Pateros Health Office - Health Promotion Unit

Directions

Pateros Health Office - Health Promotion Unit Welcome to Pateros Health Promotion! �

Bakit nga ba kailangan pa din naten pabakunahan muli ang ating mga anak kahit nabakunahan na sila nung infant pa sila?? ...
07/10/2026

Bakit nga ba kailangan pa din naten pabakunahan muli ang ating mga anak kahit nabakunahan na sila nung infant pa sila??


Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela n...
06/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!

Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga paaralan laban sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:

✅ measles;
✅ rubella;
✅ diphtheria; at
✅ human papillomavirus.

Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:

Para sa Grade 1 at Grade 7:
✅ Measles-Rubella
✅ Tetanus-Diphtheria

Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
✅Human Papillomavirus (HPV)


Bakit nga ba mas madali mahawa sa sakit na TB ang mga Bata??Dahil sa kanilang mahinang resistensya, ang mga batang 5 tao...
03/10/2026

Bakit nga ba mas madali mahawa sa sakit na TB ang mga Bata??

Dahil sa kanilang mahinang resistensya, ang mga batang 5 taong gulang pababa ay mas madaling kapitan ng TB. Kaya mahalagang bantayan sila laban sa sakit na ito!

Maaaring magdulot ang TB ng malulubhang komplikasyon sa mga bata tulad ng Pott’s Disease (TB sa buto), TB Meningitis (TB sa utak), at pangmatagalang pinsala sa baga.

Makipag-ugnayan agad sa inyong pinakamalapit na Health Center para sa libreng check-up at konsulta.

Magandang Araw, Bayan ng Pateros!Ngayong Oct 1-7, 2026 ay ipinagdiriwang natin ang National Newborn Screening Week. Nagl...
02/10/2026

Magandang Araw, Bayan ng Pateros!

Ngayong Oct 1-7, 2026 ay ipinagdiriwang natin ang National Newborn Screening Week.

Naglalayon ito na paigtingin ang kaalaman ng bawat magulang and guardians tungkol sa kahalagahan ng Newborn Screening test upang malaman ang estado ng kalusugan ng kanilang mga bagong silang na sanggol.

Bumisita po sa ating mga Health Centers para sa karagdagang impormasyon at serbisyo.

Maraming Salamat po! 🫶



October is Mental Health Awareness MonthPahalagahan ang kalusugang pangkaisipan.Kumustahin natin ang ating mga kaibigan ...
01/10/2026

October is Mental Health Awareness Month

Pahalagahan ang kalusugang pangkaisipan.

Kumustahin natin ang ating mga kaibigan at kapamilya.

Magsilbing sana tayong safe space para sa kanila ng walang panghuhusga.

Makinig. Makipag usap. Magpakonsulta.

Hindi ka nag-iisa. Maaaring bumisita sa inyong pinakamalapit na Health Centers para sa libreng konsultasyon and Mental Health Counselling.

Maraming Salamat po.


October is Breast Cancer Awareness Month.MOMMIES, ATE, MARE, GIRLIES and BESHIES! Pahalagahan naten ang ating kalusugan,...
01/10/2026

October is Breast Cancer Awareness Month.

MOMMIES, ATE, MARE, GIRLIES and BESHIES!

Pahalagahan naten ang ating kalusugan, bumisita po sa ating mga health centers para sa mga libreng serbisyo for cancer screening gaya ng breast examination, papsmear and Visual inspection in Acetic acid (VIA)

Let's get checked! 🥰😊


01/10/2026

October is Breast Cancer Awareness Month!

Magpacheck po tayo ngbating dibdib para sa routine screening and early detection.

Bumisita lang po sa ating mga health centers.

Maraming Salamat po. 🥰

Magplano ng pamilya, para sa malusog at masayang pagsasama.Kung nais mong ipagpaliban muna ang pagbubuntis, magkaroon ng...
01/10/2026

Magplano ng pamilya, para sa malusog at masayang pagsasama.

Kung nais mong ipagpaliban muna ang pagbubuntis, magkaroon ng tamang pagitan ng mga anak, o hindi na magkaanak, may family planning methods na maaari mong pagpilian.

Mahalagang magkaroon ng tamang impormasyon upang makapagdesisyon batay sa iyong pangangailangan at plano para sa pamilya. Kumonsulta sa healthcare provider para malaman ang method na angkop para sa iyo.

Magandang Araw, Bayan ng Pateros!Munting Paalala ng DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INITAng El Niño ay na...
01/10/2026

Magandang Araw, Bayan ng Pateros!

Munting Paalala ng DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.

Magandang Araw, Bayan ng Pateros! Tandaan: Ang isang taong posibleng may TB ay kadalasang nakakaramdam ng alinman sa mga...
01/10/2026

Magandang Araw, Bayan ng Pateros!

Tandaan: Ang isang taong posibleng may TB ay kadalasang nakakaramdam ng alinman sa mga pangunahing sintomas na umaabot nang dalawang linggo o higit pa. Kabilang dito ang ubo na hindi nawawala, hindi maipaliwanag na paglalagnat, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang o pamamayat, at labis-labis na pagpapawis sa gabi.

Kung nararanasan mo o ng iyong mahal sa buhay ang mga palatandaang ito, huwag mag-atubiling magpacheck-up agad sa pinakamalapit na pasilidad ng kalusugan.

Ang maagang pagtukoy sa mga sintomas ng TB ay mahalaga upang agad na makapagsimula ng libreng gamot at maiwasan ang pagkalat nito sa pamilya at komunidad.

Makipag-ugnayan agad sa inyong pinakamalapit na Health Center para sa libreng konsultasyon.

Address

Sta Ana
Pateros
1620

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pateros Health Office - Health Promotion Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share