30/08/2026
HAPPY FIESTA, MARICABAN!
Kahit panahon ng habagat at hindi man perpekto ang panahon, hindi naman kailangang maging malaki ang handa para maipadama ang saya ng isang selebrasyon.
Sa simpleng pasopas mula sa aming mahal na kapatiran, Tau Gamma Phi โ Mulawin Chapter, nais lang naming makisaya at makapagbahagi ng kaunting saya sa ating mga kabarangay ngayong Fiesta Maricaban.
Maliit man ang bagay, kapag galing sa puso at sama-samang ginagawa, nagiging makabuluhan. Dahil ang tunay na diwa ng fiesta ay hindi lamang nasa handaan, kundi nasa pagkakaisa, pagbibigayan, at pagmamalasakit sa isa't isa.
Kasabay nito, isang mainit na pagbati sa lahat ng mga Brad ng Mulawin Chapter na nagdiriwang ng kanilang Birthday at Triskelion Birth ngayong August! Nawa'y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang patuloy na makapaglingkod sa kapatiran at komunidad.
At isang SPECIAL BIRTHDAY GREETING para sa ating kapatid na si Kag Tol Ricor, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.
Happy Birthday, Tol Ricor! Salute sa'yo, Tol! Nawa'y maging masaya, malusog, at puno ng blessings ang panibagong taon ng iyong buhay. Mabuhay ka, Kapatid!
Happy Fiesta, Maricaban!
Mabuhay ang Mulawin Chapter!