26/08/2026
โ
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐ฟ๐ผ, ๐๐๐ผ๐๐ฟ ๐พ๐๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ 2026 ๐๐๐๐ผ!
Aug. 25, 2026 โ๐๐๐๐๐ฟ๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐! ๐ - Isang makasaysayang tagumpay ang muling nakamit ng ating Barangay Pineda matapos tanghaling Grand Champion sa 2026 Lupon Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA)โisang parangal na kauna-unahan nating natanggap bilang Grand Champion! ๐๐
Ginanap ang awarding ceremony ngayong araw sa Crowne Plaza, Ortigas, kung saan kinilala ang mahusay, maayos at epektibong pagpapatupad ng ating Lupon Tagapamayapa sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakasundo at maayos na ugnayan sa ating komunidad.
Taos-puso ang ating pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto, sa patuloy na suporta at malasakit sa mga barangay. Maraming salamat din sa Pasig-DILG, sa pangunguna ni Maโam Vita Martinez, at sa buong LTIA City Awards Committee sa kanilang paggabay, suporta at pagkilala sa mga natatanging Lupon Tagapamayapa ng ating lungsod.
Ang parangal na ito ay hindi lamang tagumpay ng iilan, kundi tagumpay ng buong Barangay Pineda. Ito ay bunga ng sipag, dedikasyon, malasakit at pagkakaisa ng bawat miyembro ng ating Lupon Tagapamayapa, kawani at ng buong komunidad.
Congratulations, Barangay Pineda! ๐๐
GRAND CHAMPION โ 2026 LUPON TAGAPAMAYAPA INCENTIVE AWARDS!
Isang malaking karangalan para sa Pineda! Serbisyong may malasakit, kapayapaang pinangangalagaan. ๐