PLM - Partido Lakas ng Masa

PLM - Partido Lakas ng Masa It was founded on Jan. 2009. What is Partido Lakas ng Masa (PLM)? The PLM is more than a party-list organization. The PLM is more than an electoral organization.

Partido Lakas ng Masa (PLM) or Party of the Labouring Masses is a certified National Political Party since 2011 and is now running for partylist for the 2019 elections. PLM is a political party that was born from the unity of various mass organizations of workers and the poor to form a political party that will serve as a viable instrument in the political struggle of the masses. PLM counts from

among its ranks the broad sector and sections of the working class and the toiling masses – the industrial workers, urban poor, farmers and agricultural workers, vendors, teachers, tricycle drivers, jeepney drivers, youth and students, women and other marginalized sectors of Philippine society. It intervenes and field candidates in the local, district and national elections. It advances the interests of the toiling masses through mass struggles. It recognizes the election as an arena of struggle, but it intervenes in the election not in the traditional form of campaigning but in ways and forms that raises the level of mobilization and struggles of the masses.

TINGNAN | PLM Antipolo – Caucus sa Katiyakan sa PaninirahanIsinagawa ng Partido Lakas ng Masa – Antipolo Chapter ang Cau...
02/09/2026

TINGNAN | PLM Antipolo – Caucus sa Katiyakan sa Paninirahan

Isinagawa ng Partido Lakas ng Masa – Antipolo Chapter ang Caucus Discussion hinggil sa Katiyakan sa Paninirahan, na pinangunahan nina Ka Leody, Ka Elna, Ka Barbie, at Ka Emely.

Sa talakayan, ibinahagi ni Ka Leody ang pagsusuri sa pambansang kalagayan, na nagbigay ng mas malawak na konteksto sa lokal na laban para sa karapatan sa pabahay.

PLM – Teresa Relief Operation sa Gitna ng BahaSa gitna ng patuloy na pagbaha dulot ng habagat, naglunsad ng relief opera...
02/09/2026

PLM – Teresa Relief Operation sa Gitna ng Baha

Sa gitna ng patuloy na pagbaha dulot ng habagat, naglunsad ng relief operation ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa mga komunidad ng Brgy. San Gabriel at Brgy. Dalig, Teresa, Rizal. Ang relief operation ay pinangunahan ng PLM Rizal coordinator at NC member na si Ka Barbie Toribiano.

Sa operasyon, 35 pamilya ang nabigyan ng bigas, habang 15 bata ang nakatikim ng mainit na lugaw bilang almusal. Ang simpleng tulong na ito ay nagbigay ng kaunting ginhawa sa mga apektado ng baha, at sinalubong ng ngiti at pasasalamat mula sa mga residente.

Ngunit higit pa sa pamamahagi ng ayuda, bitbit ng hanay ng PLM Teresa ang malinaw na panawagan para sa sistematikong pagbabago. Sa bawat relief activity, pinaigting ang sigaw ng masa: “Itayo ang Gobyerno ng Masa! Sulong Sosyalismo!”. Bitbit din ng PLM - Teresa ang panawagan na ang pabahay ay serbisyo at hindi ito dapat ginagawang negosyo. Ang kanilang kampanya ay nakaugat hindi lamang sa pagtugon sa agarang pangangailangan, kundi sa pagbubuo ng mas matibay na organisasyon at pagkilos para sa tunay na pagbabago sa lipunan.

Ang ganitong gawain ay patunay na ang komunidad ng PLM, partikular na ang PLM - Teresa chapter ay hindi natitinag ng unos—patuloy na nag-oorganisa, nagmumulat, at kumikilos kasama ang mamamayan. Sa Teresa, malinaw na ipinapakita ng masa na ang kanilang lakas ay nasa sama-samang pagkilos tungo sa isang lipunang makatarungan at maka-masa.

TINGNAN | PLM – Operations Department Manila Relief and Solidarity DriveNitong nagdaang Araw ng mga Bayani, sa diwa ng p...
02/09/2026

TINGNAN | PLM – Operations Department Manila Relief and Solidarity Drive

Nitong nagdaang Araw ng mga Bayani, sa diwa ng pakikiisa sa masa, nagpatuloy ang Partido Lakas ng Masa – Operations Department Manila sa pamamahagi ng tulong sa hanay ng mga residente ng Marala, Tondo. Mula sa simpleng tsinelas, champorado, at bigas, nakatanggap ng kaunting ginhawa ang mga kasapi at komunidad na matagal nang nakikipagsapalaran sa gitna ng kahirapan.

Hindi natapos dito ang pagkilos—itinuloy ng PLM OpD Manila ang pamamahagi ng bigas sa hanay ng ating mga kasapi sa Baseco, na sinalubong ng ngiti at taos-pusong pasasalamat mula sa mga tumanggap. Ang mga simpleng tulong na ito ay hindi lamang materyal na suporta, kundi simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng Partido sa masa.

Kasabay ng pamamahagi, bitbit ng ating hanay ang malinaw na panawagan para sa pananagutin ang mga kurakot, at ang matibay na pagtutol sa mapanirang Waste-to-Energy (WTE) program na nagbabanta sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan. Pinaigting din ang sigaw ng masa:

Itayo ang Gobyerno ng Masa!
Sulong Sosyalismo!

Ang aktibidad na ito ay patunay na ang PLM ay hindi lamang kumikilos sa panahon ng kalamidad, kundi patuloy na nag-oorganisa, nagmumulat, at nagtataguyod ng sistematikong pagbabago. Sa bawat hakbang, sa bawat tulong, at sa bawat panawagan, pinapatibay natin ang diwa ng sama-samang pagkilos tungo sa isang lipunang makatarungan at tunay na maka-masa.

TINGNAN | PLM Cebu – General Mass Course Seminar sa Toledo CityNoong Agosto 28, 2026, matagumpay na isinagawa ang Genera...
02/09/2026

TINGNAN | PLM Cebu – General Mass Course Seminar sa Toledo City

Noong Agosto 28, 2026, matagumpay na isinagawa ang General Mass Course Seminar sa Villa Theresa Compound, Brgy. Cabitoonan, Toledo City, na dinaluhan ng 27 participants mula sa tatlong barangay—Bitoon, Cabitoonan, at Bato.

Ang programa ay binuksan ng isang maikling PLM orientation na pinangunahan ni Victor Sumampong Jr., bago tuluyang isinagawa ang GMC seminar proper. Natapos ang sesyon bandang 3:30 PM, at agad na sinundan ng talakayan hinggil sa mga kampanya at aktibidad na pinresida ni Teody Navea.

Sa diskusyon, binigyang-diin ang lokal na laban ng masa laban sa planong expansion ng Aboitiz-owned TVI (Therma Visayas Incorporated) coal plant, na patuloy na nagdudulot ng pangamba sa kalikasan at kabuhayan ng mga residente. Tinalakay rin ang kampanya kontra sa mataas na presyo ng kuryente, na nananatiling pangunahing isyu sa mga komunidad ng Toledo.

Bilang bahagi ng moving forward, ipinaalam sa mga kalahok ang nalalapit na Provincial Assembly sa Setyembre 20, 2026, at napagkasunduan na magsagawa ng barangay chapter assemblies sa Oktubre upang higit pang palakasin ang organisasyon at pagkilos sa lokal na antas.

Ang seminar na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng PLM Cebu na palalimin ang edukasyon ng masa, palakasin ang organisasyon, at itaguyod ang mga kampanya para sa karapatan ng mamamayan laban sa mapang-abusong sistema.

TINGNAN | PLM - Teresa Municipal Chapter Building FormationSa kabila ng malakas na ulan at epekto ng habagat, matagumpay...
30/08/2026

TINGNAN | PLM - Teresa Municipal Chapter Building Formation

Sa kabila ng malakas na ulan at epekto ng habagat, matagumpay na isinagawa ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang isa sa pinakamahalagang aktibidad sa Rizal—ang Municipal Chapter Building Formation ng Teresa Chapter.

Nilahukan ito ng limang barangay: Dalig, San Gabriel, Bagumbayan, Dulumbayan, at Prinza, na nagtipon upang pagtibayin ang organisasyon at maglatag ng konkretong plano para sa mas malawak na pagkilos sa bayan ng Teresa. Lumahok din ang iba’t ibang samahan gaya ng Carissa Homes East 2 Homeowners Association, Teresa Women’s Association, Samahan ng Kalalakihan at Kababaihan ng Dalig, Kapitbisig ng San Gabriel, at maraming indibidwal na nagtataguyod ng system change.

Hindi lamang mga organisasyon ang naging bahagi ng pagtitipon—aktibong nakilahok din ang mga kabataan mula sa Pantay Integrated School, na nagbigay ng sigla at bagong perspektiba sa talakayan. Ang kanilang presensya ay patunay na ang kabataan ay mahalagang katuwang sa pagsusulong ng pagbabago.

Ang buong aktibidad ay pinangunahan ni Barbie Toribiano, ang pangunahing organizer at PLM Rizal Coordinator, na nagbigay ng direksyon at inspirasyon sa mga kalahok. Sa kanyang pamumuno, naging matagumpay ang pagbubuo ng chapter na magsisilbing gulugod ng organisasyon sa Teresa.

Sa kabila ng unos, nananatiling matatag ang masa. Ang pagtatatag ng Municipal Chapter sa Teresa ay hindi lamang organisasyonal na hakbang, kundi isang makasaysayang yugto sa pagpapalakas ng PLM sa Rizal—isang hakbang tungo sa mas malawak na pagkilos para sa tunay na pagbabago.

ITAYO ANG GOBYERNO NG MASA!
SULONG SOSYALISMO!

TINGNAN | PLM - Antipolo ChapterSa San Luis, Antipolo City, nagsagawa ang PLM Antipolo Chapter ng serye ng aktibidad na ...
30/08/2026

TINGNAN | PLM - Antipolo Chapter

Sa San Luis, Antipolo City, nagsagawa ang PLM Antipolo Chapter ng serye ng aktibidad na pinangunahan ni Ka Emely Sale, PLM Antipolo Coordinator.

Sa Samakaba HOA, isinagawa ang Caucus Discussion hinggil sa Katiyakan sa Paninirahan, kung saan tinalakay ang mga isyu ng pabahay at karapatan ng mga residente. Kasunod nito, sa Banaba, San Luis, isinagawa ang Pulo-Pulong Kalye, na nagbigay-daan sa mas malawak na pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Sa kabila ng habagat, hindi napigilan ang mga kasama na magtipon at magbahagi ng kanilang mga hinaing at panawagan. Ang mga aktibidad na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na pagkilos ng PLM Antipolo—mula sa talakayan sa pabahay hanggang sa pakikipag-ugnayan sa lansangan, nananatiling buhay ang diwa ng masa at ang panawagan para sa katiyakan sa paninirahan at sistematikong pagbabago.

TINGNAN | PLM – Moriones Chapter Dahil sa pagbaha sa Moriones, nagsagawa ng relief activity ang Partido Lakas ng Masa sa...
30/08/2026

TINGNAN | PLM – Moriones Chapter

Dahil sa pagbaha sa Moriones, nagsagawa ng relief activity ang Partido Lakas ng Masa sa pangunguna ni Ka Vengie at mga opisyales ng chapter. Namahagi sila ng bigas sa ating mga kasapi, kung saan 100 miyembro ng PLM ang nakatanggap ng tulong.

Ang simpleng pagbabahagi na ito ay patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng ating organisasyon sa panahon ng pangangailangan.

PLM - Oriental Mindoro ChapterMatagumpay na isinagawa ng PLM Oriental Mindoro ang General Mass Course Education bilang b...
28/08/2026

PLM - Oriental Mindoro Chapter

Matagumpay na isinagawa ng PLM Oriental Mindoro ang General Mass Course Education bilang bahagi ng pagpapatibay ng ideolohikal na pundasyon ng kilusan. Kasabay nito, nagdaos ng Planning Session ang Provincial Chapter para sa mga aktibidad mula Setyembre hanggang Disyembre, na layong palakasin ang organisasyon at kampanya sa lalawigan.

Idinaos din ang assembly ng mga PLM barangay candidates sa Naujan, Oriental Mindoro, bilang hakbang sa pagbubuo ng mas malawak na pagkilos ng masa sa lokal na antas.

PLM – Antipolo Chapter | Issues Discussion at Housing Campaign PlanningMatagumpay na isinagawa ng PLM – Antipolo Chapter...
27/08/2026

PLM – Antipolo Chapter | Issues Discussion at Housing Campaign Planning

Matagumpay na isinagawa ng PLM – Antipolo Chapter ang serye ng talakayan sa Sumulong College of Arts and Sciences hinggil sa mahahalagang isyu ng mamamayan.

Kasunod nito, nagdaos din ng Housing Campaign Planning ang Antipolo Chapter, na dinaluhan ng President, Vice President, at Secretary ng chapter. Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang plano para sa kampanya sa pabahay, bilang bahagi ng mas malawak na pagkilos ng masa para sa karapatan sa sapat, ligtas, at abot-kayang tirahan.

Ang mga aktibidad na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng PLM na palalimin ang pagsusuri, palakasin ang organisasyon, at itaguyod ang mga panawagan ng mamamayan.

𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗜𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢Ang First Day Fight (FDF)—isang taunang militanteng protesta ng mga estudyante ...
26/08/2026

𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗜𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢

Ang First Day Fight (FDF)—isang taunang militanteng protesta ng mga estudyante sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) na isinasagawa sa unang araw ng akademikong taon—ay nakatuon ngayong taon sa patuloy na kinahaharap na budget cuts ng unibersidad; isang suliraning hindi na bago at hindi na rin dapat ituring na normal.

Batay sa proposed at approved budgets ng PUP System mula 2021, nakararanas ang unibersidad ng average na ₱5.65 bilyong budget cut kada taon. Hindi maliit na halaga ang ganitong kakulangan. Sa bawat pondong hindi naibibigay, nababawasan ang kakayahan ng unibersidad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante—mula sa classrooms at laboratoryo hanggang sa kagamitan, research, faculty, at iba pang serbisyong pang-estudyante.

Ngunit hindi lamang PUP ang nakararanas nito.

Bahagi ang kalagayan ng PUP sa mas malawak na problema ng underfunding ng pampublikong edukasyon sa bansa. Sa proposed 2027 national budget, 49 sa 113 State Universities and Colleges (SUCs) ang nakatakdang makatanggap ng mas mababang pondo. Maging ang PUP ay muling haharap sa panibagong budget cut.
Ipinapakita nito na hindi simpleng problema ng isang unibersidad ang usapin ng budget cuts. Ito ay problema ng isang sistemang patuloy na hindi naglalaan ng sapat na pampublikong pondo para sa edukasyon.

At kapag kinukulang ang pondo ng pampublikong edukasyon, hindi naman nawawala ang pangangailangan ng mga estudyante.

May classroom na kailangan pa ring gamitin kahit kulang. May laboratoryong kailangang pasok-an kahit hindi sapat ang kagamitan. May mga libro, computers, learning materials, at iba pang resources na kailangan pa ring bilhin. May mga estudyanteng kailangang pumasok araw-araw kahit patuloy na tumataas ang pamasahe at presyo ng mga pangunahing bilihin.

𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻, 𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗮𝘀𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗸𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻?

Ang estudyante. Ang pamilya. Ang masa.

Sa halip na maibsan ang bigat na pasan ng ordinaryong mamamayan, lalo itong nadaragdagan. At habang patuloy na kinukulang ang pampublikong paaralan at pamantasan, mas nagiging mahalaga ang kakayahang magbayad upang makakuha ng mas maayos na edukasyon.

Dito natin nakikita ang mas malalim na epekto ng budget cuts.

𝗨𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗶𝗯𝗶𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼.

Ang may kakayahang magbayad ay may opsyong lumipat sa pribadong institusyon, bumili ng sariling kagamitan, kumuha ng dagdag na learning resources, at humanap ng alternatibong oportunidad. Ngunit para sa anak ng manggagawa, maralita, at ordinaryong pamilya, kadalasan ay walang ganitong pagpipilian.

Kaya ang usapin ng budget cuts ay usapin din ng class inequality. Kapag pinapahina natin ang pampublikong edukasyon, mas lalo nating nilalagay sa alanganin ang mga kabataang higit na umaasa rito.

Hindi sapat na ipagmalaki ang “free tuition” kung ang estudyante naman ay pumapasok sa silid-aralang kulang, gumagamit ng kagamitang luma o hindi sapat, at gumagastos mula sa sariling bulsa para sa mga pangangailangang dapat ay sinusuportahan ng pamahalaan.

Ang libreng edukasyon ay hindi lamang kawalan ng tuition fee.

Kailangan nito ng sapat na classrooms, maayos na laboratoryo, kumpletong learning materials, sapat na faculty at personnel, accessible na student services, at suporta sa mga estudyanteng nagmumula sa mahihirap na pamilya.

Para sa Partido Lakas ng Masa (PLM), malinaw na 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗿𝗶𝗯𝗶𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼.

Alinsunod sa Plataporma ng Gobyerno ng Masa, isinusulong natin ang isang pampublikong sistema ng edukasyon na tunay na libre, accessible, at nakatuon sa pangangailangan ng sambayanan—kabilang ang libreng edukasyon mula primarya hanggang kolehiyo at sapat na suporta para sa mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya.

Hindi dapat ipinapasa sa mga estudyante at kanilang pamilya ang gastos ng kakulangan sa pampublikong pondo. Hindi dapat kailangang mamili ang isang kabataan kung kakain ba siya nang maayos o bibili ng learning materials. Hindi dapat maging sukatan ng kalidad ng edukasyong matatanggap ng isang estudyante ang kakayahan ng kanyang pamilya na magbayad.

𝗔𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼.

Kaya ang laban para sa dagdag na pondo sa PUP at SUCs ay hindi lamang laban ng mga estudyante. Ito ay laban ng bawat pamilyang umaasa sa pampublikong edukasyon bilang daan tungo sa mas magandang buhay.

Sa halip na budget cuts, kailangan natin ng mas malaking pampublikong pamumuhunan sa edukasyon. Sa halip na edukasyong para sa may kaya, kailangan natin ng edukasyong tunay na para sa lahat. At sa halip na sistemang nagpapasa ng gastos sa masa, kailangan natin ng pamahalaang handang akuin ang pananagutan nito sa karapatan ng bawat mamamayan sa edukasyon.

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀𝗮, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗶𝗯𝗶𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻.

Kaya kaisa ang PLM sa mga estudyante, g**o, kawani, at iba pang sektor ng pamantasan sa panawagan na:

IBASURA ANG BUDGET CUTS SA SUCs!
DAGDAGAN! DAGDAGAN! HUWAG BAWASAN!
IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA ISKOLAR NG BAYAN!
EDUKASYON AY KARAPATAN, HINDI PRIBILEHIYO!
IPAGLABAN ANG EDUKASYONG TUNAY NA PARA SA MASA!

Address

Pasig City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PLM - Partido Lakas ng Masa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PLM - Partido Lakas ng Masa:

Shortcuts

Share