31/05/2026
𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎𝐋𝐄Ñ𝐎: 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐀𝐍𝐃 𝐎𝐍𝐄-𝐒𝐓𝐎𝐏 𝐎𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐇𝐔𝐁
Noong May 25, 2026, ginanap ang mas pinalaking Handog Santoleño: A Job Fair and One-Stop Opportunity Hub sa Ilaya Covered Court. Ang programang ito ay isang hakbang para tulungan ang kabataan na makahanap ng oportunidad para sa mas maliwanag na bukas.
Sa loob ng isang araw, nagtipon-tipon ang 16 na mga ahensiya ng pamahalaan, pribadong kumpanya, at mga organizations upang maghatid ng job openings, trainings, livelihood assistance, at career guidance para magbigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan. Mula sa mahigit dalawang daang aplikante, 64 na Santoleño ang hired on the spot! Panibagong record para sa ating mga nagdaang Job Fair.
Lubos ang pasasalamat natin sa Sangguniang Pambarangay ng Santolan. Ganoon rin sa lahat ng kabataang dumalo, sa ating partners, sponsors, at volunteers. Ang inyong pakikiisa ang naging susi kung bakit matagumpay at makabuluhan ang programang ito. Sama-sama nating isulong ang mas maraming oportunidad at mas matibay na suporta para sa kabataang Santoleño.