07/10/2026
๐๐จ๐จ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ข๐๐๐ข๐ง๐ : ๐๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ซ๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐!
Bilang paghahanda para sa KooPASIGla sa Oktubre 10, 2026, isinagawa ang KooPASIGla Briefing via Zoom para sa mga kalahok na makikiisa sa nalalapit na aktibidad.
Pinangunahan ni G. Zymoun Delos Reyes, Cooperative Development Specialist I, mula sa Pasig City Cooperative Development Office (CDO) ang briefing na naglalayong ihanda ang mga participants para sa mga paligsahan, laro, at ibaโt ibang aktibidad na kanilang sasalihan.
Tinalakay sa briefing ang daloy ng mga palaro, mga panuntunan at mechanics, mga kinakailangang paghahanda, at iba pang mahahalagang paalala upang maging maayos at masaya ang paglahok ng bawat team at participant.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na malaman kung ano ang kanilang dapat abangan sa mismong araw ng KooPASIGla โ mula sa mga hamon at paligsahan na susubok sa kanilang teamwork at diskarte, hanggang sa mga aktibidad na siguradong magbibigay ng saya, excitement, at pagkakataong mas makilala ang kapwa miyembro ng cooperative community.
Higit sa kompetisyon, layunin ng KooPASIGla na palakasin ang camaraderie, teamwork, at diwa ng kooperasyon sa pamamagitan ng masaya at sama-samang pakikilahok.
Kaya naman, handa na ba ang lahat?
Ngayong malinaw na ang flow at mga dapat abangan, mas exciting nang harapin ang KooPASIGla sa Oktubre 10, 2026!
Maghanda ng energy, teamwork, diskarte, at good vibes โ dahil tiyak na magiging masaya ang araw na ito!
Abangan ang KooPASIGla!
Sama-sama tayong maglaro, magsaya, at magkaisa!