29/05/2026
Kahapon po, nag-hearing ang ating Committee on Human Settlements and Urban Development para sa Pasig City Local Shelter Plan (2023-2031). Malinaw ang ating layunin: pabahay para sa lahat ng Pasigueño.
Ito ang mga konkretong plano na ginagawa at ipinapatupad natin para sa mga susunod na taon. Una, ang mga programa upang 𝐭𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐜𝐤𝐥𝐨𝐠 at unti-unting punan ang kakulangan sa pabahay. Pangalawa, ang mga 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐡𝐨𝐮𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬 ng lungsod. Pangatlo, ang pagsisiguro na ang mga tirahan ay 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚, nasa tamang lugar, at matatag laban sa kalamidad. At pang-apat, ang pagsusulong ng 𝐬𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐮𝐫𝐛𝐚𝐧 𝐝𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭.
Aanhin naman natin ang lungsod na pang-aesthetic lang, kung hindi naman ramdam ng lahat ang pag-unlad?
Ang target natin: isang Pasig kung saan bawat pamilya ay may kapanatagan ng isip at sariling matatawag na tahanan!