22/09/2026
Mahigit 500 job seekers ang ating inaasahang mabigyan ng marangal na trabaho sa Mega Job Fair ngayong Martes sa Parañaque City Sports Complex.
Sa tulong ng DOLE, ng tanggapan ni Senator Win Gatchalian, at ng City Government of Parañaque, 60 local companies at 5 international companies ang handang magbigay ng employment opportunities sa ating mga kababayang Parañaqueño.
Tinitiyak din po natin na priority ang mga taga‑Parañaque sa mga oportunidad na ito. Patuloy po nating isinasakatuparan ang City Ordinance No. 07-014, kung saan hindi bababa sa 40% ng mga empleyado ay mga taga‑Parañaque.
Bukod din dito, libre rin sa ating mga first-time job seeker ang lahat ng mga dokumentong kailangan sa kanilang pag-aapply.
Asahan po ninyo ang patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod na maghatid ng mas maraming oportunidad tungo sa mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Parañaqueño.