Barangay 94-Zone 11, Pasay City

Barangay 94-Zone 11, Pasay City The official page of Barangay 94- Zone 11, Pasay City

BARANGAY 94 CDC ASSESSMENT WEEKNgayong linggo ay nagkaroon ng β€œassessment” para sa mga mag-aaral ng Barangay 94 Child De...
03/09/2026

BARANGAY 94 CDC ASSESSMENT WEEK

Ngayong linggo ay nagkaroon ng β€œassessment” para sa mga mag-aaral ng Barangay 94 Child Development Center (CDC). Lahat ng bata ay inisa-isa ni Teacher Ivy Binsol upang masukat ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at kalagayan.



HAPPY BIRTHDAY, TREAS. GEMMA! πŸ©·πŸ’™πŸŽπŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽŠIsang masayang pagbati para sa kaarawan ng ating pinakamasipag at pinakamaaasahang I...
31/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, TREAS. GEMMA! πŸ©·πŸ’™πŸŽπŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽŠ

Isang masayang pagbati para sa kaarawan ng ating pinakamasipag at pinakamaaasahang Ingat-Yaman, Treasurer Gemma Alao!

Maraming maraming salamat sa iyong di matatawarang serbisyo, lalo na sa pagsisiguro na nagagamit at napupunta sa tama ang kaban ng Barangay 94. Ang hiling namin para sa iyo ay ang patuloy na kalakasan at kalusugan ng iyong isipan at katawan, kaligtasan at kasiyahan sa lahat ng oras at panahon, at siyempre kasaganahan at magandang buhay kasama ang iyong buong pamilya.



30/08/2026

SERBISYONG LEEROY WEEKLY RECAP πŸ’™πŸ©·



HAPPY BIRTHDAY, LOLO KAP. RAMON! πŸ’™πŸ©·πŸŽπŸŽ‚πŸŽŠπŸŽ‰Isang masayang pagbati para sa kaarawan ng ating iginagalang at hinahangaang kapi...
30/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, LOLO KAP. RAMON! πŸ’™πŸ©·πŸŽπŸŽ‚πŸŽŠπŸŽ‰

Isang masayang pagbati para sa kaarawan ng ating iginagalang at hinahangaang kapitan ng Barangay 95, Hon. Ramon B. Romero! Maraming salamat sa iyong patuloy na paggabay at pagtitiwala sa adhikain ng One Decena. Hiling namin ang iyong kalakasan, kalusugan, kaligtasan, kaligayahan, at kasaganahan kasama ang iyong buong pamilya.

Happy Birthday din po sa inyong kabiyak, Kapitana/ Mommy Ligaya! Pagpalain po nawa kayo ng Panginoon.



LIBRENG LPG PARA SA MGA KARINDERYABinigyan nina Chairman Leeroy at Kagawad Renjie Sia, Tagapangulo ng Komite sa Kabuhaya...
29/08/2026

LIBRENG LPG PARA SA MGA KARINDERYA

Binigyan nina Chairman Leeroy at Kagawad Renjie Sia, Tagapangulo ng Komite sa Kabuhayan, ng libreng LPG ang lahat ng karinderya sa Barangay 94. Ito ay bilang pagtupad sa kanilang ipinangakong suporta at masigurong ang mga residente ay makakabili ng masustansya at abot-kayang pagkain.

Sa kanyang mensahe, nakiusap si Chairman Leeroy na babaan din nila ang presyo ng kanilang mga paninda upang direktang maramdaman ng tao ang epekto ng programang β€œTulong para sa Malusog na Pagsulong.”

Nagpapasalamat din ang Barangay 94 sa PRYCE GAS, lalo na kay Maiko Pateulosenio Dageusang sa tulong at suporta.



ON GROUND MONITORINGUmikot si Chairman Leeroy sa mga lugar na sakop ng Barangay 94. Hindi lamang siya magkadiretso palab...
29/08/2026

ON GROUND MONITORING

Umikot si Chairman Leeroy sa mga lugar na sakop ng Barangay 94. Hindi lamang siya magkadiretso palabas ng Protacio Street dahil unti-unti na ring tumataas ang tubig sa nasabing lugar.

29/08/2026

BARANGAY 94 MONITORING UPDATE (082926)

HAPPY BIRTHDAY, VAWC OFFICER TEACHER NEMS! πŸ’™πŸ©·πŸŽπŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽŠIsang masayang pagbati para sa kaarawan ng ating masipag na Violence Ag...
29/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, VAWC OFFICER TEACHER NEMS! πŸ’™πŸ©·πŸŽπŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽŠ

Isang masayang pagbati para sa kaarawan ng ating masipag na Violence Against Women and their Children (VAWC) Officer, Teacher Nemia β€œNems” Jagong. Maraming salamat sa iyong serbisyo at sa araw-araw na pagsiguro na ligtas ang mga kababaihan at kabataan ng Barangay 94 laban sa pang-aabuso at pananamantala. Dasal namin ang iyong malakas at malusog na isipan at pangangatawan, at higit sa lahat masaya at ligtas na pamumuhay.



DSWD UPLIFT PROGRAMKanina ay nagsagawa ang Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) ng panayam at beripik...
28/08/2026

DSWD UPLIFT PROGRAM

Kanina ay nagsagawa ang Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) ng panayam at beripikasyon para sa mga napiling benepisyaryo ng DSWD UPLIFT Program. Layunin nito na matulungan ang mga pamilyang may mabababang kita sa gitna ng pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin.

Ipinapaalam na walang kinalaman ang barangay sa paraan at proseso ng pagpili sa kanila at ang pinagbasehan ng DSWD ay ang pinakahuling resulta ng census na isinagawa.



TULOY TULOY NA PAGSASAAYOS AT PAGPAPAGANDA NG BARANGAY 94Tulad ng kanyang ipinangako sa sandaling matapos ang ating kaly...
27/08/2026

TULOY TULOY NA PAGSASAAYOS AT PAGPAPAGANDA NG BARANGAY 94

Tulad ng kanyang ipinangako sa sandaling matapos ang ating kalye at pagkakabit ng mga solar street light, pinasimulan na ni Chairman Leeroy ang pagsasaayos at pagdagdag ng mga CCTV Camera at PA System sa ating nasasakupan. Bukod pa rito pinapaayos niya na ang mga pader sa buong Barangay 94 upang mapinturahan at matiyak na malinis ang kapaligiran.

Hinihikayat ang lahat na makiisa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa ating lugar at paumanhin naman sa mga maaapektuhan ng mga nabanggit na gawain. Maraming salamat po sa inyong suporta. πŸ’™πŸ©·



Address

Barangay 94/Zone 11, Decena Street
Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 94-Zone 11, Pasay City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share