04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ฌ๐ฅ๐๐ฌ-๐๐ฎ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐๐)
Mga magulang at tagapag-alaga, inaanyayahan po namin kayo na pabakunahan ang inyong mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng Chikiting Ligtas Immunization Program.
Sa tulong ng ating masisipag na Health Workers, mag-iikot ang ating vaccination team sa ibaโt ibang lugar sa barangay upang mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilya.
๐๐พ๐๐๐ฟ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐พ๐พ๐๐๐ผ๐๐๐๐
8:00 AM โ 2:00 PM
June 4 โ Zone 1 & Zone 4
June 5 โ Zone 2
June 8 โ Mini Park
June 9 โ Consular
June 10 โ Secondary and SSBNAI
June 11 โ Zone 1 & Zone 4
June 12 โ Zone 2
Libre at ligtas ang bakuna para sa inyong mga chikiting!
Abangan ang pag-iikot ng ating vaccination team sa inyong lugar. Dalhin lamang ang inyong mga anak at samantalahin ang pagkakataong maprotektahan sila laban sa tigdas at rubella.
Sama-sama nating panatilihing ligtas at malusog ang bawat batang Taguigeรฑo!