07/05/2025
Mga mahal kong Pasigueño sa District 2 at buong Pasig, ako po si Ara Mina Almarinez – isang tunay at pusong Pasigueña, buong-pusong humaharap sa inyo ngayon upang ialay ang aking sarili sa paglilingkod bayan.
Hindi po ako dayo. Dito po ako lumaki sa puso ng Pasig, sa mga kalsadang puno ng alaala ng kabataan, sa mga paaralang nagturo sa akin ng sipag, tiyaga, at dangal. Nag-aral po ako ng elementarya sa Alice In Wonderland School sa may Greenpark Village, Brgy. Manggahan Pasig – paaralang nagsilbing pundasyon ng aking pangarap, determinasyon, at malasakit sa kapwa.
Bata pa lang ako, parte na ako ng ating mayamang kultura. Lumahok ako sa mga Santa Cruzan – isang tradisyong nagpapakita ng ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad. Higit pa riyan, dugo ng isang tunay na Pasigueña ang dumadaloy sa akin – ang aking ina, si Venus Imperial, ay hindi lamang tubong Pasig kundi kinoronahang Mutya ng Pasig noong 1967.
Ang Pasig ay hindi lamang lugar para sa akin – ito ay tahanan, ito ay puso, ito ay buhay. Kaya naman ngayon, dala ang karanasang napagdaanan ko ng dekadang pagmamalasakit – bilang isang ina, isang artista, isang singer,isang host, isang negosyante, at isang public servant – ako po’y buong tapang at tumatakbo bilang Konsehala ng District 2 sa Pasig City.
Ang aking hangarin ay ang maglingkod, hindi lang para sa iilan kundi para sa bawat mamamayan ng Pasig – bata man, matanda, kababaihan, PWD, solo parent, at bawat pamilyang nangangarap ng ginhawa.
Narito po ang mga kongkretong plataporma na nais kong itaguyod:
1. Livelihood at Pangkabuhayan para sa Kababaihan – Livelihood programs at skills training para sa mga nanay, tatay, at kabataang nais umangat sa buhay.
2. Scholarship Grant para sa lahat ng mga anak ng SOLO Parent
3. Special Education and Assistance Program para sa batang may Special Needs
4. Pagbibigay ng mas maraming services at program para sa mga PWD
5. Kayang Pabahay Program
Ako po si Ara Mina-Alamrinez – kasama ninyo noon bilang kapwa Pasigueña, kasama ninyo ngayon bilang kandidato, at makakasama ninyo bukas bilang tapat na lingkod bayan. Hindi kailanman naging hadlang ang pagiging artista ko sa tunay kong layunin – ang magbigay ng tulong, pag-asa, at serbisyong may puso. Pinapangako ko na Ang lahat ng plataporma ay maisasakatuparan kung ako ay bibigyan ninyo ng pagkakataon na maihalal. ❤️ ❤️ ❤️
Kaya ko 'to, Kaya natin 'to. . Basta tulong-tulong tayong lahat.❤️ ❤️ ❤️