26/08/2026
🎓 TULUY-TULOY ANG PAGPAPABUTI NG EDUKASYON, PARA SA KABATAAN NG PATEROS! 🤝
Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Pateros, Pateros Technological College (PTC), alumni, faculty, student leaders, at business sector para sa patuloy na pag-unlad ng ating lokal na kolehiyo at pagbibigay ng mas magandang oportunidad sa bawat kabataan ng Pateros.
Sa isinagawang PTC Board of Trustees Regular Meeting, pinag-usapan ang mahahalagang usapin at mga hakbang para higit pang mapahusay ang pamamahala, mga programa, serbisyo, at mga oportunidad na nakalaan para sa mga mag-aaral, mga g**o, at mismong kolehiyo.
Layunin ng pagpupulong na magkaroon ng malinaw na direksyon at sama-samang pagkilos tungo sa isang PTC na mahusay, responsive, at nakatuon sa pangangailangan ng ating lokal na paaralan.
👥 Dumalo sa pagpupulong sina:
• Mayor Gerald German
• Dr. Raymund P. Arcega - Alcucoa President
• Dr. Analiza F. Arcega – PTC President
• Angelus DP Ponce – Municipal Administrator
• Robert Santos – Business Sector Representative
• Prof. Rowena Del Rosario – PTC Alumni Representative
• Prof. Angel Cylo Real – President, PTC Faculty Club
• Rolando S. Baylon – BOT Secretary
• Shane Arianne B. Pol – SSC President
Ang ganitong mga pagpupulong ay mahalaga upang mapag-usapan ang mga konkretong solusyon, bagong oportunidad, at mga programang makatutulong sa ating mga estudyante.
Dahil sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Gerald German, patuloy nating isinusulong ang isang pamahalaang nakikinig, kumikilos, at nagbibigay ng konkretong serbisyo para sa Pateros.
📚 Edukasyon para sa kabataan.
🤝 Pagtutulungan para sa komunidad.
🚀 Aksyon para sa mas magandang kinabukasan.
Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos