23/07/2026
๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ญ๐๐ก'๐ฆ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ก๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Youth Citizen's Feedback and Grievance Mechanism ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Dalupaon, inilunsad ang Youth Citizen's Feedback and Grievance Form bilang opisyal na plataporma kung saan maaaring magpahayag ang bawat kasapi ng Katipunan ng Kabataan at iba pang kabataang Dalupanon ng kanilang mga pananaw, mungkahi, papuri, kahilingan, reklamo, at ulat kaugnay ng mga programa, proyekto, gawain, at serbisyong ipinatutupad ng Sangguniang Kabataan.
Layunin ng mekanismong ito na higit pang mapalakas ang transparency, accountability, participatory governance, at youth engagement sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas, bukas, at madaling paraan upang marinig ang tinig ng bawat kabataan.
Mga Layunin ng Form:
โข Tumanggap ng mga mungkahi (Suggestions) upang higit pang mapabuti ang mga programa at serbisyo ng Sangguniang Kabataan.
โข Kilalanin ang mga papuri o pagkilala (Commendations) sa mga matagumpay na proyekto, gawain, at serbisyong naipagkakaloob sa kabataan.
โข Tanggapin ang mga kahilingan (Requests) para sa tulong, impormasyon, o mga panukalang programa at proyekto na makatutugon sa pangangailangan ng kabataan.
โข Tumanggap ng mga reklamo (Complaints) kaugnay ng implementasyon ng mga programa, kalidad ng serbisyo, o iba pang usaping may kaugnayan sa pamamahala ng Sangguniang Kabataan.
โข Makatanggap ng mga ulat (Reports) hinggil sa mga isyung nakaaapekto sa kapakanan, kaligtasan, partisipasyon, at pag-unlad ng mga kabataan sa Barangay Dalupaon.
Ang lahat ng impormasyong isusumite ay pananatilihing mahigpit na kumpidensyal at ipoproseso alinsunod sa Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012. Ang bawat feedback, reklamo, at mungkahi ay rerepasuhin at bibigyan ng kaukulang aksyon ng Sangguniang Kabataan sa patas, responsable, at napapanahong paraan.
Ang isang simpleng mungkahi, papuri, kahilingan, reklamo, o ulat ay maaaring maging simula ng makabuluhang pagbabago para sa kabataang Dalupanon.
Sama-sama nating itaguyod ang isang bukas, tapat, at kabataang pamahalaang tunay na nakikinig at kumikilos para sa bawat kabataan.
Feedback Form: https://forms.gle/dn5jDzrQH8Pm3oyH9
&GrievanceForm
The Official page of the Sangguniang Kabataan of Barangay Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur. For partnership and collaboration: [email protected]