National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD

National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD The logistics arm of the Department in times of disasters.

Naipamahagi kahapon (September 1) ang 821 Family Food Packs (FFPs) ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa...
02/09/2026

Naipamahagi kahapon (September 1) ang 821 Family Food Packs (FFPs) ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa mga pamilyang at indibidwal na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at patuloy na pag-ulan sa Bauang, La Union.
Batay sa DROMIC report ng DSWD FO 1, ang Bauang ang may pinakamalaking bilang ng naitalang apektadong pamilya sa lalawigan, na umabot sa 10,391 pamilya. Ipinamahagi ang mga FFP bilang agarang augmentation assistance upang makatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan. Ipagpapatuloy ang pamamahagi ng FFP sa bayan sa mga susunod na araw.
Nakabatay ang pagbibigay ng karagdagang tulong ng DSWD sa mga datos at ulat na isinusumite ng mga LGU sa pamamagitan ng DROMIC report. Dahil dito, mahalaga ang maayos, kumpleto, at napapanahong pag-uulat upang matukoy ang pangangailangan at maiparating ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nagbigay ulat sa media, sa isinagawang press confere...
02/09/2026

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nagbigay ulat sa media, sa isinagawang press conference ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon sa DSWD, na Vice Chair for Response and Early Recovery ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patuloy ang kanilang pagbibigay at pag-replenish ng food at non-food supplies para sa mga pamilyang apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at mga nagdaang bagyo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Leo L. Quintilla, nasa 2.3 milyong family food boxes na ang nailabas ng ahensya ngayong Agosto. Habang may nakahanda pang 3.5 milyong family food boxes para sa posibleng augmentation sa regional offices at Local Government Units (LGUs).
Mayroon ding nakahandang 288,766 ready-to-eat food at iba pang non-food items, tulad ng family clothing kits, family tents, water filtration kits, hygiene kits, kitchen kits, maternity kits at sleeping kits.
Patuloy naman ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at LGUs upang matiyak ang agarang paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nagbigay ulat sa media, sa isinagawang press conference ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon.

Ayon sa DSWD, na Vice Chair for Response and Early Recovery ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patuloy ang kanilang pagbibigay at pag-replenish ng food at non-food supplies para sa mga pamilyang apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at mga nagdaang bagyo.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Leo L. Quintilla, nasa 2.3 milyong family food boxes na ang nailabas ng ahensya ngayong Agosto. Habang may nakahanda pang 3.5 milyong family food boxes para sa posibleng augmentation sa regional offices at Local Government Units (LGUs).

Mayroon ding nakahandang 288,766 ready-to-eat food at iba pang non-food items, tulad ng family clothing kits, family tents, water filtration kits, hygiene kits, kitchen kits, maternity kits at sleeping kits.

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at LGUs upang matiyak ang agarang paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.






๐Ÿ… ๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐—Ÿ๐—ฆ ๐—œ๐—ก ๐—ฅ๐—˜๐—— ๐—ฉ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฆ | ๐—ก๐—ฅ๐—Ÿ๐— ๐—• ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐——๐—˜๐—˜๐—ฆ ๐Ÿ“ฆPagpupugay at pasasalamat sa ating mga Angels in Red Vests (ARV) na buong dedika...
02/09/2026

๐Ÿ… ๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐—Ÿ๐—ฆ ๐—œ๐—ก ๐—ฅ๐—˜๐—— ๐—ฉ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฆ | ๐—ก๐—ฅ๐—Ÿ๐— ๐—• ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐——๐—˜๐—˜๐—ฆ ๐Ÿ“ฆ

Pagpupugay at pasasalamat sa ating mga Angels in Red Vests (ARV) na buong dedikasyon at malasakit na nagsisilbi sa National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB).

Kinikilala sina Ms.Mila H Yapana, Administrative Officer V ng Logistics Management Division, Warehouse Management and Transport Section, at Ms. Bevelyn S. Samson, Administrative Officer IV at WMTS โ€“ Warehouse and Inventory Unit Head, bilang mga huwaran sa mahusay, responsable, at tapat na paglilingkod.

Sa kanilang araw-araw na pagsisikap sa pamamahala ng warehouse, inventory, at transport operations, mahalaga ang kanilang ambag upang matiyak ang maayos na paghahanda, pag-iimbak, at paggalaw ng relief supplies para sa mga pamilyang nangangailangan.

Ang pagkilalang ito ay simbolo ng pagpapahalaga sa kanilang sipag, malasakit, propesyonalismo, at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Saludo kami sa inyong serbisyo! Kayo ang tunay na Angels in Red Vests ng NRLMB laging handang kumilos para sa kapwa at bayan. ๐Ÿค



FFPs UPDATE: As of 6AM ngayong Miyerkules (Setyembre 2), umabot na sa 2,485,601 family food packs (FFPs), 18,988 non-foo...
02/09/2026

FFPs UPDATE: As of 6AM ngayong Miyerkules (Setyembre 2), umabot na sa 2,485,601 family food packs (FFPs), 18,988 non-food items (NFIs) at 36,811 ready-to-eat food (RTEF) boxes ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong , , at .

Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa:

- National Capital Region
- Cordillera Administrative Region
- Ilocos Region
- Cagayan Valley
- Central Luzon
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Bicol Region
- Western Visayas
- Eastern Visayas
- Zamboanga Peninsula

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang maagap na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad.

โค๏ธ

DSWD EXPEDITES DELIVERY OF FOOD PACKS TO CENTRAL LUZONHindi naging balakid ang matinding trapiko sa NLEX para maiparatin...
01/09/2026

DSWD EXPEDITES DELIVERY OF FOOD PACKS TO CENTRAL LUZON

Hindi naging balakid ang matinding trapiko sa NLEX para maiparating ng DSWD ang kinakailangang suporta sa mga apektado ng sa Central Luzon.

Sa tulong ng pamunuan ng NLEX at sa suporta ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni โ€œBanoyโ€ Lopez, pinayagang makadaan sa zipper lane ang mga convoy truck ng DSWD na may dalang libo-libong kahon ng family food packs (FFPs).

Maraming salamat sa pamunuan ng NLEX at sa DOTr sa patuloy na pag-alalay para mabilis na makarating ang tulong sa ating mga kababayan!

โค๏ธ

HABAGAT FFPs UPDATE: As of 6PM ngayong Martes (Setyembre 1), umabot na sa 200,911 family food packs (FFPs) ang naipamaha...
01/09/2026

HABAGAT FFPs UPDATE: As of 6PM ngayong Martes (Setyembre 1), umabot na sa 200,911 family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng .

Ang bawat FFP ay naglalaman ng mga pangunahing pagkain na maaaring makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya habang nakakaranas ng epekto ng kalamidad.

Bahagi ito ng augmentation requests mula sa mga lokal na pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa:

๐Ÿ“ National Capital Region (NCR) - 29,057
๐Ÿ“ Ilocos Region - 47,390
๐Ÿ“ Central Luzon - 112,765
๐Ÿ“ CALABARZON - 9,269
๐Ÿ“ Cordillera Administrative Region (CAR) - 2,430

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pinaiigting ng DSWD ang paghahatid ng kinakailangang pagkain at suporta sa mga pamilyang apektado ng Habagat.

โค๏ธ

LUBAO, PAMPANGA โ€” Matapos ang ilang araw na malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha, personal na binisita ni DSWD Sec...
01/09/2026

LUBAO, PAMPANGA โ€” Matapos ang ilang araw na malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha, personal na binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga evacuation centers sa Gitnang Luzon ngayong araw, Setyembre 1, 2026, upang personal na ihatid ang suporta ng pamahalaan sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mabilis at tuwirang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Kasama ni Secretary Gatchalian sina DSWD Assistant Secretary for Special Concerns and Spokesperson Irene B. Dumlao, DSWD Field Office 3 - Central Luzon Regional Director Venus F. Rebuldela, former President and incumbent Pampanga 2nd District Representative Hon. Gloria Macapagal Arroyo, at Governor Lilia โ€œNanayโ€ Pineda sa pagbisita at upang personal na damayan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan at ang naulilang pamilya ng nasawi.

May kabuoang 51 pamilya (109 indibidwal) ang nasa Multipurpose Evacuation Center habang 146 families (473 individuals) sa Provincial Evacuation Center and Isolation Facilities sa Brgy. Santa Catalina, Lubao, Pampanga.

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—˜ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—•๐—˜๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก-๐—ช๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—ž๐—œ, ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—–๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—–! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘‘Nakibahagi si Miss Univ...
01/09/2026

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—˜ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—•๐—˜๐—” ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก-๐—ช๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—ž๐—œ, ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—–๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—–! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘‘

Nakibahagi si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski sa repacking operations ng Family Food Packs (FFPs) sa DSWD Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City ngayong Martes, Setyembre 1, matapos siyang imbitahan ni Mr. Kevin Sanchez ng National Youth Commission (NYC) na makiisa sa aktuwal na paghahanda ng relief supplies.

Kasama ang mga Angels in Red Vests (ARV) at iba pang volunteers, nakiisa si Bea sa paghahanda ng mga FFPs na magsisilbing tulong para sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency.

Ang kanyang pagbisita at pakikiisa ay bahagi ng disaster response efforts ng DSWD, kung saan ang suporta ng mga volunteers, kabataan, at ibaโ€™t ibang katuwang ay mahalaga sa pagpapalakas ng kahandaan at pagpapabilis ng paghahatid ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan.

Sa pamamagitan ng simpleng pagkilos at aktuwal na pakikilahok, ipinakita ni Bea na ang paglilingkod sa kapwa ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay, kundi pati sa paglalaan ng oras, lakas, at malasakit upang maging bahagi ng isang makabuluhang layunin.

Naninindigan ang DSWD Laban sa Fake News Tungkol sa Presyo ng Family Food PacksNirerespeto ni DSWD Secretary REX Gatchal...
01/09/2026

Naninindigan ang DSWD Laban sa Fake News Tungkol sa Presyo ng Family Food Packs
Nirerespeto ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang kalayaan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang saloobin, ngunit hindi ito nangangahulugang maaaring mag-akusa nang walang sapat na batayan at malayo sa katotohanan. Aniya, may kaakibat na pananagutan ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon, lalo na kung nakapipinsala ito sa reputasyon ng Kagawaran.
Sinabi ng Kalihim na tinutukoy na ng DSWD ang taong nagpakalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa maling presyo sa procurement ng family food packs (FFPs) at pinag-aaralan na ng Kagawaran ang mga kaukulang legal na hakbang sakaling tumanggi itong mag-isyu ng apology para sa maling Facebook post.
Ang paglilinaw sa publiko ay bahagi ng kampanya ng DSWD laban sa fake news, kasabay ng pagsusulong nito ng Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon. (AL)
โค๏ธ

Naninindigan ang DSWD Laban sa Fake News Tungkol sa Presyo ng Family Food Packs

Nirerespeto ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang kalayaan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang saloobin, ngunit hindi ito nangangahulugang maaaring mag-akusa nang walang sapat na batayan at malayo sa katotohanan. Aniya, may kaakibat na pananagutan ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon, lalo na kung nakapipinsala ito sa reputasyon ng Kagawaran.

Sinabi ng Kalihim na tinutukoy na ng DSWD ang taong nagpakalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa maling presyo sa procurement ng family food packs (FFPs) at pinag-aaralan na ng Kagawaran ang mga kaukulang legal na hakbang sakaling tumanggi itong mag-isyu ng apology para sa maling Facebook post.

Ang paglilinaw sa publiko ay bahagi ng kampanya ng DSWD laban sa fake news, kasabay ng pagsusulong nito ng Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon. (AL)

โค๏ธ

Sa bayan ng Naic, Cavite, namahagi ang Quick Response Team ng DSWD Field Office IV-A ng 550 family food packs kahapon, A...
01/09/2026

Sa bayan ng Naic, Cavite, namahagi ang Quick Response Team ng DSWD Field Office IV-A ng 550 family food packs kahapon, Agosto 31, 2026, sa mga pamilya mula sa Brgy. Bucana Sasahan na naapektuhan ang kabuhayan dulot ng mga pag-ulan kaugnay ng habagat.
Ayon kay Daisy Rose Awstero, isa sa mga nakatanggap ng food pack, malaking tulong ito para makabawas sa kanilang gastusin sa araw-araw.

Address

Chapel Road
Pasay City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

8528081

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share