12/08/2026
Ika-29 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Ika-13 Sangguniang Bayan, Nagpatibay ng Panukalang Nagpapalakas sa partisipasyon ng komunidad.
Isinagawa ang ika-11 ng Agosto 2026, ganap na ika-9:00 ng umaga sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan ang ika-29 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Ika-13 Sangguniang Bayan ng Pateros sa pangunguna ni Kgg. Vice Mayor Carlo U. Santos, Pangulong Tagapatnubay, kasama ang mga miyembro ng konseho.
Sa nasabing pagpupulong, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Draft Resolution No. 34-2026 na nag-aakredit sa Samahang Magkakapit-Bahay ng Nagkakaisang Tinig at Lakas (SAMATILA), Inc. ng Barangay Sta. Ana bilang Civil Society Organization para sa Administrative Term 2025–2028, na nakakuha ng botong 14-0-0.
Patuloy na isinusulong ng Ika-13 Sangguniang Bayan ang bukas at inklusibong pamamahala sa pamamagitan ng pagkilala sa mga organisasyong katuwang ng pamahalaan. Sa bawat hakbang, layunin ng konseho na palakasin ang ugnayan ng mamamayan at pamahalaan tungo sa mas maayos na serbisyo para sa bawat Paterosino.