06/10/2026
๐๐๐๐๐ ๐,๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐? ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐!
Matagumpay na isinagawa ang back-to-back na Tara Trabaho, G? Mega Job Fair noong October 1-2, 2026 sa SM City East Ortigas at Robinsons Metro East, na dinaluhan ng 1,067 jobseekers na naghahanap ng bagong oportunidad sa pagtatrabaho, lokal man o sa ibang bansa.
Sa unang araw sa SM City East Ortigas, umabot sa 508 aplikante ang dumalo, kung saan 122 ang hired-on-the-spot at 100 ang near-hire, o mga aplikanteng kinakailangang magsumite ng karagdagang dokumento o sumailalim sa ikalawang interview.
Sa ikalawang araw naman sa Robinsons Metro East, 559 jobseekers ang lumahok, kung saan 172 ang hired-on-the-spot at 260 ang near-hire. Sa kabuuan, umabot naman sa 1,753 qualified job applications ang natanggap sa dalawang araw na job fair. Mas mataas ito kaysa sa kabuuang bilang ng jobseekers dahil maaaring makapag-apply ang isang aplikante sa higit sa isang posisyon o kumpanya.
Bahagi rin ng aktibidad ang one-stop shop para sa mga Pasigueรฑong first-time jobseeker na nangangailangan ng ibaโt ibang dokumento at serbisyo para sa kanilang employment application. Kabilang dito ang libreng pagkuha ng police clearance at NBI clearance, pati na rin ang registration sa Pag-IBIG Fund, PhilHealth, at SSS.
โ
Bukod sa recruitment activities at one-stop shop, bahagi rin ng job fair ang mga lecture at orientation session para mas maging handa ang mga aplikante bago sumailalim sa interview sa partner companies at agencies. Pinangunahan ng Pasig City Public Employment Service Office (PESO) ang Pre-Employment Coaching, kung saan sila nagbigay ng tips tungkol sa paghahanda para sa job interview.
Nagkaroon din ng one-on-one coaching ang PESO para mas detalyadong matukoy ang mga kailangang pagbutihin ng bawat aplikante at mabigyan sila ng mas angkop na gabay bago ang kanilang interview.
Para naman sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa, nagsagawa ang Department of Migrant Workers ng Pre-Employment Orientation Seminar, na nagbigay ng mahahalagang impormasyon para sa mga nagpaplanong mag-abroad, kabilang ang mga paraan upang makaiwas sa illegal recruitment. Nagkaroon din ng YAKAP Orientation mula sa PhilHealth tungkol naman sa programa at mga serbisyong maaari mapakinabangan ng mga aplikante.
โ
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng PESO, taos-pusong pasasalamat sa mga kumpanyang nakiisa, sa opisina ni Senate President Sherwin โWinโ Gatchalian, at sa mga tanggapan ng nasyonal na pamahalaan na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng dalawang araw na job fair.
Salamat din sa lahat ng jobseekers na dumalo at nagsikap na makahanap ng trabaho at bagong oportunidad na tiyak na makakatulong upang guminhawa ang kanilang pamumuhay!
Hanggang sa susunod na mga job fair, Pasigueรฑos! See less