06/08/2026
Suspendido pa rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay bukas, Agosto 7, 2026, bunsod pa rin ng inaasahang masamang panahon dulot ng hanging habagat.
Ang pamunuan ng mga paaralan ay patuloy pa ring inaatasan na gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.
Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan o emergency response, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office gamit ang Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373 o kaya sa numero bilang 09054939111/ 85517777/ 88338512.