01/10/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐
Mas naging kapana-panabik at makabuluhan ang ikatlong araw ng Pasig City Youth Innovation Summit 2026, dahil dito na ipinakita ng mga kabataang innovators ang kanilang mga startup ideas sa harap ng panel of judges. Sinimulan ang araw sa presentasyon ni Mr. Kenneth Dela Peรฑa, Project Manager ng Pasig City Youth Innovation Summit 2026, tungkol sa Mechanics and Criteria for Judging. Tinalakay dito ang mga maaaring sumali, mga lokal na hamon na maaaring tugunan ng kanilang mga ideya, mechanics ng final pitching, at analytical rubrics na gagamitin sa pagsusuri ng bawat presentation.
Samantala, ipinakilala naman ni Ms. Camile E. Canieso, Senior Science Research Specialist ng DOST-NCR, ang panel of judges na binubuo nina Ms. Rowena D.B. San Jose, Chief Trade Industry Development Specialist, DTI-NCRO; Ms. Michelle D. Ballesteros, President of Philippine Marketing Association; Ms. Maria Cristina โIndoโ L. Ibaรฑez, President, Scale NCR and TBI Innovation Resource Manager, Miriam College Henry Sy, Sr. Innovation Center; Mr. Crisostomo Ian P. Veron Cruz, Officer-in-Charge, Pasig City Local Economic Development and Investment Office; Atty. Diego Luis S. Santiago, Director III of Innovation Staff, Depertment of Economy, Planning, and Development; Engr. Reynaldo โRainโ A. Badua Jr., Science Research Specialist I, and Innovation Hub Focal, DOST-NCR; at Mr. Lucrecio D. Delgado, Jr., Regional Director, Wadwhani Foundation USA-Southeast Asia
At dito na nagsimula ang pinakahihintay na Final Pitching. Isa-isang ipinakita ng mga youth innovators ang kanilang mga startup ideas, kung saan naipamalas nila ang kanilang creativity, preparation, at kaalaman sa pagtugon sa mga hamon at pangangailangan ng komunidad. Higit sa isang kompetisyon, naging pagkakataon ang pitching para sa mga kabataan na maipakita na ang kanilang mga ideya ay maaaring magsilbing simula ng mga solusyong may tunay na halaga para sa Pasig.
Matapos ang final pitching, nagkaroon din ng Fireside Chat na may temang โBuilding Beyond the Idea: Support, Opportunities, and the Startup Journey.โ Pinangunahan ito ng moderator na si Ms. Diane Dugan, kasama sina Mr. Daniel S. Caparro, CEO and Co-founder of Hardy & Co. PH; Mr. Arrian Lim, Founder and CEO of Pawdel Inc.; Ms. Josephine Nefiel ng Pasig City LEDIO; Engr. Ian Nico Tubban ng Adamson University NeoScience TBI; at Engr. Reynaldo Badua Jr. ng DOST-NCR. Nagbahagi sila ng kanilang kaalaman at karanasan tungkol sa mga susunod na hakbang pagkatapos ng ideyaโmula sa mentorship at suporta hanggang sa mga oportunidad na maaaring makatulong sa pagsisimula at pagpapaunlad ng isang startup.
Nagbigay rin ng Message of Support si Hon. Ryan Enriquez, City Councilor ng Pasig, para sa mga kabataang lumahok sa summit. Binigyang-pagkilala ang kanilang tapang na magbahagi ng mga ideya at kanilang pagsisikap na maging bahagi ng isang community na nagsusulong ng innovation.
At matapos ang lahat ng presentations, dumating na ang pinakahihintay na bahagiโang pagkilala sa mga natatanging startup ideas at youth innovators ng Pasig City Youth Innovation Summit 2026. ๐
โจ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐
Most Participative Award โ Chris Nicolai Folloso, Pamantasan ng Lungsod ng Pasig
๐ค Best Pitch Award โ Szack D. Cruz, National University East Ortigas
๐ก Most Innovative Idea Award โ AQUAPAVE, National University East Ortigas
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐ฅ 1st Place โ AQUAPAVE, National University East Ortigas
๐ฅ 2nd Place โ BAHAYANI, National University East Ortigas
๐ฅ 3rd Place โ PASIGASIG, National University East Ortigas
Nagpapasalamat din ang Pasig City LEDIO sa mga teams na naging bahagi ng summit at tumanggap ng Consolation Prizes: INNOBYTE, JRC Tech, GEONNOVATIVE, C=TECH, PIX3L, ERROR242, at PASIGLA. Ang bawat team ay nagbahagi ng sariling ideya, solusyon, at pananaw para sa mas makabuluhang kinabukasan ng Pasig.
Ang mga awardees at prize recipients ay magkakaroon ng panimulang suporta para sa kanilang startup development, at ang mga nanalong teams ay ie-endorse sa DOST-NCR at SCALE NCR para sa mga susunod na oportunidad at suporta sa pagpapaunlad ng kanilang mga ideya.
Sa kanyang Closing Remarks, nagpaabot si Mr. Crisostomo Ian P. Veron Cruz, Officer-in-Charge ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office (LEDIO), ng pagbati at pasasalamat sa lahat ng students na naging bahagi ng summit. Binigyang-diin din niya ang pag-asang mas marami pang kabataan mula sa ibaโt ibang paaralan ang mahikayat na lumahok sa mga susunod na innovation initiatives ng lungsod.
Sa pagtatapos ng Pasig City Youth Innovation Summit 2026, isang mahalagang mensahe ang naiwan: ang isang ideya ay maaaring maging simula ng isang solusyon, at ang isang kabataang may ideya ay maaaring maging bahagi ng pagbabago. ๐ฑ๐
Mula sa pagbuo ng ideya, pag-develop ng prototype, hanggang sa pagharap sa final pitchโipinakita ng ating kabataang Pasigueรฑo na may lugar ang kanilang mga ideya sa pagbuo ng mas makabago at mas progresibong Pasig.
Maraming salamat at congratulations sa lahat ng participants, mentors, judges, partners, at organizers! See you in the next AGOS Pasig innovation journey!