Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City

Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City, Government Organization, 1/F Waldertrudes Apartment, 1923 Leveriza Street Barangay 19 Zone 02 District 1, Pasay City.

📢 OPISYAL NA ANUNSYO MULA SA BARANGAY 19 📢Isang mapagpalang araw sa ating mga ka-Barangay!Ipinaabot ng buong Sangguniang...
17/08/2026

📢 OPISYAL NA ANUNSYO MULA SA BARANGAY 19 📢

Isang mapagpalang araw sa ating mga ka-Barangay!
Ipinaabot ng buong Sangguniang Barangay ng Barangay 19 ang lubos na pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Programang Bawat Barangay Makikinabang Scholarship Program 2026. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng ₱20,000.00 Educational Assistance para sa mga kwalipikadong mag-aaral sa bawat komunidad upang matulungan sila sa kanilang pag-aaral.

Matagumpay at buong pagmamalaking ibinabahagi ng ating Sangguniang Barangay ang limang (5) opisyal na iskolar mula sa Risk Factor Family; na sa kabila ng iba't-ibang uri ng pagsubok, pinatunayan ng ating mga iskolar na hindi hadlang ang Health Risks, Economic Risks at Environmental Hazards sa kanilang mga pangarap bagkus ay mas naging pursigido pa at nagtamasa ng matataas na marka sa eskwelahan--sila’y sumailalim sa pagtatasa ng ating mga social workers at pumasa bilang karapat-dapat makatanggap ng tulong-pinansiyal, sila ay ang mga sumusunod:
1️⃣ Janella Pauline G. Cruz
2️⃣ Josue D. Dugan
3️⃣ John Ray E. Ceballos
4️⃣ Breianne Lycah G. Roy
5️⃣ Rianne B. Gamboa

📸 Seremonya ng Pag-abot ng Tseke
Nais din nating ipabatid na ang mga nabanggit na mag-aaral ay matagumpay nang nakatanggap ng kanilang mga tseke kahapon, Agosto 16, 2026.

Ang opisyal na seremonya ng pag-aabot ng pinansyal na tulong ay naganap sa ating Bulwagan ng Barangay, na dinaluhan at pinasaksihan ng buong konseho ng Sangguniang Barangay ng Barangay 19.

Tunay na ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan! Isang malaking pagpupugay sa ating mga iskolar at sa pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa ating pamayanan.

Maraming salamat po at Mabuhay ang Barangay 19! 🇵🇭

16/08/2026



Suspendido ang face-to-face classes ngayong araw, Agosto 17, 2026 sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay batay sa direktiba ng Ina ng Lungsod Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano, alinsunod sa rekomendasyon ng Pasay Disaster Risk Reduction Management Office. Ang suspensyon ay dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dala ng hanging habagat.

Ang pamunuan ng mga paaralan ay inaatasang gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.

Mag-ingat po tayong lahat.

11/08/2026

Schedule ng release ng Communication Allowance para sa mga mag-aaral.

Para sa mga ka-barangay na ang mga anak ay nag-aaral sa Andres Bonifacio Elementary School (ABES), ang inyong schedule ay sa ika-27 ng Agosto, 2026, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

10/08/2026

THE PINK PARTY: MAYOR EMI’s BIRTHDAY CELEBRATION

Ang buwan ng Agosto ay espesyal para sa Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil ito ay buwan ng kanyang kaarawan. Kaugnay nito, naririto ang mga gawain hindi lamang upang magdiwang kundi upang dalhin ang Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod sa bawat Pamilyang Pasayeño. Bagkus na tayo ang magbigay ng regalo, siya ang naghanda ng mga programa na maaari nating salihan, kung kaya makipag-ugnayan dito sa ating page o sa Mayor Emi Calixto-Rubiano page para sa mga detalye at kung papano makakasali.

Magkita-kita po tayo at sama-samang bumati ng “Maligayang Kaarawan, Mayor Emi!”

PUBLIC ADVISORY: FREE OVERNIGHT PARKINGDahil sa malalakas na pag-ulan, bukas ang SM Mall of Asia at MOA Square upang mag...
08/08/2026

PUBLIC ADVISORY: FREE OVERNIGHT PARKING

Dahil sa malalakas na pag-ulan, bukas ang SM Mall of Asia at MOA Square upang magbigay ng pansamantalang masisilungan at libreng overnight parking ngayong gabi, Agosto 8, 202. Mayroong libreng wifi, charging station at help desk upang umalalay sa bawat isa.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1038625322145646&id=100079945647623

PUBLIC SERVICE ADVISORY

To our customers and nearby residents affected by Southwest Monsoon rains, SM Mall of Asia and MOA Square can provide you shelter.

Free WiFi, charging stations, and a help desk are ready to serve everyone. ​

For overnight parking, please check the list of malls in areas affected at https://gosm.link/SMSupermallsPublicServiceAdvisory

05/08/2026



Suspendido pa rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay bukas, Agosto 6, 2026, bunsod pa rin ito ng inaasahang masamang lagay ng panahon dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o hanging habagat.

Ang pamunuan ng mga paaralan ay inaatasan na gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.

Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan o emergency response, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office gamit ang Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373 o kaya sa numero bilang 09054939111/ 85517777/ 88338512.

OSCA Advisory: Iskedyul ng Pamamahagi ng Birthday Gift (JUNE 2026) para sa mga matatandang mamamayan ng Barangay 19 Zone...
31/07/2026

OSCA Advisory: Iskedyul ng Pamamahagi ng Birthday Gift (JUNE 2026) para sa mga matatandang mamamayan ng Barangay 19 Zone 02 ay sa Agosto 6, 2026 (Huwebes).

Ito ay maaaring kuhanin sa OSCA Office (Market Road sa tabi ng Brgy. 91, Pasay Public Market) mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon
Requirements sa pag-claim ng Birthday Gift:
• Senior Citizen: photocopy ng Pasay OSCA ID
• Authorized Representative
- authorization letter
- photocopy ng valid government-issued ID ng authorized representative
- original Pasay OSCA ID ng senior citizen.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lang sa tanggapan ng OSCA mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM-5PM sa: 8804-0976 / 8846-7703.

PUBLIC ADVISORY: YELLOW RAINFALL WARNINGNakataas ang Yellow Rainfall Warning sa Kalakhang Maynila kasama ang Lungsod Pas...
29/07/2026

PUBLIC ADVISORY: YELLOW RAINFALL WARNING

Nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa Kalakhang Maynila kasama ang Lungsod Pasay batay sa pinakabagong bulletin ng PAGASA-National Capital Region PRSD. Makararanas ng pagulan mula 7.5 hanggang 15mm na dami ng ulan dulot ng Low Pressure Area na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha. Pinag-iingat ang mga Pasayeño sa posibleng magiging epekto pa pag-ulan.

Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office gamit ang Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373 o kaya sa numero bilang 09054939111/ 85517777/ 88338512.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1049300658080863&id=100090028150381

Heavy Rainfall Warning No. 4
Weather System: Low Pressure Area (LPA)
Issued at: 2:00 PM, 29 July 2026(Wednesday)

YELLOW WARNING LEVEL: Rizal, Bulacan, Quezon(General Nakar, Infanta, Panukulan, Polillo, Burdeos, Patnanungan, Real), Metro Manila(Marikina, Quezon City, Caloocan, Pasig, Valenzuela, Malabon, Navotas, Manila, San Juan, Mandaluyong, Paranaque, Taguig, Makati, Pasay, Pateros), Laguna(Santa Maria, Mabitac, Pangil, Pakil, Siniloan, Famy), Bataan(Abucay, Balanga, Dinalupihan, Hermosa, Limay, Mariveles, Orani, Orion, Pilar, Samal) and Pampanga(Lubao, Sasmuan, Masantol, Macabebe, Minalin, Apalit, Guagua).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING in flood-prone areas.

Meanwhile, expect light to moderate with occasional heavy rains over Zambales and Bataan(Bagac, Morong) within the next 3 hours.

Light to moderate with occasional heavy rains affecting Nueva Ecija(General Tinio, Cabiao, San Isidro, Gapan, San Leonardo, San Antonio, Santa Rosa, Jaen, Penaranda, Gabaldon, Laur, Palayan, Cabanatuan, Zaragoza, Aliaga, Licab, Quezon, Santo Domingo, Talavera, Llanera, General Mamerto Natividad), Pampanga(Candaba, Arayat, Bacolor, San Fernando, Mexico, San Luis, San Simon, Santa Ana, Santo Tomas, Santa Rita, Magalang, Angeles, Mabalacat, Porac, Floridablanca), Laguna(Alaminos, Bay, Cabuyao, Calauan, Calamba, Santa Rosa, Liliw, Los Banos, Luisiana, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, Rizal, San Pablo, Santa Cruz, Victoria, Binan, San Pedro, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Paete), Cavite(Amadeo, General Trias, Indang, Mendez, Silang, Tagaytay, Trece Martires, Bacoor, Carmona, Cavite City, Dasmarinas, Gen. Mariano Alvarez, Imus, Kawit, Naic, Noveleta, Rosario, Tanza), Batangas(Talisay, Tanauan, Santo Tomas, Malvar, Balete), Tarlac(Concepcion, La Paz, Bamban), Quezon(Mauban, Sampaloc, Perez, Jomalig) and Metro Manila(Las Pinas, Muntinlupa) which may persist within 3 hours and may affect nearby areas.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 5:00 PM today.

For more information and queries, please call telephone numbers 8927-1335 and 8927-2877 or log on to www.pagasa.dost.gov.ph.

Address

1/F Waldertrudes Apartment, 1923 Leveriza Street Barangay 19 Zone 02 District 1
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 7am - 11pm
Tuesday 7am - 11pm
Wednesday 7am - 11pm
Thursday 7am - 11pm
Friday 7am - 11pm
Saturday 6am - 11pm
Sunday 7am - 11pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City:

Shortcuts

Share