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng direktiba ni Mayor “Kuya” Edwin L. Olivarez at sa pangunguna ni CENRO OIC Bernie N. Amurao, bilang patunay ng patuloy na paghahatid ng serbisyo para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa kabila ng masamang panahon.

Patuloy ang CENRO Parañaque sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatiling malinis, ligtas, at matatag ang bawat komunidad.


📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐇𝐀𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga epekto ng Bagyong ...
06/08/2026

📸 | 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: 𝐇𝐀𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga epekto ng Bagyong Maymay, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ng hauling operation sa Phase IV, Marcelo Green Village, Barangay Marcelo, Parañaque City.

Isinagawa ang operasyon upang maalis ang mga naipong basura at iba pang debris na dulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha. Layunin nitong mapanatiling malinis ang komunidad, maiwasan ang pagbabara sa mga kanal at drainage system, at makatulong sa pagpapanumbalik ng normal na kalagayan sa apektadong lugar.

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ni Mayor “Kuya” Edwin L. Olivarez at sa pangunguna ni CENRO OIC Bernie N. Amurao, bilang bahagi ng patuloy na disaster response operations ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque.

Patuloy ang CENRO Parañaque sa agarang pagkilos upang mabawasan ang epekto ng kalamidad at matiyak ang kaligtasan, kalinisan, at kaayusan ng bawat komunidad.


📸 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: | 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office ...
06/08/2026

📸 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: | 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ng siphoning operation gamit ang CENRO Water Pump Truck sa 7347 Palanyag Neighborhood Associations, Barangay San Dionisio, Parañaque City upang alisin ang naipong tubig-baha sa lugar.

Isinagawa ang operasyon habang nagpapatuloy ang rehabilitation ng drainage system sa nasabing lugar. Sa pamamagitan ng siphoning operation, aktibong inaalis ang naipong tubig upang mapabilis ang paghupa ng baha at makatulong sa pagpapanumbalik ng maayos na kondisyon para sa mga residente at motorista.

Layunin ng operasyon na mabawasan ang pagbaha, mapanatiling ligtas ang pagdaan ng mga residente at motorista, at maibalik ang normal na daloy ng trapiko at pang-araw-araw na gawain sa apektadong komunidad.

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐄𝐍𝐑𝐎: Ang wastong pagtatapon ng basura ay mahalagang bahagi ng pag-iwas sa pagbaha. Iwasang magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig upang mapanatiling maayos ang daloy ng drainage system at mabawasan ang panganib ng pagbaha.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng disiplina at pakikiisa upang mapanatiling malinis ang ating mga daluyan ng tubig at maging mas ligtas ang ating komunidad.


📸 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: | 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga pagbaha dulot ng...
05/08/2026

📸 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄: | 𝐒𝐈𝐏𝐇𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟎𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 — Bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga pagbaha dulot ng Bagyong Maymay, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Parañaque ng siphoning operation gamit ang CENRO Water Pump Truck sa C5 Road, along Avida, Carlos P. Garcia Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Isinagawa ang operasyon dahil sa patuloy na pag-iipon ng tubig-baha sa lugar, bunsod ng limitadong kapasidad ng kasalukuyang drainage system na agarang maipadaloy ang malaking dami ng tubig-ulan. Sa pamamagitan ng siphoning operation, aktibong inaalis ang naipong tubig upang mapabilis ang paghupa ng baha habang hinihintay ang unti-unting pagbalik sa normal ng daloy ng drainage.

Layunin ng isinagawang operasyon na mabawasan ang pagbaha, mapanatiling ligtas at maaayos ang pagdaan ng mga motorista at residente, at makatulong sa pagpapanumbalik ng normal na kondisyon sa apektadong lugar.

𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐄𝐍𝐑𝐎: Ang wastong pagtatapon ng basura ay mahalagang bahagi ng pag-iwas sa pagbaha. Iwasang magtapon ng basura sa mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig upang mapanatiling maayos ang daloy ng drainage system at mabawasan ang panganib ng pagbaha.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng disiplina at pakikiisa upang mapanatiling malinis ang ating mga daluyan ng tubig at maging mas ligtas ang ating komunidad.


📸 | 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟎𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐂𝐑𝐄𝐄𝐊 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐒𝐀𝐍 𝐃𝐈𝐎𝐍𝐈𝐒𝐈𝐎Nagsagawa ng Creek Clean-Up ang City Environment and Natural Re...
05/08/2026

📸 | 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟎𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐂𝐑𝐄𝐄𝐊 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍-𝐔𝐏 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐒𝐀𝐍 𝐃𝐈𝐎𝐍𝐈𝐒𝐈𝐎

Nagsagawa ng Creek Clean-Up ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Villanueva Creek, Barangay San Dionisio, sa pangunguna ni Ginoong Bernie Amurao.

Sa isinagawang operasyon, tinanggal ang mga damo at iba pang halamang tumutubo sa gilid at loob ng creek upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng mga daluyan ng tubig, makatulong sa pag-iwas sa pagbaha, at suportahan ang Manila Bay Rehabilitation Program.


Address

SAV 1 Brgy San Antonio Valley 1
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CENRO Parañaque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CENRO Parañaque:

Shortcuts

Share