06/08/2026
Walang Pasok sa Bayan ng Pateros
Agosto 7, 2026
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa ating bayan dulot ng habagat na pinalalakas ng Bagyong , ikinakansela ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa Bayan ng Pateros, bukas, Agosto 7, 2026 (Biyernes).
Alinsunod dito, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng pansamantalang suspensiyon ng mga klase.
Pinapayuhan din ang lahat ng ating mga kababayan na manatili sa loob ng kanilang tahanan at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas, lalo na sa mga lugar na maaaring bahain o mapanganib.
Patuloy pong mag-monitor ng mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ng Pateros at sa mga kinauukulang ahensya.
Mag-ingat po tayong lahat.