Philippine Air Force

Philippine Air Force Welcome to the PAF official FB page! Follow for inspiring stories, photos, and activities.

(1375)

Exercise   | 🇵🇭🇦🇺When Exercise Pitch Black goes pitch black, the mission intensifies. As Large Force Employment (LFE) Of...
06/08/2026

Exercise | 🇵🇭🇦🇺

When Exercise Pitch Black goes pitch black, the mission intensifies. As Large Force Employment (LFE) Offensive Counter Air (OCA) night operations commence, the PAF’s FA-50PH joins allied air forces in complex, high-end air combat scenarios - enhancing combat readiness, strengthening interoperability, and advancing multinational airpower.

5th Fighter Wing

BALITANG PAF | NAGSAGAWA NG COURTESY CALL SA PAMUNUAN NG PAF ANG DEPUTY COMMANDER NG US MARINE CORPS FORCES PACIFICBilan...
05/08/2026

BALITANG PAF | NAGSAGAWA NG COURTESY CALL SA PAMUNUAN NG PAF ANG DEPUTY COMMANDER NG US MARINE CORPS FORCES PACIFIC

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos, nagsagawa ng courtesy call si Major General Matthew T Mowery, Deputy Commander, United States Marine Corps Forces Pacific, kay Lieutenant General Arthur M Cordura PAF, Commanding General, Philippine Air Force, noong Agosto 5, 2026, sa Headquarters Philippine Air Force, Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City.

Tinalakay sa pagpupulong ang patuloy na kooperasyon ng Philippine Air Force at United States Marine Corps, partikular ang pagpapaigting ng magkasanib na pagsasanay at iba pang larangan ng propesyonal na pakikipag-ugnayan, kabilang ang Exercise Balikatan. Ipinakita rin ng pagpupulong ang magkatuwang na hangarin ng Philippine Air Force at United States Marine Corps na patibayin ang interoperability, isulong ang kooperasyong pangmilitar, at palakasin ang kahandaang tumugon sa mga hamong pangseguridad sa rehiyon.

Exercise   | 🇵🇭🌏“It is incredibly important to work alongside our partner nations.” - Wing Commander Adam LawsonWorking ...
04/08/2026

Exercise | 🇵🇭🌏

“It is incredibly important to work alongside our partner nations.” - Wing Commander Adam Lawson

Working alongside allied air forces, Philippine Air Force personnel contribute to expeditionary command and control operations, reinforcing interoperability and strengthening coalition readiness during Exercise Pitch Black 2026.

https://www.defence.gov.au/news-events/news/2026-08-04/controlling-chaos

114MCRU collaborates with international partners to monitor, coordinate and control aircraft.

Kaisa ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa paggunita ng Ika-77 International Humanitarian Law (IHL) ngayong Agosto 202...
04/08/2026

Kaisa ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa paggunita ng Ika-77 International Humanitarian Law (IHL) ngayong Agosto 2026. Sa temang, “Pinalakas na Ugnayan at Pagkakaisa sa Pagsulong ng IHL,” binibigyang-diin ng pagdiriwang ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pagsusulong ng paggalang at pagsunod sa International Humanitarian Law. Kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mga ahensya ng pamahalaan, mga organisasyong makatao, at ang sambayanang Pilipino, nananatili itong kaisa sa pagtataguyod ng makataong pagkilos, kapayapaan, at paggalang sa karapatang pantao.








BALITANG PAF | PAF, NAGDAOS NG SEREMONYA NG PAGKILALA SA MGA NATATANGING KAWANI AT KATUWANGPinangunahan ni Tinyente Hene...
03/08/2026

BALITANG PAF | PAF, NAGDAOS NG SEREMONYA NG PAGKILALA SA MGA NATATANGING KAWANI AT KATUWANG

Pinangunahan ni Tinyente Heneral Arthur M Cordura PAF, Punong Heneral ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, ang Seremonya ng Pagkilala na ginanap ngayong ikatlo ng Agosto 2026 sa PAF Multipurpose Gymnasium, Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City, kasunod ng Seremonya ng Pagtataas ng Watawat. Isinagawa ang programa bilang pagkilala sa mga tauhan at katuwang ng PAF na nagpakita ng natatanging paglilingkod, propesyonalismo, at mahalagang ambag sa pagsasakatuparan ng misyon ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Kabilang sa mga ginawaran ng Plaque of Appreciation ang mga sumusunod:

Ginoong Reinner Y. Baculinao, Officer-in-Charge, CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB)
Col Romel G Ronda PAF (Ret), Miyembro, CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB)
Col Daniel J Oh, US Army, Chief, JUSMAG–Philippines

Kinilala naman bilang PAF Military Police of the Year 2026 ang mga sumusunod:

1Lt Jemaica O Solayao PAF
SSg Darvin C Cornelio PAF

Samantala, iginawad ang Military Merit Medal kay Sgt Ricky A Pasil PAF (Res) bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo at makabuluhang ambag sa mga misyon ng PAF, na sumasalamin sa pagpapahalaga ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa kahusayan, katapatan, at tapat na paglilingkod.

BALITANG PAF | PAF, NAKIKIISA SA PAGGUNITA NG IKA-77 TAON NA PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAWNakiisa ang Hu...
03/08/2026

BALITANG PAF | PAF, NAKIKIISA SA PAGGUNITA NG IKA-77 TAON NA PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

Nakiisa ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa paggunita ng Ika-77 taon ng International Humanitarian Law sa pamamagitan ng sabayang pagsasagawa ng mga Seremonya ng Pagtataas ng Watawat sa iba't ibang himpilan at yunit ng PAF sa buong bansa, kabilang ang seremonyang ginanap ngayong ikatlo ng Agosto 2026 sa PAF Multipurpose Gymnasium, Colonel Jesus Villamor Air Base, Pasay City. Sa CJVAB, pinangunahan ang seremonya ni Tinyente Heneral Arthur M Cordura PAF, Punong Heneral ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, alinsunod sa temang "Pinalakas na Ugnayan at Pagkakaisa sa Pagsulong ng IHL."

Sa seremonya sa PAF Headquarters, inihatid ng Punong Heneral ang mensahe ni Heneral Antonio G Nafarrete PA, Punong Tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkamakabayan, propesyonalismo, at paggalang sa International Humanitarian Law bilang mga pangunahing gabay sa tapat, makatao, at responsableng paglilingkod sa bayan.

Sa pakikiisa sa paggunita ng Ika-77 taon ng International Humanitarian Law, muling pinagtitibay ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ang pangako nitong maglingkod nang may malasakit, disiplina, at pananagutan. Patuloy rin nitong hinihikayat ang bawat kasapi na isabuhay ang mga simulain ng International Humanitarian Law sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga tagapangalaga ng himpapawid ng bansa.

03/08/2026

IN THE NEWS | Noong ika-2 Agosto 2026, nailigtas ng mga sundalo at Laang Kawal ng 6th Reserve Center, RESCOM, PAF ang pitong g**o at isang operator ng bangka matapos magsimulang lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatan ng Sacol Island, Lungsod ng Zamboanga.

Agad na rumesponde ang rescue team, na noon ay patungo rin sa isang community outreach activity, nang mamataan ang bangkang nasa panganib. Sa tulong ni Sgt Charles Stevenson Bellotindos PAF (Res), na walang pag aatubiling lumusong sa dagat, ligtas na nailipat ang mga apektado sa rescue boat at dinala sa Barangay Pasilmanta, kung saan sila ay isinailalim sa paunang pagsusuri at napag alamang walang natamong pinsala.

Matapos ang outreach activity, ligtas na naihatid pabalik sa kalupaan ang grupo sa pangangalaga ng Philippine Coast Guard. Nagtapos ang insidente nang walang nasaktan, na sumasalamin sa propesyonalismo at kahandaan ng mga sundalo at Laang Kawal ng 6th Reserve Center, RESCOM, PAF sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

https://www.facebook.com/reel/1719637979156599

Exercise   | 🇵🇭 🇦🇺 🇯🇵 🇰🇷 🇳🇿Partnerships that strengthen. Airpower that connects. During his visit to Darwin, the Command...
02/08/2026

Exercise | 🇵🇭 🇦🇺 🇯🇵 🇰🇷 🇳🇿

Partnerships that strengthen. Airpower that connects. During his visit to Darwin, the Commanding General, Philippine Air Force, Lieutenant General Arthur M Cordura PAF, engaged with counterparts from the Republic of Korea Air Force, Japan Air Self-Defense Force, and Royal New Zealand Air Force, while joining the Royal Australian Air Force (RAAF) Darwin Open Day - advancing defense cooperation, strengthening interoperability, and fostering public engagement throughout Exercise Pitch Black 2026.

01/08/2026

Exercise | 🇵🇭🇦🇺

Prepared on the ground. Ready in the skies. Philippine Air Force aircrew and pilots continue to showcase Filipino professionalism and airpower while strengthening partnerships with fellow aviators during Exercise Pitch Black 2026.

Royal Australian Air Force

Nakikiisa ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa temang, "Wikang Filipino at AI: Ka...
01/08/2026

Nakikiisa ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa temang, "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon." ✈️🇵🇭

Patuloy nating itinataguyod ang Wikang Filipino bilang mahalagang kasangkapan sa malinaw na komunikasyon, makabuluhang pananaliksik, at tapat na paglilingkod sa sambayanan. Kaagapay ng makabagong teknolohiya, kabilang ang Artificial Intelligence, higit nating mapagyayaman ang ating wika bilang tulay sa kaalaman, inobasyon, at pambansang kaunlaran.

Sama-sama nating gamitin, pagyamanin, at ipagmalaki ang ating sariling wika. 🇵🇭

Address

Col Jesus Villamor Air Base
Pasay City
1709

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Air Force posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Philippine Air Force:

Shortcuts

Share