Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin

Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin Taga-Pasig, kung saan umaagos ang pag-asa.

Nagsagawa po tayo ng site visit sa Tambakan, Barangay San Miguel kasama si Sir Alvin mula sa Meralco upang personal na t...
13/06/2026

Nagsagawa po tayo ng site visit sa Tambakan, Barangay San Miguel kasama si Sir Alvin mula sa Meralco upang personal na tingnan at aksyunan ang mga concern kaugnay ng electrical connection sa lugar. ⚡🏘️

Layunin po nating masigurong magkaroon ng mas ligtas, legal, at maayos na koneksyon ng kuryente para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng tulong at serbisyo. Tuloy-tuloy po ang ating pakikipag-ugnayan para sa kapakanan ng bawat Pasigueño. 🤝

Ngayong People's Day para sa unang linggo ng Hunyo, nakadaupang-palad natin ang ating mga kababayan upang pakinggan at t...
11/06/2026

Ngayong People's Day para sa unang linggo ng Hunyo, nakadaupang-palad natin ang ating mga kababayan upang pakinggan at tugunan ang kanilang mga concern tungkol sa tubig at kuryente. 💙 Para sa akin, mahalagang marinig mismo ang boses ng bawat Pasigueño upang mas mabilis nating mahanapan ng solusyon ang kanilang mga pangangailangan.

Patuloy tayong maglilingkod nang may malasakit at bukas na tanggapan para sa bawat pamilyang nangangailangan ng tulong at gabay. Sama-sama nating itaguyod ang ligtas, maayos, at mas maunlad na komunidad para sa lahat. ✨

Noong May 11, 2026, bilang Vice Chair ng Committee on Human Settlement, tayo po ay dumalo sa isang mahalagang committee ...
26/05/2026

Noong May 11, 2026, bilang Vice Chair ng Committee on Human Settlement, tayo po ay dumalo sa isang mahalagang committee hearing kasama si Committee Chairman Konsi Kiko Rustia at iba pang mga personnel upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa pabahay at kapakanan ng ating mga komunidad. 🏘️🤝

Patuloy po nating isinusulong ang mga programang makakatulong sa mas maayos, ligtas, at makataong pamayanan para sa bawat Pasigueño. Serbisyo at aksyon po ang lagi nating inuuna para sa kapakanan ng masa.

Marami po nagtatanong kung papaano mag load ng Kuryente Load sa MERALCO gamit ang Gcash.Narito po ang gagawin ninyo.1. B...
17/05/2026

Marami po nagtatanong kung papaano mag load ng Kuryente Load sa MERALCO gamit ang Gcash.

Narito po ang gagawin ninyo.

1. Buksan ang Gcash ninyo at hanapin ang Load.

2. Pindutin ang Utilities

3. At hanapin ang Meralco biller

Oh!!! di ba ang dali !!!...

Simpleng buhay lang

P**i like and share para malaman din ng iba..Salamat po

17/05/2026

Paano naman daw po mag apply ng tubig sa Manila Water.

Para po sa individual apllication.

1. Kumuha po ng membership certificate at list ng mga members sa Homeowners Association (HOA) ninyo.

2. Kumuha po ng Barangay Certificate

3. Gumawa po ng sketch kung saan yung bahay ng nag aaply. Kalakip po nito ay yung address, birthday, cellphone number

4. Punta po kayo sa office para mai-submit yung requirement nyo.

Para naman po sa grupo o HOA na mag aaply.

Sundin lang po yung step 1 and 2 sa taas.

Gumawa po ng listahan ng mga gusto mag apply sa malinis na papel....ilagay po sa tapat ng pangalan ang address, bithdate at cellphone number at gumawa po ng sketch kung saan nakatirik ang bahay para po mapadali ang inspection.

Ganun lang po kadali kaya
TARA NA!!!...MAG APPLY NA TAYO

Kita kita tayo sa opisina ko at makapag kwentuhan man lang para masaya ang buhay.

Simpleng buhay

P**i like and share naman po
para malaman din po ng iba....please

Salamat po

17/05/2026

Marami pong nagtatanong kung paano daw po ba mag apply ng K Load or Kuryente Load?

Para lang po ito sa mga bahay na may taas na 1 hanggang 2 palapag or 7meters ang taas at nabibilang sa Urban Poor Community.

1. Kumuha po ng membership certificate at list ng mga members sa Homeowners Association (HOA) ninyo.

2. Kumuha po ng Barangay Certificate

3. Tapos po magpunta na po sa MERALCO at mag apply ng yellow card. Kapag hinanapan kayo ng proof of ownership sabihin nyo po na ang gagamitin nyo ay yung Ordinansa ni Konsi Buboy Agustin.( alam na po nila yan)

4. Kapag may yellow card na po punta na po kayo sa office ko dyan sa Temporary City Hall sa 2nd floor

Tara na at mag apply na....magkita kita po tayo at makapag kwentuhan na rin para masaya ang buhay. Hehehe

Simpleng buhay

P**i like and share naman po para
malaman ng iba....please

Tayo po'y nagkaroon ng isang makabuluhang talakayan sa Brgy. Santolan | Concepcion Ilaya tungkol sa mga usapin sa electr...
12/05/2026

Tayo po'y nagkaroon ng isang makabuluhang talakayan sa Brgy. Santolan | Concepcion Ilaya tungkol sa mga usapin sa electrical at water connection para sa ating mga kababayan sa urban poor communities. Layunin nating makahanap ng ligal, ligtas, at mas abot-kayang solusyon para sa bawat pamilyang matagal nang nangangailangan ng maayos na serbisyo.

Maraming salamat sa mga HOA Officers ng Concepcion Ilaya, sa ngalan ni Kap. Gab, sa pakikiisa at suporta sa ating adhikain para sa mas maayos na komunidad. Tuloy-tuloy po ang ating laban para sa serbisyong tunay na abot ng masa. 🤝

Sa lahat ng ilaw ng tahanan, kayo po ang tunay na inspirasyon ng bawat pamilyang Pilipino. 💜🌸Ngayong Araw ng mga Ina, na...
11/05/2026

Sa lahat ng ilaw ng tahanan, kayo po ang tunay na inspirasyon ng bawat pamilyang Pilipino. 💜🌸

Ngayong Araw ng mga Ina, nais ko pong batiin ang lahat ng nanay, lola, solo parent, at mga gurong tumatayong ina—maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at pag-aaruga. Kayo po ang puso ng bawat tahanan at lakas ng ating komunidad.

Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng Pasigueñang Ina! 🌷

Ngayong Araw ng Manggagawa, saludo po ako sa sipag, tiyaga, at sakripisyo ng bawat manggagawang Pilipino na patuloy na k...
01/05/2026

Ngayong Araw ng Manggagawa, saludo po ako sa sipag, tiyaga, at sakripisyo ng bawat manggagawang Pilipino na patuloy na kumakayod para sa kanilang pamilya at para sa bayan. 💪🇵🇭

Bilang lingkod-bayan, patuloy po nating isusulong ang mga programang makakatulong sa ating mga manggagawa—lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na araw-araw lumalaban para magkaroon ng maayos na buhay. Ang inyong pagsisikap ang tunay na pundasyon ng ating komunidad at ekonomiya.

Maligayang Araw ng Manggagawa sa lahat ng Pasigueñong manggagawa! ✊

28/04/2026

Mga kababayan, usapang kuryente na swak sa budget— 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗠𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗩𝗦. 𝗞𝘂𝗿𝘆𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗟𝗼𝗮𝗱!⚡💡

Bilang lingkod bayan, gusto kong malinawan lalo na ang ating mga kababayan sa urban poor communities: ang Regular Meter ay hulugan buwan-buwan base sa konsumo, habang ang Kuryente Load ay parang prepaid—kontrolado mo kung magkano ang gagastusin mo at iwas biglaang bayarin.

Para ito sa mas abot-kaya, legal, at ligtas na kuryente para sa bawat pamilya—walang takot sa sunog, walang problema sa ilegal na koneksyon.


Address

Caruncho Avenue
Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share