OWWA Overseas Workers Welfare Administration

OWWA Overseas Workers Welfare Administration Welcome to the OFFICIAL page of the Overseas Workers Welfare Administration.

๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—”, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฎPatuloy na pinalalakas ng Overseas Workers Welfare Administra...
06/08/2026

๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—”, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฎ

Patuloy na pinalalakas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Philippine Embassy sa Bucharest, ang paghahatid ng agarang tulong at welfare services sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Romania.

Dalawang aktibong OWWA members na kasalukuyang nagpapagamot dahil sa cancer ang tumanggap ng financial assistance sa ilalim ng Welfare Assistance Program-Medical (WAP-Medical). Patuloy ding nakaagapay ang OWWA sa kanilang pagpapagamot. Para sa isang OFW, pangungunahan ng OWWA ang kanyang medical repatriation sa sandaling pahintulutan ng kanyang attending physician at magbibigay ng post-repatriation assistance sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Samantala, ang isa pang OFW ay nananatili sa Romania upang ipagpatuloy ang kanyang libreng gamutan habang patuloy na tumatanggap ng suporta mula sa OWWA.

Personal ding binisita nina OWWA Administrator Patricia Yvonne V. Caunan at DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac ang isang Pilipinang domestic worker na kasalukuyang nagpapagamot sa isang ospital sa Bucharest upang kumustahin ang kanyang kalagayan, tiyakin ang patuloy na koordinasyon sa kanyang gamutan, at ipaabot ang malasakit ng pamahalaan.

Nakipagpulong din sina Administrator Caunan, Secretary Cacdac, at Philippine Ambassador Noel E. Servigon sa mga lider ng Filipino community sa Romania upang pakinggan ang kanilang mga karanasan at mungkahing makatutulong sa higit pang pagpapabuti ng mga serbisyo para sa mga OFW. Kabilang sa mga pangunahing usapin ang OWWA membership ng permanent residents, pansamantalang matutuluyan para sa displaced OFWs, pananagutan ng recruitment agencies, at ang kahilingan para sa permanenteng presensya ng MWO at OWWA sa Romania.

Kasabay nito, muling pinagtibay ng Pilipinas at Romania ang kanilang pagtutulungan upang higit pang mapalakas ang proteksyon ng mga Pilipinong manggagawa sa pamamagitan ng ethical recruitment, ligtas na kondisyon sa paggawa, at mas matatag na labor cooperation.

Patuloy na makikipagtulungan ang OWWA sa DMW, Philippine Embassy sa Bucharest, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na ang bawat OFW ay may maaasahang suporta sa bawat yugto ng kanilang migration journey.

Sa DMW, may tahanan ang bawat OFW. Sa OWWA, may pusong laging nakaagapay, lalo na sa mga OFW na may sakit at higit na nangangailangan ng ating kalinga.

May Alagang OWWA para sa bawat OFW at kanilang pamilya, saan man sa mundo. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™

๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎMas pinaigting ng Pilipinas at Romania ang...
06/08/2026

๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

Mas pinaigting ng Pilipinas at Romania ang kanilang pagtutulungan upang higit pang mapalakas ang proteksyon, kapakanan, at mga karapatan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Romania.

Sa bilateral meeting na ginanap sa Bucharest noong 5 Agosto 2026, tinalakay ng dalawang bansa ang mga inisyatibong magpapahusay sa pangangalaga sa mga migranteng manggagawa. Kabilang dito ang pagsusulong ng ethical recruitment, pagpapatibay ng pananagutan ng mga employer, at pagtiyak ng ligtas at makataong kondisyon sa paggawa.

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac ang delegasyon ng Pilipinas sa pakikipagpulong kina Romanian Minister of Labor, Family, Youth and Social Solidarity Dragoศ™-Nicolae Pรฎslaru at State Secretary Silvia Monica Dinicฤƒ. Kasama sa delegasyon sina Philippine Ambassador to Romania Noel E. Servigon, OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, OIC-Assistant Secretary for Sea-Based Concerns Augusto B. San Diego III, at Labor Attachรฉ Geraldine C. Mendez.

Nagkasundo rin ang magkabilang panig na ipagpatuloy ang pagpapalakas ng labor cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Romania, kabilang ang pag-renew ng umiiral na bilateral framework at ang pagdaraos ng kauna-unahang Joint Committee Meeting sa ilalim ng 2021 Memorandum of Understanding. Inaasahang higit nitong mapatitibay ang koordinasyon ng dalawang bansa sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at makataong labor migration.

Binigyang-pansin din sa pulong ang pagpapalawak ng social protection para sa mga OFW, lalo na sa mga kababaihang migranteng manggagawa, gayundin ang pagpapatibay ng pananagutan ng mga employer sa kapakanan at karapatan ng kanilang mga empleyado.

Malugod ding tinanggap ng delegasyon ng Pilipinas ang mga repormang ipinatutupad ng Romania na naglalayong higit pang mapangalagaan ang mga dayuhang manggagawa. Kabilang dito ang mas mahigpit na regulasyon sa recruitment at ang pagbabawal sa paniningil ng placement fees at iba pang recruitment-related charges sa mga manggagawa.

Kasunod ng kanilang pagbisita sa Tulcea, ibinahagi rin ng delegasyon ang kalagayan ng mga Pilipinong naapektuhan ng mga insidente sa Northern Black Sea. Kabilang dito ang pagbibigay-pugay sa nasawing Pilipinong Chief Engineer at ang pakikipagpulong sa mahigit 200 OFWs na nagtatrabaho sa VARD Tulcea upang personal na kumustahin ang kanilang kalagayan, pakinggan ang kanilang mga pangangailangan, at tiyaking patuloy nilang natatanggap ang kinakailangang suporta at serbisyo ng pamahalaan.

Patuloy na isinusulong ng OWWA, katuwang ang DMW at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang mga inisyatibong nagpapalakas sa kapakanan at proteksyon ng mga OFW saan mang panig ng mundo. Sa pamamagitan ng mas matatag na pakikipagtulungan sa mga host countries, higit na napapalakas ang mga mekanismong nagsisiguro ng ligtas na trabaho, makatarungang pagtrato, at sapat na suporta para sa bawat Pilipinong manggagawa at kanilang pamilya.

Mas matatag na ugnayan. Mas pinalakas na proteksyon. Mas panatag na kinabukasan para sa bawat OFW at kanilang pamilya. Yan ang Alagang OWWA. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฉ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฉ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎPatuloy ang ligta...
06/08/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฉ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฉ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ

Patuloy ang ligtas na pag-uwi ng ating mga kababayang marino matapos makabalik sa bansa ang mga Pilipinong seafarers mula sa M/V Star Venture at M/V Marathi kasunod ng mga insidenteng kinasangkutan ng kanilang mga barko sa Black Sea.

Kagabi, Agosto 5, dumating ang unang batch ng pitong (7) Pilipinong seafarers mula sa M/V Star Venture sakay ng Philippine Airlines Flight PR685 sa Terminal 1. Kasabay nito, nakauwi rin ang isang (1) Pilipinong seafarer mula sa M/V Marathi sakay ng Emirates Airways Flight EK334 sa Terminal 3.

Kaninang madaling araw, Agosto 6, dumating naman ang ikalawang batch ng labindalawang (12) Pilipinong seafarers mula sa M/V Star Venture sakay ng Philippine Airlines Flight PR895 sa Terminal 1.

Ang MV Marathi ay tinamaan ng dalawang drone habang nasa karagatan malapit sa Novorossiysk, Russia noong Hulyo 30, habang ang MV Star Venture naman ay tinamaan ng missile o aerial drone strike habang papaalis sa Odesa Port, Ukraine noong Hulyo 17, na nagdulot ng sunog at matinding pinsala sa barko.

Sa kanilang pagdating, agad silang sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW), kung saan pinagkalooban sila ng airport assistance at Special Financial Assistance bilang agarang suporta.

Katuwang ang kani-kanilang Licensed Manning Agencies (LMAs), patuloy rin silang inaalalayan sa kanilang post-arrival needs, kabilang ang pansamantalang accommodation, medical assessment, at iba pang kinakailangang assistance bago ang kanilang pag-uwi sa kani-kanilang pamilya.

Patuloy na nananatiling nakaagapay ang sa ating mga marino at OFWsโ€”mula sa kanilang ligtas na pag-uwi hanggang sa kanilang panibagong simula sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may maagap, komprehensibo, at may malasakit na suporta para sa bawat Pilipinong manggagawa saan mang panig ng mundo.




๐—ฃ๐—› ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ  ๐—ข๐—ช๐—ช๐—”, ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ธ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ธ...
05/08/2026

๐—ฃ๐—› ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ
๐—ข๐—ช๐—ช๐—”, ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ธ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ

Bilang pagtupad sa bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang proteksiyon at kapakanan ng bawat OFW at kanilang pamilya, nagbigay ng huling pagpupugay ang Pamahalaan ng Pilipinas sa Filipino Chief Engineer na pumanaw dahil sa mga pinsalang tinamo sa insidenteng kinasangkutan ng MT Gas Lisbon sa Black Sea.

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac ang delegasyon ng Pilipinas sa Tulcea County Hospital sa Romania. Kasama niya sina Philippine Ambassador to Romania Noel E. Servigon, OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, OIC-Assistant Secretary for Sea-Based Concerns Augusto B. San Diego III, Labor Attachรฉ Geraldine C. Mendez, at MWO Budapest Officer-in-Charge Charisse Mae Tiongson.

Nag-alay ng panalangin ang delegasyon bilang pagkilala sa tapat na paglilingkod, dedikasyon, at sakripisyo ng ating kababayang marino.

Noong 21 Hulyo 2026, naapektuhan ang MT Gas Lisbon habang naglalayag sa Black Sea. Agad na nailikas ng Romanian emergency responders ang lahat ng tripulante at dinala sa ospital ang tatlong sugatang Pilipinong marino. Dalawa sa kanila ang ligtas na nakauwi sa Pilipinas noong 3 Agosto 2026.

Patuloy na nagtutulungan ang DMW, OWWA, DFA, Philippine Embassy sa Bucharest, MWO, at mga awtoridad ng Romania upang mapabilis ang marangal na pagpapauwi sa labi ng Chief Engineer at matiyak na matatanggap ng kanyang pamilya ang mga kaukulang benepisyo, tulong, at serbisyong nararapat sa kanila.

Habang isinasagawa ang international coordination, agad ding nagtungo ang OWWA Regional Welfare Office V sa pamilya sa Caramoan, Camarines Sur upang personal na makiramay at umalalay. Ipinaliwanag sa pamilya ang mga benepisyong maaari nilang matanggap dahil aktibong miyembro ng OWWA ang nasawing marino, kabilang ang Death and Burial Benefits, Education and Livelihood Assistance Program, at iba pang naaangkop na welfare services.

Batid ng OWWA ang pangarap ng ating kababayang marino na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang limang anak sa pamamagitan ng edukasyon. Patuloy naming aalalayan ang kanyang pamilya at tutulungang maipagpatuloy ang pangarap na kanyang iniwan para sa mga anak.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng delegasyon sa mga doktor, nars, emergency responders, Tulcea County Hospital, at mga awtoridad ng Romania sa kanilang agarang pagtugon at malasakit sa ating mga kababayang marino.

Sa panahon ng matinding dalamhati, hindi nag-iisa ang kanyang pamilya. May pamahalaang handang umalalay at may OWWA na patuloy na maglilingkod.




๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐˜-๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎPatuloy ang ligtas na pag-uwi ng ating mga Kaba...
04/08/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐˜-๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ

Patuloy ang ligtas na pag-uwi ng ating mga Kababayang OFWs mula sa mga conflict-affected areas matapos dumating sa bansa ngayong araw, Agosto 4 ang 19 OFWs at 2 dependents mula Lebanon sakay ng Qatar Airways Flight QR934, gayundin ang dalawang (2) Pilipinong marino ng M/V Rostrum Optima sakay ng Qatar Airways Flight QR932, sa NAIA Terminal 3.

Ang dalawang marino ay kabilang sa mga tripulanteng naapektuhan matapos tamaan ng sunod-sunod na drone attacks ang M/V Rostrum Optima malapit sa Port of Taman, Russia noong Hulyo 18. Sa kabila ng insidente, ligtas silang nailikas at nakauwi sa Pilipinas.

Sa kanilang pagdating, agad silang sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang matiyak ang maayos na pagdating at maibigay ang kinakailangang agarang tulong.

Ang dalawang seafarers ay pinagkalooban ng airport assistance at Special Financial Assistance bilang bahagi ng agarang suporta ng pamahalaan. Katuwang ang kanilang Licensed Manning Agency (LMA), patuloy rin silang inaalalayan sa kanilang post-arrival needs, kabilang ang medical assessment at iba pang kinakailangang assistance bago ang kanilang pag-uwi sa kani-kanilang pamilya.

Samantala, ang mga OFWs at kanilang mga dependents mula Lebanon ay pinagkalooban ng airport at welfare assistance, kabilang ang pagkain, financial assistance, at pansamantalang hotel accommodation para sa mga nangangailangan, upang matiyak ang maayos at ligtas nilang pagbabalik sa bansa.

Patuloy na nananatiling nakaagapay ang sa bawat OFWโ€”mula sa kanilang ligtas na pag-uwi hanggang sa kanilang panibagong simula sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may maagap, komprehensibo, at may malasakit na suporta para sa bawat Pilipinong manggagawa saan mang panig ng mundo.




๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฉ ๐—š๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—•๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎDalawang (2) Pi...
04/08/2026

๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฉ ๐—š๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—•๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ

Dalawang (2) Pilipinong marino ng MV GAS LISBON ang nakabalik na sa Pilipinas matapos maapektuhan ng drone attack ang kanilang barko sa Black Sea. Dumating sila sa NAIA Terminal 3 sakay ng Qatar Airways Flight QR932 noong gabi ng Agosto 3.

Ang Liberia-flagged LPG tanker ay tinamaan at nasunog sa karagatan malapit sa baybayin ng Romania noong Hulyo 20. Dahil sa insidente, dalawang Pilipinong tripulante ang nagtamo ng burn injuries, habang isa nilang kasamahan ang pumanaw noong Hulyo 23.

Sa kanilang pagdating sa bansa, pinagkalooban sila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) ng airport assistance at Special Financial Assistance bilang bahagi ng agarang suporta ng pamahalaan. Katuwang ang kanilang Licensed Manning Agency (LMA), patuloy ding isinasagawa ang mga kinakailangang post-arrival interventions, kabilang ang pansamantalang accommodation, medical assessment, at iba pang kaukulang assistance bago sila makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DMW at OWWA sa pamilya ng nasawing Pilipinong marino upang matiyak na maibibigay ang kinakailangang suporta at tulong kaugnay ng repatriation ng kanyang mga labi at iba pang kaukulang assistance.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga OFWs at marino. Bilang social protection institution para sa mga OFWs, patuloy na naghahatid ang OWWA ng Alagang OWWAโ€”mula sa panahon ng krisis hanggang sa kanilang pagbangon at muling pagsisimula kasama ang kanilang mga pamilya.




๐ŸŽ“ ๐—ฆ๐—ฎ ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป, ๐—บ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ.Ngayong taon, 500 kwalipikadong O...
03/08/2026

๐ŸŽ“ ๐—ฆ๐—ฎ ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป, ๐—บ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ.

Ngayong taon, 500 kwalipikadong OFWs ang bubuo sa unang batch ng LEAP-OFWs scholars. Sila ay bibigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mas mapalapit sa pangarap na magkaroon ng college degree.

Maraming OFW ang isinantabi ang sariling edukasyon upang unahin ang kinabukasan ng pamilya. Matagal nang sinusuportahan ng OWWA ang pag-aaral ng mga anak ng OFWs. Ngayon, katuwang ang CHED, mismong mga OFW naman ang tutulungan nating makapagtapos ng kolehiyo.

Sa ilalim ng Lifelong Learning Education Assistance Program for OFWs o LEAP-OFWs, maaaring makatanggap ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng hanggang โ‚ฑ50,000 educational assistance para sa tuition at iba pang assessment-related costs sa pagkuha ng bachelorโ€™s degree sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program o ETEEAP.

Sa ETEEAP, maaaring kilalanin at bigyan ng katumbas na academic credits ang kaalaman, kasanayan, at karanasang nakuha sa trabaho. Ang bawat aplikante ay dadaan sa kaukulang assessment at kailangang matugunan ang mga requirement ng CHED at ng kinauukulang paaralan.

Matapos ninyong unahin ang pangarap ng inyong pamilya, panahon naman upang suportahan ang sarili ninyong pangarap.

500 OFW scholars sa unang batch. 500 pangarap na mas inilapit sa diploma.

Alamin ang qualifications at application process sa mga art card. Maaari ring magsimula sa reintegration.owwa.gov.ph at bisitahin ang eteeap.ched.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

Sa OWWA at CHED, ang karanasan ng OFW ay maaari nang maging daan tungo sa college degree. ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โš ๏ธ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: ๐—•๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—” ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—ก๐—˜๐—ŸAng gumagamit ng pangalang โ€œMichael Dela Peรฑaโ€ ay ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ kawa...
03/08/2026

โš ๏ธ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ: ๐—•๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—” ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—ก๐—˜๐—Ÿ

Ang gumagamit ng pangalang โ€œMichael Dela Peรฑaโ€ ay ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ kawani o awtorisadong kinatawan ng OWWA.

Ang numerong ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฌ๐Ÿต ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿณ ๐Ÿฒ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฐ ay ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ rin opisyal na numero ng OWWA.

Huwag magpadala ng pera sa personal na GCash, Maya, e-wallet, bank account, o anumang payment instruction na ipinadala lamang sa chat.

Para sa OWWA membership payment gamit ang GCash, gamitin lamang ang:

๐—š๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ต > ๐—•๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ > ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ > ๐—ข๐—ช๐—ช๐—”

Ilagay lamang ang PRN at eksaktong halaga na ipinadala sa inyong opisyal na OWWA email.

Huwag ibigay ang inyong OTP, MPIN, password, o iba pang sensitibong impormasyon. I-block at i-report agad ang kahina-hinalang account o numero.

Para sa beripikasyon at agarang tulong:

โ˜Ž๏ธ OWWA Hotline 1348
๐Ÿ“ง [email protected]
๐ŸŒ membership.owwa.gov.ph

Mag-ingat at laging dumaan sa opisyal na OWWA channels. ๐Ÿ’™

๐ŸŽถ ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—›๐—œ๐— ๐—œ๐—š ๐—ž๐—”. ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ž๐—”. ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—œ๐—š ๐—œ๐—ง๐—ข. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญHindi lang ito basta songwriting contest.Ang ๐—›๐—œ๐— ๐—œ๐—š ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ ...
02/08/2026

๐ŸŽถ ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—›๐—œ๐— ๐—œ๐—š ๐—ž๐—”. ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ž๐—”. ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—œ๐—š ๐—œ๐—ง๐—ข. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Hindi lang ito basta songwriting contest.

Ang ๐—›๐—œ๐— ๐—œ๐—š ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ ay isang one-of-a-kind OFW songwriting competition na nagbibigay-pugay sa talento, sakripisyo, at inspirasyong hatid ng mga Bagong Bayani sa pamamagitan ng orihinal na musika.

Kung ikaw ay isang OFW na may awiting isinilang mula sa iyong mga pangarap, laban, at pagmamahal sa pamilya at bayanโ€”ito na ang iyong entablado.

โœจ Baka ang susunod na awiting tatatak sa puso ng bawat Pilipino ay mula saโ€™yo.

๐Ÿ“Œ Basahin ang poster, i-scan ang QR code o i-click ang link para sa kumpletong mechanics, qualifications, at submission details.
https://forms.gle/uHnewqYasfPk6to66

๐ŸŽผ Isulat ang iyong awit.
๐ŸŽ™๏ธ Ibahagi ang iyong kwento.
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Hayaan mong marinig ng mundo ang HIMIG NG BAYANI.


๐Ÿญ๐Ÿญ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎLigtas nang nakauwi sa ...
31/07/2026

๐Ÿญ๐Ÿญ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ

Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 11 Pilipinong marinoโ€”anim (6) na tripulante ng MV INASE at lima (5) ng MV VENTUROโ€”matapos maapektuhan ng mga drone attack sa karagatan ng Ukraine ang kanilang mga barko. Dumating sila ngayong Hulyo 31 sa NAIA, lulan ng Cathay Pacific Flight CX939 sa Terminal 3 at Philippine Airlines Flight PR301 sa Terminal 1.

Sa kanilang pagdating, sinalubong at inasikaso sila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW), kung saan agad silang pinagkalooban ng airport assistance at Special Financial Assistance upang makatulong sa kanilang agarang pangangailangan habang nagsisimula silang makabalik sa kanilang mga pamilya.

Kasunod nito, tinanggap sila ng kani-kanilang Licensed Manning Agencies (LMAs), na magpapatuloy sa pagbibigay ng kinakailangang post-arrival support, kabilang ang pansamantalang accommodation, medical check-up, at iba pang kaukulang assistance bago ang kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Bilang social protection institution para sa mga OFWs, patuloy na tinitiyak ng OWWA na ang bawat Pilipinong manggagawa ay may maaasahang suporta sa oras ng pangangailangan. Kaagapay ng DMW at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, nananatiling handa ang OWWA na maghatid ng maagap, komprehensibo, at may pusong serbisyoโ€”mula sa panahon ng krisis hanggang sa ligtas na pag-uwi at pagbangon ng ating mga OFWs at kanilang mga pamilyaโ€”alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.




Address

OWWA Center Building, FB Harrison Corner 7th Street
Pasay City
1300

Telephone

+6328917601

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OWWA Overseas Workers Welfare Administration posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OWWA Overseas Workers Welfare Administration:

Shortcuts

Share