21/03/2026
Presyo ng langis, ibaba, irollback! Kabataan, makiisa sa laban ng tsuper!
Patuloy tayong naninindigan at nagpapanawagan para sa karapatan ng bawat tsuper sa isang nakakabuhay na kita. Hindi na makatao ang sunod-sunod na oil price hikes na lalong nagpapahirap sa ating mga drayber. Kaya naman, kaisa ang Kabataan Partylist - Pasig sa panawagang ibasura ang Oil Deregulation Law, pati na ang VAT at Excise Tax sa produktong petrolyo na siyang nagpapalobo sa presyo ng bilihin.
Sa gitna ng krisis, kailangan ng masa ang tunay na pagtaas ng sahod at mabilis na pagbaba ng presyo ng mga batayang pangangailangan. Ang kilos-protestang ito sa Mendiola ay patunay na ang laban ng tsuper ay laban din ng komyuter—isang kolektibong pagkilos para sa katarungang panlipunan at kagalingan ng sambayanan!