06/08/2026
๐ธ๐ฉบ ๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ | ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ข๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐๐๐๐ง๐, ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅ ๐ฃ๐ข๐ช๐๐ฅ ๐
Isang matagumpay na hakbang tungo sa mas malusog, mas mulat, at mas empowered na Kabataang Sagad! ๐ฟโจ
Noong July 31, 2026, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sagad ang SK Sagad HealthCon 2026: Your Health, Your Power, isang one-day school-based health convention na ginanap sa Conference Room, San Miguel Elementary School.
Naging makabuluhan ang programa sa pangunguna ng ating mga iginagalang na resource speakers:
๐ฅ Ms. Marie Neila F. Reyes, RND โ Healthy Diet for Teens: Kabataan, Kalusugan, Kaalaman
๐ง Mr. Christian Calma Bartina โ Youth Mental Health
๐๏ธ Ms. Samantha Quipones โ HIV and AIDS Awareness Seminar
Sa pamamagitan ng kanilang mga makabuluhang talakayan, nabigyan ang ating mga mag-aaral ng sapat na kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan, at tamang impormasyon ukol sa HIV at AIDS. Layunin ng programang ito na mahubog ang mga kabataang may tamang kaalaman, responsableng pagpapasya, at malasakit sa kanilang sariling kalusugan at sa kapwa.
๐ค Lubos naming pinasasalamatan ang aming mga katuwang sa tagumpay ng programang ito:
๐ซ Sagad High School, sa pangunguna ni Mr. Erwin C. Lugtu, Principal, para sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan;
๐ซ San Miguel Elementary School para sa pagbibigay ng venue;
๐ฅ Pasig City Treatment Hub;
โ Alba Cafรฉ;
๐ฅ Barangay Sagad Nutrition Council; at
๐ฉบ Barangay Sagad Health Center.
Maraming Salamat din sa ating mga g**o, volunteers, at sa lahat ng mga mag-aaral na aktibong nakibahagi sa programang ito. Ang inyong suporta at pakikiisa ang naging susi sa tagumpay ng SK Sagad HealthCon 2026.
๐ Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang henerasyong malusog, may sapat na kaalaman, at handang maging katuwang sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas maunlad na komunidad.