24/03/2026
Senate Assist sa Laguna
Nakiisa ang Senate Assist sa LAB for All sa Sta. Rosa, Laguna upang ilapit ang serbisyong medikal at tulong ng pamahalaan sa mamamayan.
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang programa. Kasamang nakilahok sina SPAO Director General Lino Ong, Medical Service Chief Marilyn Ferrolino and Assistant Service Chief Adelaida Geneta. sa aktibidad kung saan ipinamahagi ang mga guarantee letter sa mga benepisyaryo bilang agarang tulong sa kanilang pangangailangang medikal.
Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa adhikain nina Senate President Vicente C. Sotto III at Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na gawing mas mabilis, mas madali, at mas abot-kamay ang serbisyo ng Senado para sa bawat Pilipino.