30/08/2026
π΅π NATIONAL HEROES DAY 2026
PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG ATING BAYAN
Ngayong National Heroes Day, buong puso nating ginugunita at binibigyang-pugay ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, panahon, at kakayahan para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa. π΅π
Ang kanilang kabayanihan ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon upang isabuhay natin ang pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, katapatan, paglilingkod, at katapangan sa ating pang-araw-araw na buhay.
Hindi lamang sa malalaking sakripisyo nasusukat ang pagiging bayani. Sa pagtulong sa kapwa, pagiging responsableng mamamayan, paggalang sa batas, at pakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan, naipagpapatuloy natin ang kanilang dakilang pamana.
Bilang mga volunteer responders, patuloy nating isasabuhay ang diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng serbisyo, malasakit, tapang, at kahandaang tumulong sa oras ng pangangailangan. ππ«‘
Let us honor their sacrifices by continuing their legacy of courage, service, unity, and patriotism.
π΅π Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino!
π΅π Mabuhay ang Pilipinas!
π PASIG PATHFINDER FIRE AND RESCUE VOLUNTEER GROUP INC.
VOLUNTEERS β’ SERVICE β’ COURAGE β’ COMMITMENT