12/08/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ๐ฃ๐จ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฌ ๐๐ก๐ฅ๐๐ค๐จ๐ โ๐๐ ๐๐๐๐๐ขโ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐ก๐ง๐, ๐๐๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก!
Noong Agosto 4, 2026, tuluyang namartir si Enrique โKa Chicoโ Dayandante matapos ang madugong engkwentro sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan-Agustin Begnalen Command at mga yunit ng militar sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra. Ayon sa salaysay na ibinahagi tungkol sa kanyang pamilya, naging masalimuot din ang pagkuha sa kanyang mga labi dahil sa awtopsiya at mga protocol na ipinataw matapos ang engkwentro. Nang tuluyan nilang makita ang kanyang mga labi, malubha na ang pagkakaagnas nito kaya napilitan silang ipa-cremate siya.
Sa Abra at Cordillera, matagal nang umiiral ang tunggalian sa lupa, likas-yaman, at karapatan ng mga komunidad laban sa interes ng pasistang estado at malalaking dayuhang negosyo. Pinalalala ito ng militarisasyon na nagdudulot ng takot at panganib sa mga mamamayan, kaya nananatiling larangan ng matinding tunggalian ang rehiyon, dahilan ng pagtungo ni Ka Chico dito.
Mula sa hanay ng maralitang lungsod sa Caloocan, maagang naranasan ni Ka Chico ang tindi ng kahirapan at kawalang-katarungan. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral sa University of the East Caloocan dahil sa pinansyal na kakulangan. Sa halip na manatiling tahimik sa harap ng ganitong kalagayan, pinili niyang hanapin ang ugat ng suliranin at ialay ang kanyang talino, lakas, at panahon sa paglilingkod sa sambayanan.
Isa si Ka Chico sa mga unang kasapi at tagapagtatag ng Anakbayan. Tumulong siyang magtatag ng unang balangay nito sa A. Palon, Caloocan at naging bahagi ng makasaysayang Kongreso ng Pagkakatatag ng Anakbayan noong Nobyembre 30, 1998. Sa mga paaralan at komunidad, walang patid siyang nagmulat, nag-organisa, at nagpakilos sa kabataan at maralitang mamamayan. Sa UE Caloocan, nanguna ang kanilang balangay sa paglaban sa pagtataas ng matrikula, habang sa CAMANAVA ay tumulong siyang mag-organisa ng mga kabataan, out-of-school youth, at mala-manggagawa laban sa ibaโt ibang anyo ng pang-aapi at pagsasamantala.
Hindi rin niya isinantabi ang sining sa paglilingkod sa masa. Sa pamamagitan ng gitara at mga awitin, naging bahagi ang kultura ng kanyang pag-oorganisa at pakikipag-ugnayan sa kabataan. Nakilahok din siya sa elektoral na pakikibaka at iba pang ligal-demokratikong pagkilos bago niya piniling dalhin sa mas mataas na antas ang kanyang pakikibaka.
Sa edad na 20, matapos ang integrasyon sa mga katutubo sa Ilocos at Kordilyera, pinili niyang tahakin ang landas ng armadong pakikibaka. Sa kanyang higit dalawang dekadang paglahok sa rebolusyonaryong kilusan, pinatunayan niya ang matibay na pagnanais ng isang kabataan na maglingkod sa sambayanan at harapin ang mga ugat ng kahirapan at pagsasamantala.
Hanggaโt hindi natutugunan at nawawakasan ang tatlong ugat ng kahirapan, patuloy na sisibol ang mga kabataang tulad ni Ka Chico na magmumulat, mag-oorganisa, at kikilos para sa tunay na pagbabago. Hanggaโt nagpapatuloy ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, mananatili ang mga salik na nagtutulak sa sambayanan na lumaban. Sa bawat henerasyon, may mga kabataang pipiliing makialam sa halip na manahimik, maglingkod sa halip na magbulag-bulagan, at makibaka laban sa mga ugat ng kahirapan at pang-aapi.
Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa pagbibigay-pugay sa rebolusyonaryong buhay ni Ka Chico. Sariwain ang kanyang mga naging ambag, pag-aralan ang kasaysayang kanyang kinapalooban, at unawain ang mga suliraning nagtutulak sa mamamayan na lumahok sa armadong tunggalian para itaguyod pambansang demokratikong pakikibaka ng sambayanan!
๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฌ ๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐ข, ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ก!
๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐-๐๐๐๐จ๐ฆ๐ข ๐๐ง ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
๐๐จ๐ง๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ข๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐๐๐๐๐ก!