04/09/2026
LEVISTE BUMWELTA SA NBI: 'IMBENTO!'
BREAKING: Matapos sabihin ng National Bureau of Investigation na magsasampa ito ng kaso laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, dating Cong. Jing Paras at limang iba pa dahil sa umano'y s*x scandal plot na kinasangkutan ng mga nabanggit laban kay Executive Secretary Ralph Recto, naglabas agad ng pahayag si Leviste ukol dito.
"NBI: National Bureau of IMBENTO, nag-iimbento ng kalokohan gamit ang buwis habang lubog ang bayan. Nakakaawa ang nangyayari sa ating bansa," sabi ni Leviste sa isang Facebook post.