Las Piñas Parañaque Wetland Park

Las Piñas Parañaque Wetland Park The Las Piñas-Parañaque Wetland Park is a Ramsar site and a protected area under the E-NIPAS law.
(3)

Welcome to the Las Piñas Parañaque Wetland Park's official page! LPPWP is the first critical habitat established in the country through the President Proclamation. Proclamation 1412, issued on 22 April 2007, formally establishes the Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) also known as Ramsar Site No. 2124 located in heart of National Capital Region also known as the Ramsar of Internatio

nal Importance. The park is open for bird monitoring/photography, eco-tour, and coastal clean-ups abided with guidelines due to the COVID-19 pandemic health protocols. Should you have queries and concerns about the park please do not hesitate reaching us through this page or email us at [email protected] for permit applications.

TINGNAN: Nagsagawa ng cleanup activity ang One Pawikan Initiative kasama ang mga mag-aaral at g**o ng De La Salle Santia...
03/08/2026

TINGNAN: Nagsagawa ng cleanup activity ang One Pawikan Initiative kasama ang mga mag-aaral at g**o ng De La Salle Santiago Zobel School sa Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) noong Martes, ika-28 ng Hulyo, 2026. Tatlumpu't limang (35) kalahok ang nakiisa sa gawain, na binubuo ng 19 na lalaki at 16 na babae.

Ang nasabing cleanup ay bahagi ng serye ng environmental education activities ng paaralan na isasagawa hanggang Setyembre 2026 para sa mga mag-aaral nito. Layunin nitong palawakin ang kamalayan ng mga kabataan sa mga isyung kinakaharap hindi lamang ng LPPWP kundi pati ng ating kapaligiran at likasyaman sa kabuuan.

Mahalaga ang ganitong klase ng 𝐞𝐱𝐩𝐞𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 sapagkat higit na nauunawaan ng mga mag-aaral ang halaga ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan. Bilang isang natatanging urban wetland, nagsisilbing buhay na silid-aralan ang LPPWP kung saan maaaring makita at maranasan ng mga kabataan ang kahalagahan ng biodiversity, tamang pamamahala ng basura, at sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa isinagawang cleanup, nakapag-alis ang mga kalahok ng 23 sako ng basura na may kabuuang timbang na 70.1 kilo—isang konkretong ambag sa pagpapanatiling malinis at ligtas ang wetland para sa mga hayop, halaman, at mga susunod pang henerasyon.

Ang pangangalaga sa kalikasan ay nagsisimula sa ating mga tahanan. Maging responsable tayo sa pamamahala ng ating basura sa pamamagitan ng wastong segregasyon, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, at tamang pagtatapon ng mga basura. Hinihikayat din ang lahat na makiisa sa mga cleanup drive, tree planting, at iba pang gawaing pangkalikasan sa kani-kanilang mga pamayanan. Sa sama-samang pagkilos, makatutulong tayong mapanatili ang malinis at masaganang kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Marahil ay napanood na nating lahat ang dokumentaryo ni Kara David sa I-Witness na "Ibinasurang Paraiso", ang kuwento ng...
02/08/2026

Marahil ay napanood na nating lahat ang dokumentaryo ni Kara David sa I-Witness na "Ibinasurang Paraiso", ang kuwento ng isang bundok sa Zambales na bahagi ng ancestral domain ng mga Aeta na unti-unting naging tambakan ng basura. Pero hindi lang sa Zambales nangyayari ang ganito.

Dito sa Metro Manila, may isa pang paraiso na tahimik ding nakararanas ng parehong suliranin: ang Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP). Isang kinikilalang Ramsar Site at pinangangalagaang pook, ang latian na ito ay tahanan ng mga bakawan, migratory birds, at iba pang yamang-buhay. Gayunpaman, patuloy itong naaabot ng mga basurang inaanod mula sa mga kanal, estero, at ilog na nakapalibot dito.

Ang mga basurang nakikita sa LPPWP ay paalala na ang bawat itinapon o hindi wastong pinamahalaang basura sa ating mga tahanan at pamayanan ay maaaring humantong sa Manila Bay at sa mga lugar na dapat sana'y nananatiling ligtas na tahanan ng kalikasan.

Hindi ito larawan ng paninisi, kundi isang paanyaya sa sama-sama nating pagtugon sa problema ng basura.

LOOK: The Protected Area Management Office (PAMO) of the Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) joined the Wild Bird C...
01/08/2026

LOOK: The Protected Area Management Office (PAMO) of the Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) joined the Wild Bird Club of the Philippines (WBCP) in celebrating its 23rd Anniversary last Sunday, July 26, 2026, in Quezon City. LPPWP was represented by Conservation and Development Division Chief Aida Esguerra, Protected Area Superintendent (PASu) Christopher Villarin, and Assistant Protected Area Superintendent (APASu) Diego Montesclaros.

The anniversary program featured reports from the Club's officers, presentations from LPPWP and other key birding sites, discussions on bird conservation initiatives, and the promotion of birding activities.

The WBCP has long been one of LPPWP's steadfast partners in the promotion, protection, and conservation of the park. The organization was among the groups that successfully advocated for the site's declaration as a Critical Habitat in 2007 (Proclamation 1412-A) and later as a Protected Area under the Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) Act in 2018. To this day, WBCP continues to play an active role in the management of LPPWP through its seat on the Protected Area Management Board (PAMB) as the non-government organization (NGO) representative.

Congratulations to the WBCP on its 23rd Anniversary, and thank you for more than two decades of unwavering dedication to bird conservation and the protection of the country's important bird habitats, including the LPPWP.

(Some of the photos courtesy of WBCP).

When people hear "𝐩𝐚𝐫𝐤 𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐫," they often imagine someone chasing poachers through some dense forests or remote mountai...
31/07/2026

When people hear "𝐩𝐚𝐫𝐤 𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐫," they often imagine someone chasing poachers through some dense forests or remote mountains. But every protected area tells a different story—and so do the rangers who protect them.

At the Las Piñas Parañaque Wetland Park, our Park Rangers and 𝐁𝐚𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐖𝐚𝐫𝐫𝐢𝐨𝐫𝐬 spend far less time chasing poachers than they do battling a different kind of threat: the relentless tide of 𝐩𝐥𝐚𝐬𝐭𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐬𝐨𝐥𝐢𝐝 𝐰𝐚𝐬𝐭𝐞 carried by rivers into 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐁𝐚𝐲. Day after day, they patrol the wetlands, remove trash from the mangroves and shorelines, assist visitors, monitor wildlife, and work to keep one of Metro Manila's last remaining natural sanctuaries alive.

It is not glamorous work. Yet every sack of waste removed means cleaner waters, healthier mangroves, safer habitat for migratory birds, and a better future for the people who depend on healthy coastal ecosystems.

This 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐑𝐚𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐃𝐚𝐲, we salute not only those who stand between wildlife and poachers, but also those who quietly protect nature in the heart of our cities. Their battlefield may be litter instead of bullets, but their mission remains the same—to safeguard our natural heritage for generations to come.

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐑𝐚𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐃𝐚𝐲 to all the dedicated park rangers who prove that protecting nature takes many forms.

30/07/2026

🌿 𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐞𝐫𝐨𝐞𝐬, ready for another myth to fall?

We're back with another episode of "𝐁𝐚𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐢 𝐉𝐮𝐚𝐧?"

Today, we're busting another mangrove myth—the idea that the more propagules you plant, the better. 😅

Spoiler alert: Mangroves need space to grow🍃. Planting propagules too close together can lead to overcrowding, stunted growth, and lower survival rates over time. 🌱

Learn why proper spacing is just as important as proper planting, and discover how giving each mangrove room to thrive can make your next mangrove enrichment activity more successful—not just today, but for years to come.

TINGNAN: Bilang bahagi ng kanilang immersion at conservation learning experience, nagsagawa ng 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐫𝐨𝐯𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐓𝐫...
29/07/2026

TINGNAN: Bilang bahagi ng kanilang immersion at conservation learning experience, nagsagawa ng 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐫𝐨𝐯𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐓𝐫𝐞𝐞 𝐓𝐚𝐠𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 ang mga interns mula sa Polytechnic University of the Philippines sa CavitEx area ng Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) noong Lunes, ika-28 ng Hulyo, 2026.

Sa pamamagitan ng aktuwal na field activity, nahahasa ang kanilang kakayahan sa mangrove monitoring, dokumentasyon, at tamang pagkilala sa iba’t ibang species ng bakawan na bumubuo sa natatanging mangrove ecosystem ng LPPWP.

Higit pa sa pagiging isang protected area, ang LPPWP ay nagsisilbing 𝐥𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲 para sa mga mag-aaral at mananaliksik sa larangan ng natural sciences at iba pang kaugnay na disiplina. Dito, naiuugnay ang mga konseptong natutuhan sa silid-aralan sa aktuwal na pangangalaga at pamamahala ng isang mahalagang urban wetland.

Kaugnay nito, nanawagan ang Protected Area Management Office (PAMO) ng LPPWP na tumulong sa pangangalaga latian upang manatili itong tahanan ng mayamang biodiversity at bukas na silid-aralan para sa susunod pang mga henerasyon.

Inaanyayahan din ang mga pamantasan at institusyong pang-akademiko na makipag-ugnayan sa PAMO sapagkat bukas ang ating protected area para sa mga internship, field studies, at iba pang experiential learning activities na naglalayong hubugin ang mga magiging susunod na tagapangalaga ng kalikasan.

TIGNAN: Nagsagawa ng preliminary field work ang mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (Official) sa...
28/07/2026

TIGNAN: Nagsagawa ng preliminary field work ang mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (Official) sa Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) kaugnay ng kanilang thesis na may pamagat na "Isolation of Culturable Yeast from the Mudflat Ecosystem of LPPWP" at "Synergistic Interactions of Bacteriophages and Mudflat-derived Fungal Metabolites in the Inhibition of Zoonotic Salmonella Enterica."

Patuloy na pinipili ng mga mag-aaral at mananaliksik ang LPPWP bilang living laboratory dahil sa natatangi nitong wetland ecosystem na nagsisilbing bukal ng bagong kaalaman sa biodiversity, medisina, microbiology, at iba pang larangan ng agham. Ang bawat pag-aaral na isinasagawa rito ay patunay na ang LPPWP ay hindi lamang tahanan ng mga ibon at iba pang wildlife, kundi isa ring Isa rin itong nakatagong yamang biyokemikal na maaaring magbukas ng mga bagong tuklas na may pakinabang sa kalusugan, agham, at lipunan.

Ang dumaraming pananaliksik sa LPPWP ay nagpapakita ng mahalagang papel ng mga protected area sa pagpapalawak ng kaalaman at paglinang ng mga susunod na henerasyon ng mga siyentipiko.

Sama-sama nating pangalagaan ang LPPWP upang patuloy itong magsilbing kanlungan ng buhay at sentro ng makabuluhang pananaliksik. Inaanyayahan din namin ang mga mag-aaral, g**o, at mga mananaliksik na tuklasin ang napakayamang wetland ecosystem ng LPPWP at makiisa sa paghahanap ng mga bagong kaalamang makikinabang ang tao at ang kalikasan.

TINGNAN: Nakiisa ang Protected Area Management Office (PAMO) ng Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) sa pagdiriwang ...
28/07/2026

TINGNAN: Nakiisa ang Protected Area Management Office (PAMO) ng Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) sa pagdiriwang ng 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐚𝐲 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐫𝐨𝐯𝐞 𝐄𝐜𝐨𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐫𝐨𝐯𝐞 𝐃𝐚𝐲) 🍃noong Linggo, Hulyo 26, 2026, sa Sitio Pulo, Brgy. Kabalutan, Orani, Bataan.

Sa ilalim ng temang "𝐌𝐚𝐠𝐁𝐀𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐓𝐚𝐲𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐞ñ𝐨," pinangunahan ng ENRO Bataan at Tubo-tubo Fisherfolks Association ang pagdiriwang. Nakiisa rin ang Wetlands International Philippines, One Pawikan Initiative, Mangrove Matters PH, Neymatophores, at iba't-ibang samahan ng mga mangingisda at lokal na pamayanan, kabilang na ang Samahan ng Mangingisda ng Kaparangan (SAMAKA), Samahan ng mga Nangangalaga ng Bakawan sa Orani (SNBO), at Samahan ng Mandaragat ng San Rafael Anak Dagat (SAMASAD). Ipinakita ng malawak na partisipasyong ito na ang pangangalaga sa bakawan ay isang sama-samang pananagutan.

Isa sa mga tampok ng pagdiriwang ang 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐞𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐛𝐨𝐨𝐭𝐡 ng LPPWP, na nagbigay ng pagkakataon sa PAMO na ipakilala ang kahalagahan ng parke sa mga mamamayan ng Bataan. Sa pamamagitan nito, naipaliwanag kung paano magkakaugnay ang LPPWP at ang mga baybaying komunidad ng Orani bilang bahagi ng iisang ekosistema ng Manila Bay.

Bagama't magkaibang lalawigan ang kanilang kinalalagyan, pinagdurugtong ang LPPWP at Orani ng iisang look na nagsisilbing tahanan ng mga bakawan, palaisdaan, migratory waterbirds, at iba pang yamang-baybayin. Dahil dito, ang kalusugan ng isang bahagi ng Manila Bay ay may direktang epekto sa kabuuang kalagayan ng buong ekosistema.

Pinagtitibay nito ang mahalagang mensahe ng pagdiriwang: ang pangangalaga sa bakawan at sa Manila Bay ay hindi nagtatapos sa hangganan ng isang lungsod o lalawigan. Ang Manila Bay ay hindi lamang isang anyong-tubig—ito ay isang buhay na ekosistemang nag-uugnay sa ating mga komunidad, kabuhayan, at kinabukasan.

27/07/2026

Guess what, 𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐞𝐫𝐨𝐞𝐬? We're back with a new episode of "𝐁𝐚𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐢 𝐉𝐮𝐚𝐧?" 🌿

Today, we're busting another mangrove myth—the urge to plant Rhizophora just because. 😅 Learn about proper mangrove zonation and save yourself the time, effort, and resources on your next mangrove enrichment planting activity.

Address

Coastal Road San Dionisio
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Las Piñas Parañaque Wetland Park posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Las Piñas Parañaque Wetland Park:

Shortcuts

Share