02/09/2026
๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐, ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ง๐ ๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ก ๐๐ข๐ง๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐จ-๐๐ข๐ง
Pormal na tinanggap ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng Serapio Gawan National High School (SGNHS) noong nakaraang Agosto 31 ang mga basurahang ipinagkaloob ng Saint Williams Multi Purpose Cooperative (SWMPC).
Ang donasyong ito ay isinagawa bilang pagtugon sa inisyatiba ni Marilyn M. Panisoc, gurong tagapayo ng YES-O. Layunin ng proyekto, na binansagang "Project Eco-Bin: Enhancing Waste Management Through Classroom Procurement Project," na mas maitaguyod ang kalinisan at wastong pamamahala ng basura sa bawat silid-aralan.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng SGNHS YES-O sa SWMPC sa kanilang pagsuporta. Ayon sa organisasyon, malaki ang maitutulong ng mga bagong kagamitang ito upang mas mapalawak pa ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ng paaralan.
โ๏ธ๐๐๐๐กโ๐๐๐ฆ ๐ด๐๐๐๐๐๐
๐ท ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐