06/09/2024
๐๐ญ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐, ๐ฌ๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ก๐๐ซ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐?
Walang nagtanong ngunit puso, sa likod ng uniporme, matinis at kalmadong tinig, may karanasan at nais makaranas, puso ang umiiral sa likod ng pag-unlad ng daigdig. Tapat sa pangarap ang mga g**o, bumubusog sa mga ideya ng binhi ng lipunan ng mga kaabot-abot na katangian tungo sa tagumpay. Tapat ang mga g**o sa pagiging malaya, dahil ito ang buhay, ang mangarap nang mataas at lumipad base sa respeto ng potensiyal.
Nakalulula ang mga naglipanang propesyon sa lipunan, mga katha at inobasyon na nasasaksihan ng kasalukuyan at kinabukasang henerasyon. Kung hindi kalabisan, sa likod ng mataas na personalidad at posisyon ay mga paslit na nanganlong sa kanilang mga tagapagturo. Hindi lang sa akademiko kundi suportang moral at kalinga na isang dahilan upang magpatuloy sa tinatahak na karera.
Maligamgam ang mga g**o, sa tungkuling sinumpaan at sa pag-aaruga sa mga kabataang pinaniniwalaan nilang pag-asa ng nasyon. Hindi nakatatakot ang pagtuklas dahil may kasama kaโang g**ong may maligamgam na palad sa iyong likod na handang sumalo sa iyong pagkakamali upang matutunan mong ayusin ang landas na para saโyo.
Kinikilala ng lipunan ang mga g**o bilang โlamangโ. Na hindi isang pangarap ang propesyon na ito, na walang pera sa puso. Ngunit sino ba ang humubog sa mga pangalang tinitingala ng bayan? Kung edukasyon ang susi sa pag-unlad, ang mga g**o ang may kakayahang humikayat sa atin na buksan pinto. Ang mga g**o ang unang namuhunan para sa bayan.
Bilang mga produkto ng kagitingan ng mga kaguruan, nawaโy ang isang buwan ay magkasya upang maranasan nila ang pagkilala sa panghabambuhay na pangako sa serbisyo. Ang respeto sa kanilang ginagawa at propesyon ay senyales na nagtagumpay ang lipunang ito. Sa mga g**o tayo unang humawak, nagtiwala, at naniwalaโsila ang may katha ng ating mga pakpak
Walang alinlangan, walang obra na masasaksihan ang ating henerasyon, kung walang maestra na nagpayabong sa potensiyal nito.
Maligayang Buwan ng mga Kaguruan.
-Michelle Abonales