19/08/2026
WALANG PASOK SA BAYAN NG PATEROS
August 20, 2026 (Huwebes)
Sa bisa ng Memorandum Circular No. 131 mula sa Office of the President, at dahil sa bantang muli ng masamang panahon sa Luzon, kabilang ang Kalakhang Maynila, dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ay kanselado muli ang in-person classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa Bayan ng Pateros ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026.
Upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral, isasagawa ang Alternative Delivery Mode (ADM) o Asynchronous Learning bilang kapalit ng face-to-face classes.
Hinihikayat ang lahat na manatili sa ligtas na lugar at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso hinggil sa lagay ng panahon.
Mag-ingat po tayong lahat. Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. π