12/08/2026
Isang makabuluhang ๐๐๐ง๐๐๐ข๐ ๐๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง sa inyo, mga kabataan ng Barangay 47, Zone 6! ๐โจ
Taus-puso ang aming pasasalamat sa bawat isa sa inyong nakiisa, at naglaan ng panahon noong August 8โ9, 2026. Ang inyong pagdalo ay hindi lamang basta pagpuno sa mga upuan, ito ay isang matapang at inspiradong hakbang upang makialam, makilahok, at matuto ukol sa mga usaping mahalaga sa ating sarili at lipunan. Sa panahong madaling magsawalang-kibo, pinili ninyong maging bahagi ng solusyon.
Isang malaking pasasalamat din sa ating Mother Barangay Barangay 47 Zone 6 Pasay City sa pagpapahiram ng ating Barangay Hall na nagsilbing ligtas at bukas na espasyo para sa ating mga talakayan.
Sa ating mga magulang, pamilya, at gabay, maraming salamat sa patuloy na paghubog at pag-engganyo sa inyong mga anak na maging mulat, mapagtanong, at may pagmamalasakit, hindi lamang sa ating barangay, kundi pati na rin sa buong bansa. Ang inyong suporta sa tahanan ang totoong pundasyon ng kanilang pagiging mapagmatyag at responsableng mamamayan.
Ang inyong dedikasyon ay isang buhay na pagpapamalas ng pagmamahal, sa sarili, sa kapwa, at sa bayan. Muli, maraming salamat sa ating mga kabataan at magulang! Hanggang sa ating mga susunod na pagkikita at pagkatuto! ๐ฅ๐ต๐ญ